top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 19, 2023



ree

Umabot na sa walong katao ang namatay sa 6.8 magnitude na lindol na tumama nu'ng Biyernes sa bahagi ng Mindanao.


Ayon sa ulat ng tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na si Mark Timbal, apat sa mga namatay ay mula sa Sarangani, tatlo ay mula sa General Santos City, at isa naman mula sa Davao Occidental, habang 13 namang katao ang sugatan dahil sa lindol.


Patuloy pa rin ang NDRRMC at ang mga lokal na unit ng pamahalaan sa pagkumpirma ng bilang ng mga nasawi.


Kinumpirma naman ng NDRRMC na umabot sa 1, 509 katao o 180 pamilya ang naapektuhan at nawasak ang tirahan dahil sa lakas ng tumamang lindol.


Sa kabilang banda, naibalik na ang kuryente at naayos na ang mga daan sa ilang bahaging apektado ng nangyaring pagyanig.


 
 

ni Lolet Abania | October 26, 2022


ree

Nasa red alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa Tropical Depression Paeng. Sa isang press briefing, ayon kay NDRRMC deputy spokesperson Raffy Alejandro, karamihan sa mga Regional Risk-Reduction Management Councils (RDRRMCs) ay sasailalim na sa red alert status simula Huwebes.


“Naka-red alert na tayo for Paeng, so by tomorrow most of our regional offices or regional DRRMCs will be on red alert status starting tomorrow,” saad ni Alejandro.


“Kasi the [Tropical Depression] mararanasan na natin ang epekto starting Friday and then onwards to Monday hanggang lumabas siya hanggang Tuesday,” dagdag niya.


Ayon kay Alejandro, inalerto na rin ng NDRRMC ang mga local government units (LGUs) lalo na sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera, kung saan ang mga naturang lugar ay naapektuhan na rin ng mga naunang tropical cyclones gaya ng Maymay, Neneng, at Obet, gayundin ang pagtama ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra nitong Martes.


Sinabi pa ng opisyal na pinaghahandaan din ng NDRRMC ang paparating na long holiday weekend ng Undas dahil sa marami ang inaasahang bibisita sa mga probinsiya para sa posibleng maging sakuna.


“Under red alert, the NDRRMC will closely coordinate with LGUs, issue regular advisories, check response units, and assess availability of relief goods,” ani Alejandro.


Samantala, batay sa 11AM bulletin ng PAGASA, inaasahang si ‘Paeng’ ay maging isang typhoon sa weekend, na may wind signals na ibababa sa ilang mga lugar simula sa Huwebes.


“[Paeng would intensify into a tropical storm on Thursday and] further intensification is likely while moving over the Philippine Sea and may reach typhoon category on Saturday,” pahayag ng PAGASA.


“It has not ruled out the possibility of Paeng making landfall in Northern Luzon,” saad ng state weather bureau.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page