top of page
Search

ni Madel Moratillo | April 2, 2023



Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang pagtataas ng pasahe ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) lines noong 2014.


Ayon sa SC, nakasunod sa notice at hearing requirements ang noo’y Department of Transportation and Communication bago ipinatupad ang fare adjustment taliwas sa iginigiit ng petitioners.


Ang Notice of Public Consultation ay nai-publish umano noong Enero 20 at 27, 2011 sa dalawang pahayagan.


Habang noong Pebrero 4 at 5, 2011, naman isinagawa ang public consultations.


Noong 2013, muling nag-publish ang DOTC ng bagong notice para sa public consultation na itinakda noong Disyembre 12, 2013.


Para sa Korte Suprema, resonable rin ang fare hike na ipinatupad noong Disyembre 20, 2014.


Kinikilala rin ng SC ang rate-fixing power ng DOTC para magtaas ng pasahe sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 na ibinigay ng Kongreso.


 
 

ni BRT | March 24, 2023




Isang 25-anyos na lalaki ang inaresto matapos mag-bomb joke sa MRT Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong.


Inireklamo ang lalaki ng MRT matapos umanong magbiro na may bomba ang kanyang kasama kaya hindi sila makausad sa pila papasok ng istasyon ng tren.


Sa bisa ng Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law, bawal ang mga naturang biro sa mga pampublikong lugar gaya ng mga airport, pier, at istasyon ng bus at tren dahil maaari itong pagmulan ng kaguluhan.


Ang parusa sa nasabing biro ay pagkakakulong umanong aabot sa 5 taon at multa na hindi hihigit sa P40,000.


Aminado umano ang lalaki sa kanyang nagawa.


 
 

ni BRT | March 15, 2023




Suspendido ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) mula Abril 6 hanggang 9.

Ito ay para sa paggunita sa Semana Santa at para na rin sa annual maintenance activities.

Magbabalik ang operasyon ng MRT-3 at LRT-2 sa Abril 10.


Sa LRT-2, mas maiksi ang operasyon sa Abril 5, Miyerkules Santo mula Recto hanggang Antipolo. Magsasara ang operasyon ng alas-5 ng hapon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page