top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 5, 2026



Detroit Pistons - FB

Photo: Detroit Pistons - FB



Laro ngayong Martes

8:00 AM Philadelphia vs. NY

9:30 AM Minnesota vs. SA


Walo na lang ang nalalabing koponan sa 2026 NBA Playoffs matapos magwagi sa kanilang mga tahanan ang Detroit Pistons at Cleveland Cavaliers kahapon. Silang dalawa rin ang magtatapat sa Eastern Conference Semifinals simula Miyerkules.

Giniba ng numero unong Pistons ang Orlando Magic, 116-94. Dinurog ng Cavs ang Toronto Raptors, 114-102 para mabuo ang kambal na Game 7.


Humataw ang Pistons sa pangatlong quarter sa likod ng 11 puntos ni Cade Cunningham at tulong nina Tobias Harris at Daniss Jenkins para lumayo, 83-64. Lalong lumaki ito sa 96-71 sa 3-points ni Harris at tuluyang nanaig ang Detroit sa pangatlong sunod na laro at bumangon mula sa 1-3 pagkalugmok.


Nagtapos si Cunningham na may 32 at 12 assist habang 30 si Harris buhat sa limang tres. Nasayang ang 38 ni Paolo Banchero para sa Magic.


Halos pareho ang kuwento ng Cleveland at sumandal din sila sa malakasang pangatlong quarter kung saan kumalas sila sa 49-49 tabla at lumamang, 87-68.

Double-double na 14 at 10 rebounds sa loob ng 12 minuto at tuluyang nagtapos na may 22 at 19 habang 22 rin si Donovan Mitchell. Ang punong-abala ang nagtagumpay sa lahat ng pitong laro ng serye.


Magsisimula ang Conference Semifinals ngayong Martes. Haharapin ng nakagugulat na Philadelphia 76ers ang New York Knicks sa East habang sa West magsusubukan ang Minnesota Timberwolves at San Antonio Spurs sa mga seryeng best-of-seven.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 4, 2026



Philadelphia 76ers vs Boston Celtics - FB

Photo: Philadelphia 76ers / FB



Kinumpleto ng bisitang Philadelphia 76ers ang milagro sa 109-100 panalo sa paboritong Boston Celtics sa 2026 NBA Playoffs kahapon sa TD Garden. Nanaig ang 76ers sa seryeng best-of-seven, 4-3, at tumuloy sa Eastern Conference Semifinals.


Pumasok ang Celtics na wala sa Jayson Tatum na napilitang lumiban dahil masakit ang tuhod. Agad na kinuha ng Philly ang pagkakataon at unti-unting lumayo hanggang umabot ng 84-66 bago magwakas ang pangatlong quarter.


Ayaw mapahiya sa sariling tahanan, humabol ang Celtics at ang huling banta nila ay 98-99 at 3:49 sa orasan. Nakahinga ng maluwag ang 76ers sa walong sunod-sunod na puntos ni Tyrese Maxey, 107-99, at tiyakin ang resulta na may 15 segundo pa.


Nagtapos si Maxey na may 30 at 11 rebound. Sariwa pa ang operasyon para tanggalin ang appendix, bumanat ng 34 at 12 rebounds si Joel Embiid.


Haharapin na ng Philadelphia ang New York Knicks simula Martes sa Madison Square Garden. Hindi biro ang ginawa ng 76ers na kunin ang huling tatlong laro.


Ito ang ika-14 na pagkakataon na may umahon galing 1-3 mula 1968. Bago niyan ay dumaan muna sila sa Play-In at tinalo ang Orlando Magic, 109-97, para itakda ang serye kontra Celtics.


Sa gitna ng nawalang 23.3 puntos ni Tatum ay sinikap buhayin ang Celtics nina Jaylen Brown na may 33. Tumulong si Derrick White na may 26.


Malalaman ang huling dalawang mapapabilang sa East Semis sa kambal na Game Seven ngayong Lunes. Bibisita ang Orlando sa Detroit Pistons habang dadalaw ang Toronto Raptors sa Cleveland Cavaliers.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 1, 2026



Hawak maige ni Houston Rockets forward Tari Eason (17) ang bola laban kay Los Angeles guard Marcus Smart (36) sa laban nilang ito sa NBA playoffs kahapon. (Gary A. Vasquez Images/Reuters)

Photo: Hawak maige ni Houston Rockets forward Tari Eason (17) ang bola laban kay Los Angeles guard Marcus Smart (36) sa laban nilang ito sa NBA playoffs kahapon. (Gary A. Vasquez Images/Reuters)



Hindi pa handang sumuko ang bisitang Houston Rockets at wagi sila ng ikalawang sunod sa Los Angeles Lakers, 99-93 sa 2026 NBA Playoffs kahapon sa Crypto.com Arena. Napigil din ng Detroit Pistons ang pag-angat ng Orlando Magic, 116-109.


Naubusan agad ng enerhiya ang Lakers at kontrolado ng Rockets ang laban mula sa pangalawang quarter. Naghatid ng maagang knockout sa three-points ni Jabari Smith Jr., 82-69, at 10 minuto ang nalalabi.


Nagtapos si Smith na may 22 habang 18 si Tari Eason sa gitna ng patuloy na pagliban ni Kevin Durant. Gumawa ng 25 si LeBron James at 22 para sa nagbabalik na si Austin Reaves subalit isa na lang ang bentahe ng Lakers sa seryeng best-of-seven, 3-2.


Matindi ang naging palitan ng puntos nina Cade Cunningham ng Pistons at Paolo Banchero ng Magic na parehong bumuhos ng 45. Naging mas matimbang ang ginawa ni Cunningham at naiwasan ng numero unong Pistons na magwakas ang serye.


Sa isa pang laro, bumanat ng husto si Dennis Schroder sa huling quarter para itulak ang Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors, 125-120. Ipinasok ni Schroder ang 11 ng kanyang 19 sa huling quarter na tinuldukan ng malapitang buslo para maging 124-113 at 3:43 sa orasan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page