top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni Lolet Abania | October 12, 2021



Nakatakdang isara ang southbound lane ng Nagtahan Bridge sa Manila para sa gagawing rehabilitation at repairs nito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes.


Sa isang press briefing, ipinakita ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang mga larawan ng mga crack o bitak na matatagpuan sa mga pader at concrete ng southbound ng flyover.


“The reason why we are showing you this dahil alam kong maraming motorists ang magiging inconvenienced sa mangyayari, mata-traffic. Pero please tingnan niyo naman ‘yung danger: delikado naman ito, ang laki ng crack na ito, baka bumigay ang ating tulay,” paliwanag ni Abalos.


Noong Pebrero, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nakakita na rin ng maraming bitak sa wingwall, sa concrete pedestal ng steel railings, at sa circular joint jackets ng flyover.


Ang Nagtahan flyover ay kabilang sa listahan ng DPWH na mga tulay sa Metro Manila na kailangan nang i-repair.


Ayon pa kay Abalos, ngayong buwan sisimulan ang rehabilitasyon at repairs ng naturang tulay habang inaasahang makukumpleto ito sa Abril 2022.


“The southbound lane [will be closed] up to April [next year] but for the meantime the northbound lane will be open but it is still undergoing repair maski na open siya,” sabi ni Abalos.

 
 

ni Lolet Abania | August 30, 2021



Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na ilan sa mga lokal na gobyerno sa National Capital Region ang tumatanggap na ng mga residente sa kalapit na probinsiya para sa pagbabakuna kontra-COVID-19.


Ayon kay Abalos, ilan sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang pumayag na mabigyan ang mga residenteng mula sa Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna ng COVID-19 vaccine kapag mayroong sobrang supply ng mga doses ng bakuna.


“Priority is NCR. Kapag may sobra ay for plus areas, Cavite, Bulacan, Rizal, and Laguna,” ani Abalos sa isang message ngayong Lunes.


Sa ngayon, ang Mandaluyong, Pateros, Marikina at San Juan government ang tumatanggap ng mga residenteng galing sa karatig-lalawigan para bakunahan kontra-COVID-19 dahil sa malapit na nilang makumpleto ang kanilang inoculation program.


Sinabi pa ni Abalos na ang natitirang LGUs sa NCR ay malapit na ring magtapos ng kanilang vaccination program at maa-accommodate na rin ang ibang residente na nasa labas ng Metro Manila.


Paalala naman ni Abalos para sa mga indibidwal na nagnanais na magpabakuna kontra-COVID-19 sa NCR, kinakailangang magpa-schedule muna bago pumunta sa vaccination site at magpaturok dahil hindi nila pinapayagan ang mga walk-ins.


Ayon kay Abalos, maaari silang mag-register sa pamamagitan ng pagpapa-scan ng QR code na ibinibigay ng mga NCR-LGUs.


Una nang inianunsiyo ng MMDA chairman na napagkasunduan na ng lahat ng NCR LGUs na maaari nang magsagawa ng pagbabakuna sa mga indibidwal na galing sa kalapit na siyudad para tumaas ang bilang ng vaccination rollout ng bansa.

 
 

ni Lolet Abania | July 8, 2021


Ilang kalsada sa Metro Manila ang magkakaroon ng reblocking at repair o pagsasaayos nito simula sa Biyernes hanggang Lunes, Hulyo 9-12.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga kalsada na isasailalim sa reblocking at repair simula alas-11:00 ng gabi ng Biyernes ay EDSA Caloocan-K0010+(-942)-K0010+666; C-5 Road Katipunan – B. Serrano Tunnel (3rd lane from sidewalk); C-5 Road before Rajah Matanda (3rd lane from sidewalk).


Sinabi pa ng MMDA na ang mga kalsada ay muling bubuksan nang alas-5:00 ng umaga ng Lunes.


Pinapayuhan din ng ahensiya ang lahat ng motorista na maghanap ng alternatibong ruta sa mga araw na iyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page