top of page
Search

ni BRT @News | October 7, 2023




Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng 42 commercial airport sa bansa sa heightened alert matapos ang natanggap na bomb threat.


Ayon sa CAAP, isang email ang natanggap ng kanilang Air Traffic Service ang nagsabing isang aircraft mula Manila patungong Puerto Princesa, Mactan-Cebu, Bicol at Davao international airport ang pasasabugin.


Pinayuhan naman ang mga pasahero na maging handa sa pinaigting na security inspection sa mga paliparan.



 
 
  • BULGAR
  • Oct 7, 2023

ni Mai Ancheta @News | October 7, 2023




Isang low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa posibilidad na makapasok ito sa bansa sa araw ng Linggo.


Ang LPA ay naispatan malapit sa Guam at papalapit sa silangang bahagi ng Luzon, kumikilos pakanluran.


Agad namang nilinaw ng weather bureau na hindi ito makaaapekto sa panahon ngayong weekend.


Ayon sa PAGASA, kapag nabuo ang LPA na bagyo ay tatawaging "Kabayan".


Samantala, nakalabas na sa PAR ang bagyong Jenny subalit patuloy nitong hinahatak ang habagat na nakakaapekto sa sama ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon.



 
 

ni Mai Ancheta @News | October 7, 2023




May naghihintay na magandang balita sa mga motorista sa susunod na linggo dahil sa inaasahang malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.


Ayon kay Department of Energy Assistant Director Rodela Romero, posibleng magkaroon ng tapyas presyo sa krudo, gasolina at kerosene batay sa apat na araw na takbo ng presyo ng oil products sa pandaigdigang merkado.


Ayon sa opisyal, posibleng umabot hanggang tatlong piso kada litro ang bawas-presyo sa gasolina; P1.45 - P1.85 per liter ang tapyas sa diesel; at P1.75 -P2.15 per liter naman ang rollback sa kerosene.


Gayunman, sinabi ng opisyal na posibleng magbago pa ang presyo dahil hindi pa tapos ang ikalimang araw na trading ng oil products sa world market.


Kalimitang ginagawa ng mga kumpanya ng langis ang anunsiyo kung mayroong dagdag-presyo o rollback sa kanilang oil products pagsapit ng alas-12 ng hatinggabi ng Lunes.


Matatandaang nitong Oktubre 3, nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page