top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | January 19, 2024


Madalas tayong magreklamo sa tindi ng trapik sa Kamaynilaan. 


Pero gaano nga ba kalala ito?

☻☻☻


Ayon sa 2023 Traffic Index na inilabas ng transportation data company TomTom Traffic, inaabot ng 25 minutes and 30 seconds para makabiyahe ng 10 kilometers noong 2023, na siyang pinakamabagal sa 387 Metro areas na naisama sa kanilang pag-aaral.


Mas mataas ito sa naitalang 24 minutes and 40 seconds noong 2022.


Samantala, sa usapin ng traffic sa city center ay nasa rank 9 ang Metro Manila, sa oras na 27 minutes and 20 seconds para makalakbay ng 10 kilometers.


☻☻☻


Ayon din sa Index, makakatipid ng 47 hours ang mga driver at commuter, at mababawasan ang CO2 emissions ng 201 kg kada taon kung papayagan ang work from home tuwing Biyernes.


Maaari pa raw itong tumaas ng 147 hours at 608 kg ng CO2 emissions kung gagawing three days per week ang work from home setup (Martes, Miyerkules, Biyernes).


☻☻☻


Ano ang mapupulot natin mula sa index na ito? Na ang pamamahala ng trapiko ay hindi lang usapin ng pag-ayos ng sitwasyon ng mga sasakyan.


Bagkus, upang maging mas efficient ang paggalaw sa mga urban area, kailangan natin ng maayos na public transport system lalo na ang mga tren at dedicated bus lanes.


Mahalaga rin na mabigyan ng pagpapahalaga ang imprastruktura para sa mga nagbibisikleta at naglalakad upang maging ligtas ang mga biker at pedestrian.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | january 14, 2024


Congratulations to my kababayan, Batangas Rep. Ralph Recto sa kanyang appointment bilang bagong secretary ng Department of Finance (DOF).Perfect choice si Deputy Speaker Ralph as finance chief dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang isang ekonomista, at sa kanyang di-matatawarang kontribusyon sa pagsasaayos ng pananalapi ng bansa bilang NEDA chief at mambabatas.Noong panahon niya sa Senado, siya ang aming naging go-to at numbers-genius guy pagdating sa budget, taxation at finance.


Napakalaking bagay ang kanyang exposure pagdating sa paglalatag ng fiscal policy ng pamahalaan at alam na niya ang pasikut-sikot ng budget ng bansa.


Kaya naman naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng kanyang expertise sa finance and economics, at ang kanyang experience sa public administration para sa economic team ng administrasyon.


☻☻☻


Nanumpa siya nitong Biyernes sa Malacañang at dito inatasan siya ni Pangulong Bongbong Marcos na isulong ang maayos na pagbabayad ng buwis at epektibong paggasta sa koleksyon ng gobyerno.Nais din ng Pangulo na paigtingin ang anti-smuggling campaign ng gobyerno at habulin ang mga hindi nagbabayad ng buwis.


Samantala, nilinaw naman ni Secretary Recto na walang ipapatupad na bagong buwis sa kanyang pag-upo sa DOF.Aniya, mayroon nang mga exisiting revenue measures na pasado na sa Kongreso.Na-certify na ito as urgent ni P-BBM at nangako siyang makikipagtulungan sa Senado para maipasa ang mga ito sa lalong madaling panahon.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice! 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | january 11, 2024


Nasa 73 percent ng mga Pilipino ang dismayado raw sa pagtugon ng pamahalaan sa inflation, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.


Ayon sa Pulse Asia, “most urgent national concern” ng mga Pilipino ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Isinagawa ang survey noong Dec. 3-7, 2023.


☻☻☻


Ang 73 percent disapproval rating ay tumaas mula 56 percent sa parehong survey na isinagawa noon lamang September 2023.


Ang iba pang isyu na umani ng disapproval sa ating mga kababayan ay ang pagpapataas ng sahod, na may disapproval rating na 36 percent mula 24 percent, pagsugpo ng graft and corruption, 33 percent mula 23 percent, pagtugon sa kahirapan 39 percent mula 31 percent, at pagtugon sa kagutuman 24 percent mula 16 percent.


☻☻☻


Mahalagang gabay ang mga survey na tulad nito para sa mga nasa pamahalaan sa mga isyu na kailangang bigyang-pansin.


At gaya ng ipinapakita ng survey na ito, gutom pa rin at ang kakayahan ng mga pamilya na matugunan ito ang pinakamahalagang isyu para sa ating mga kababayan.


“Hunger leads to discontent,” ang madalas ngang sabihin. Nagiging ugat ng tunggalian at rebolusyon ang malawakang gutom, kaya’t dapat ay top priority lagi ito para sa pamahalaan.


Sa panahon na inaasahan ang tagtuyot sanhi ng El Niño, mas kumplikadong hamon ang pagtugon sa isyu na ito.


Ngunit, umaasa tayong gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang masiguro ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page