top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 26, 2026



Hawak ang tropeo nina (kaliwa) 2nd place Carter Artiola,  Champion (gitna) Asia Paraase at 3rd place Melody Lantad sa 16KM Female Division ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa Quirino Grandstand kahapon.   													(Gen Villota)

Photo: Dinedepensahang mabuti ng dalawang katunggaling Oklahoma City Thunder si Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs sa NBA semis game na ito. (yahoosports)


Laro ngayong Martes - Rocket

8:00 NY vs. Cleveland


Ibinaon ng San Antonio Spurs ang World Champion Oklahoma City Thunder, 103-82, at itabla ang 2026 NBA Western Conference Finals sa 2-2 kahapon sa Frost Bank Center.  Uuwi na ang OKC para sa kritikal na Game 5 sa Miyerkules.


Dumaan sa limang palitan ng lamang bago biglang bumaha ng 16 sunod-sunod na puntos ang Spurs para maging 23-8.  Hindi na nakabangon ang Thunder mula roon at umabot ng 70-45 ang agwat sa pangatlong quarter.


Unang quarter pa lang ay 11 na si Victor Wembanyama at nagtapos na may 33 puntos.  Sumuporta sina Stephon Castle at Devin Vassell na parehong 13.


Nalimitahan sa 19 lang si MVP Shai Gilgeous-Alexander at hindi na siya ipinasok sa buong huling quarter.  Sumunod si Isaiah Hartenstein na may 12.

Samantala, pinarangalan din ang mga All-NBA kahapon.  Nasa First Team sina SGA, Wemby, Cade Cunningham ng Detroit, Nikola Jokic ng Denver at Luka Doncic ng LA Lakers.


Binubuo ang Second Team nina Jaylen Brown ng Boston, Jalen Brunson ng New York, Kevin Durant ng Houston, Kawhi Leonard ng LA Clippers at Donovan Mitchell ng Cleveland.  Ang lahat ng Third Team - Tyrese Maxey ng Philadelphia, Jamal Murray ng Denver, Jalen Johnson ng Atlanta, Jalen Duren ng Detroit at Chet Holmgren ng OKC - ay nakamit ang parangal sa unang pagkakataon.


Tampok ngayong Martes ang tapatan nina Brunson at Mitchell sa Game 4 ng East Finals.  Maaaring tapusin na ng Knicks ang seryeng best-of-seven sa 4-0 ngunit gagawin ng Cavs ang lahat para manatiling buhay sa sariling tahanan. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 23, 2026



New York Knicks - FB

Photo: New York Knicks - FB



Laro ngayong Sabado - Frost Bank

8:30 AM OKC vs. SA


Naniguro ang New York Knicks at maagang iniligpit ang bisitang Cleveland Cavaliers, 109-93 sa pagpapatuloy ng 2026 NBA Eastern Conference Finals kahapon sa Madison Square Garden. Lamang na ang Knicks sa seryeng best-of-seven, 2-0.


Kabaligtaran ito ng kanilang 115-104 overtime panalo sa Game One kung saan kinailangan nila humabol sa huling quarter. Nagsimulang bumuhos ng puntos ang NY sa pangalawang quarter upang maagaw ang bentahe at lumamang, 53-49.


Nakatabla ang Cavs sa unang dalawang buslo sa pangatlong quarter, 53-53, pero biglang humirit ng 18 sunod-sunod na puntos ang Knicks sa pangunguna ni Josh Hart, 71-63. Nakalapit ang Cavs sa huling 9 na minuto, 78-85, subalit inihatid ng NY ang knockout para sa pinakamalaking agwat papasok sa huling tatlong minuto, 106-86.

Nagtapos si Hart na may 26 buhat sa limang three-points. Parehong 19 sina Mikal Bridges at bayani ng Game One Jalen Brunson.


Maganda ang simula ng Cleveland nang kunin ang unang quarter, 27-24, sa likod ni Evan Mobley na itinala ang 10 ng kanyang 14. Nanguna si Donovan Mitchell na may 26 habang 18 si James Harden.


Lilipat ang serye sa Rocket Arena para sa dalawang laro sa Linggo at Martes. Sa 473 serye, 35 o 7.4% lang ang nakabangon matapos matalo sa unang dalawa.


Pag-aagawan ngayong Sabado ng World Champion Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs ang liderato sa Western Conference Finals na pantay sa 1-1. Ginulat ng bisitang SA ang OKC, 122-115, pero bumawi agad ang mga kampeon, 122-113.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 22, 2026



Oklahoma City Thunder

Photo: Oklahoma City Thunder


 


Laro ngayong Biyernes - MSG

8 AM Cleveland vs. NY


Pantay na sa 1-1 ang Western Conference Finals ng 2026 NBA Playoffs nang bawian ng World Champion Oklahoma City Thunder ang bisitang San Antonio Spurs, 122-113, kahapon sa Paycom Center. 


Bago ang laro, pinarangalan si kabayan Dylan Harper ng Spurs bilang bahagi ng All-Rookie First Team.


Sa kasamaang palad, sumakit ang binti ni Harper na may 4:50 pa sa pangatlong quarter at hindi na bumalik. Nagtapos siya na may 12 puntos bilang kapalit ni De'Aaron Fox na dalawang laro na lumiliban dahil napilay ang bukong-bukong.


Nanatiling dikit ang laro at nagbanta ang Spurs, 97-99, at siyam na minuto sa orasan. Sinagot ito ng 11 sunod-sunod na puntos upang lumayo ang OKC, 110-97, at inalagaan ito ng mabuti sa nalalabing 6:38.


Umangat si MVP Shai Gilgeous-Alexander para sa 30 puntos. Anim na kakampi ang nag-ambag ng 10 o higit sa gitna ng paglaro ng pitong minuto lang ni Jalen Williams sa unang quarter dahil sumakit ang singit.


Nanguna sa Spurs si Stephon Castle na may 25. Sumunod sina Devin Vassell na may 22 at Victor Wembanyama na may 21.


Kasama ni Harper na mga pinakamahusay na baguhan sina Rookie of the Year Cooper Flagg ng Dallas, Kon Knueppel ng Charlotte, VJ Edgecombe ng Philadelphia at Cedric Coward ng Memphis. Binubuo ang Second Team nina Ace Bailey ng Utah, Jeremiah Fears at Derik Queen ng New Orleans, Collin Murray-Boyles ng Toronto at Maxine Raynaud ng Sacramento.


Si Harper na ang pangatlong kababayan na hinirang para sa karangalan na maaaring mapagwagian ng isang beses lang. Sinundan niya sina Gilas Pilipinas Jordan Clarkson noong 2015 para sa LA Lakers at NBTC Jalen Green noong 2022 sa Houston.


Aalamin pa ang lagay nina Harper, Fox at Williams para sa Game 3 sa Sabado sa Frost Bank Center. Doon din gaganapin ang Game 4 sa Lunes at babalik sa Paycom para sa Game 5 sa Mayo 27. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page