top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni Lolet Abania | January 6, 2021




Pumanaw na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo "Danny" Lim, ayon sa Malacañang.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, namatay si Lim sa edad na 65, bandang alas-8:00 ng umaga ngayong Miyerkules.


Matatandaang iniulat na tinamaan ng COVID-19 si Lim noong nakaraang linggo, subalit naglabas ng official statement ang MMDA Public Information Office (PIO) na siya ay namatay dahil sa cardiac arrest.


“Lim died due to cardiac arrest before 8 a.m. today at the age of 65,” ayon sa MMDA PIO.

Ayon kay Roque, “Lim served the Duterte administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed.”


“May the perpetual light shine upon him, and may his soul, through the mercy of the Almighty, rest in eternal peace,” dagdag ni Roque.


Ibinaba ang watawat sa mga opisina ng MMDA sa Metro Manila ng half mast ngayong araw kasabay ng pagdadalamhati ng ahensiya sa pagpanaw ni Lim.


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lim, na isang retired military officer, bilang MMDA chairman noong May 2017.


Nagsilbi rin si Lim bilang deputy commissioner ng Bureau of Customs (BOC) sa panahon ng panunungkulan ni dating Pres. Benigno Aquino III.


Isa ring graduate ng US Military Academy sa West Point si MMDA Chairman Lim.


Sa ngayon, wala pang naitalagang kapalit sa puwestong naiwan ng pumanaw na chairman.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 29, 2020




Positibo sa COVID-19 si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Danilo Lim, ayon sa kanyang Facebook post.


Aniya, noong Lunes nang gabi siya isinailalim sa swab test at napag-alaman niyang positibo siya sa COVID-19.


Post ni Lim, “Kagabi, matapos 'kong sumailalim sa routine swab test, nakuha ko na ang results at lumabas na positive ako sa COVID-19 sa kabila ng palaging pag-iingat at pagsunod nang maigi sa mga health protocols sa lahat ng pagkakataon. Ipinapakita lang nito kung gaano katindi ang COVID-19 at lahat ay puwedeng tamaan.”


Samantala, negatibo naman umano ang kanyang asawa at anak.


Aniya pa, “Nananatiling mild ang aking mga sintomas at sinusunod ko ang payo ng aming doktor para maalagaan ko ang aking kalusugan ngayon. I will continue to self-isolate for now. Agad ko ring sinabihan ang lahat ng mga taong may close contact sa akin nitong nakaraang linggo na i-monitor ang kanilang mga sarili at mag-self-isolate na nang 14 days.”


Paalala rin niya sa publiko, “Patuloy na mag-ingat ang lahat at bigyang-prayoridad ang inyong kalusugan. Sumunod tayo palagi sa health protocols para mapangalagaan ang ating mga sarili pati ang mga nasa paligid natin.”

 
 

ni Thea Janica Teh | December 16, 2020




Bubuksan nang muli ang U-turn slot sa tapat ng Quezon City Academy ngayong darating na Biyernes upang maiwasan ang matinding trapiko ngayong Christmas season.


Matatandaang ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang U-turn slot noong Setyembre upang maisagawa ang planong busway sa EDSA.


Makatutulong din ang pagbubukas nito upang makapagbigay-daan sa mga emergency vehicle lalo na sa mga sasakyang patungo sa WC General Hospital na isa sa COVID-19 facility sa QC.


Bukod pa rito, magbubukas din ang MMDA ng special lane sa isa pang isinarang u-turn slot sa Panorama upang madaanan lamang ng mga emergency vehicles.


Sa ngayon ay inaayos na rin ang zipper lane na magsisilbing daanan ng mga emergency vehicle na ipapasok sa loob ng busway.


Magtatalaga ng ilang MMDA enforcers sa lugar upang masigurong ang dadaan lamang dito ay mga ambulansiya, bumbero at mga pulis.


Ayon kay MMDA EDSA traffic czar Bong Nebrija, tanging ang U-turn slot lamang sa may Quezon City Academy ang bubuksan. Maglalagay din umano ang MMDA ng ilang signage upang hindi malito ang mga motorista.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page