top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al
Search

ni Dominic Santos @News | March 1, 2025



Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei at Pres. Donald J. Trump - Circulated FB

Photo File: Circulated / Donald J. Trump



‘One of the most evil people in the world is dead’


Kinumpirma ni United States (US) President Donald Trump na patay na ang Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei kasunod ng ginawa nilang US-Israeli strike.


“Khamenei, one of the most evil people in History, is dead. This is not only Justice for the people of Iran, but for all Great Americans, and those people from many Countries throughout the World, that have been killed or mutilated by Khamenei and his gang of bloodthirsty THUGS,” ayon kay Trump.


Dagdag pa niya, “He was unable to avoid our Intelligence and Highly Sophisticated Tracking Systems and, working closely with Israel, there was not a thing he, or the other leaders that have been killed along with him, could do.”


Iginiit din niya na ito umano ang tamang pagkakataon para sa mga taga-Iran upang bawiin ang kanilang bansa dahil nabatid umano nila na ayaw nang lumaban ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC), Military, at ng iba pang puwersa at humihingi umano ang mga ito ng ‘immunity’ mula sa kanila.


“As I said last night, “Now they can have Immunity, later they only get Death!” Hopefully, the IRGC and Police will peacefully merge with the Iranian Patriots, and work together as a unit to bring back the Country to the Greatness it deserves,” saad pa ni Trump.





Mga estudyante, kaanak ng Supreme Leader ng Iran, patay din sa airstrike





Iba pang patay sa airstrike


Kinumpirma ng Iranian state media na kabilang sa mga pumanaw sa US-Israeli airstrike ang babaeng anak at apo ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.


Kasabay nito ay patay din ang dalawang manugang ni Khamenei sa naturang airstrike.


Nadamay din ang hindi bababa sa 40 estudyante matapos bombahin ng Israel ang isang school building sa bayan ng Minab sa Southern Iran nitong Sabado, Pebrero 28.

 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 27, 2026



Taliban security personnel sa pag-guard sa Torkham border crossing pagitan ng Afghanistan at Pakistan sa Nangarhar province, February 27, 2026 Aimal Zahir-AFP

Photo: File / Aimal Zahir-AFP



Nagsagawa ang Afghanistan ng malawakang pag-atake laban sa Pakistan bilang tugon sa naunang aksyon ng Taliban.


Ilang sundalo ng Pakistan ang nasawi, at may ilan ding inaresto sa isinasagawang military operations sa kanilang border.


Ayon sa Taliban, may ilang paglabag ang Pakistan sa kanilang hangganan na hindi nila matitiis.


Magugunitang kamakailan, naglunsad ang Pakistan ng pag-atake sa Afghanistan na nakatuon sa mga teroristang responsable sa mga suicide bombing.


 
 

by Jenny Rose Albason @Overseas News | February 26, 2026



Senegal Prime MInister Ousmane Sonko - Seyllou, AFP

Photo: File / Senegal Prime MInister Ousmane Sonko - Seyllou, AFP



Inihain nitong Martes ng Prime Minister of Senegal ang isang panukalang batas na magdodoble sa parusa laban sa same-sex relations, na maaaring magresulta sa hanggang 10 taong pagkakakulong.


Ayon kay Ousmane Sonko, ang sinumang mapatunayang gumawa ng “act against nature” ay papatawan ng lima hanggang 10 taong pagkabilanggo, mula sa kasalukuyang parusang isa hanggang limang taon.


Naipasa na sa National Assembly of Senegal ang panukala matapos itong aprubahan ng gabinete noong nakaraang linggo.


Isinusulong ang panukala kasunod ng ilang pag-aresto sa mga taong inakusahan ng paglabag sa umiiral na batas laban sa LGBTQ. Ayon sa pulisya, kabilang sa mga naaresto ngayong buwan ang ilang kalalakihan, kabilang ang dalawang lokal na personalidad at isang kilalang mamamahayag.


Iniulat din ang mga kaso ng same-sex relations na, sa ilang ulat, iniuugnay sa hiwalay na kaso ng pang-aabuso sa mga menor-de-edad. Sa naturang kaso, natukoy ng mga imbestigador ang isang grupo na inakusahan ng sexual violence laban sa mga bata, kung saan 14 katao ang naaresto.


Ayon kay Sonko, saklaw ng panukalang batas ang parehong isyu—same-sex relations at child sexual abuse. Dagdag pa niya, kung ang naturang gawain ay kinasasangkutan ng menor-de-edad, ipapataw ang pinakamataas na parusa.


Nakasaad sa panukala na ang anumang sexual act sa pagitan ng dalawang taong magkapareho ang kasarian ay ituturing na “act against nature.” May probisyon din ito na magpapataw ng tatlo hanggang pitong taong pagkabilanggo sa sinumang magsusulong o magsasagawa ng adbokasiya para sa same-sex relations.


Matagal nang sensitibong usapin sa Senegal ang LGBTQ rights, kung saan madalas tutulan ng mga relihiyosong grupo ang ganitong adbokasiya at iginiit na ito ay impluwensiya ng western countries. Ilang demonstrasyon na rin ang isinagawa sa nakaraang mga taon upang humiling ng mas mabigat na parusa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page