top of page
Search

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 14, 2021


ree

Nagwagi ang Toronto Raptors sa Houston Rockets, 92-76, sa pagpapatuloy ng 2021 NBA Summer League kahapon sa Thomas & Mack Center ng Las Vegas, Nevada. Ito ang unang talo ng Rockets at tumanggap pa ng dobleng dagok matapos mapilay sa hita ang Fil-Am gwardiya Jalen Green ng pangalawang napili sa nakaraang NBA Draft.


Nadulas at inilabas si Green na may 2:28 na nalalabi sa second quarter at lamang ang Raptors, 43-33. Bago siya napilay, nakapagtala na siya ng 13 puntos sa 12 minuto ng aksyon at humahabol ang Houston matapos lumamang ang Toronto, 41-19.


Dahil sa talo, lumabo ang pag-asa ng Rockets na maglaro para sa kampeonato ng torneo. Ang dalawang may pinakamataas na kartada matapos ang apat na laro ang maghaharap sa Agosto 18 at may limang koponan na walang pang talo.


Nanguna para sa Toronto si Ish Wainwright na may 20 points buhat sa apat na tres. Sinundan siya ni Precious Achiuwa na may 19 puntos. Sinubukan buhatin ni Josh Christopher ang Rockets sa kanyang 14 puntos habang nag-ambag ng 11 si Marcus Foster. Haharapin ng Houston ang Orlando Magic sa kanilang huling laro sa Lunes at tututukan ang paghilom agad ni Green na gumawa ng pinagsamang 48 puntos sa kanilang mga panalo sa Cleveland Cavaliers at Detroit Pistons.


Ang Boston Celtics ang unang umakyat sa 3-0 sa bisa ng kanilang 108-71 tagumpay laban sa Orlando Magic sa malapit na Cox Pavilion. Nasa 2-0 ang New Orleans Pelicans, Miami Heat, Minnesota Timberwolves, Utah Jazz at ang Sacramento Kings tampok si assistant coach Jimmy Alapag.

Samantala, tinambakan ng Seattle Storm ang Connecticut Sun, 79-57, upang maging kampeon ng pinakaunang WNBA Commissioner’s Cup sa Footprint Center na bagong pangalan ng Phoenix Suns Arena. Ang Commissioner’s Cup ay bagong pakulo ng WNBA bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 taon ng liga.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 30, 2021


ree

Pumanaw na ang dating manlalaro ng Utah Jazz na si Mark Eaton sa edad na 64 noong Sabado. Pahayag ng Utah Jazz, “We are heartbroken by the passing of Utah Jazz legend Mark Eaton.


“Our thoughts are with his family as we all mourn the loss of a great man, mentor, athlete and staple of the community.” Samantala, ayon sa ulat, umalis ng bahay si Eaton noong Biyernes nang gabi upang magbisikleta sa Summit County, Utah.


Ilang sandali lamang ang nakalilipas ay may tumawag sa 911 at iniulat na nakahandusay na si Eaton sa roadway na unconscious.


Naisugod pa sa ospital si Eaton ngunit kalaunan ay binawian ng buhay. Ayon naman sa imbestigasyon ng awtoridad, walang motor vehicle na involved sa insidente.


Samantala, si Eaton ay nagtrabaho bilang auto mechanic sa Arizona noong 1977 kung saan isang basketball coach ang nakakita sa kanya at hinikayat siyang pumasok sa Cypress College.


Matapos nito ay nag-transfer siya sa University of California at Los Angeles (UCLA) kung saan hinawakan siya ng legendary coach na si John Wooden.


Nang maging miyembro ng Jazz si Eaton, nanguna siya sa blocked shots nu’ng 1984, 1985, 1987 at 1988 seasons at nakapagtala siya ng NBA record na 456 blocks sa 184-85 campaign.


Binansagan ding NBA Defensive Player of the Year si Eaton noong 1985 at 1989.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page