ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 13, 2025
Photo: Joey Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda
Nanalo ang TV host na si Boy Abunda ng Best Celebrity Talk Show Host para sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Nagpasalamat ang mahusay na TV host sa Tag Awards Chicago para sa karangalan na ibinigay sa kanya.
Saad ni Boy, “Hindi lamang po ito para sa akin. Para po ito sa lahat ng narito. I share this with the men and women of Fast Talk. Maraming salamat po, Tag Awards Chicago.
“I’m Boy Abunda and I’m Tag Victorious.”
Well, kamakailan lang ay nag-guest ang dating basketball player at aktor na si Joey Marquez sa FTWBA.
Tanong ni Boy kay Joey, “Kung ‘yung pagiging babaero mo ba ay… was that an image or how real was that?”
Sagot ni Joey, “Sa mga babae, ‘yun ang tawag sa amin, babaero, pero sa mga lalaki, idol.
“Hindi ako babaero, mapagmahal lang ako. I remember my mother once told me, never say no to a woman, kabastusan ‘yan. Kailangang irespeto ang mga babae. Whatever they like, whatever they want, always yes.”
Dagdag na tanong ni Boy, “Kung nagkakasabay-sabay ang request, paano naman ‘yun?”
Sagot ni Joey sabay tawa nang malakas, “Time management!”
Natawa nang bonggang-bongga si Boy, sabay dialogue ng “Hindi ko kinaya ‘yun.”
Tanong pa ulit ni Boy, “Ano ang art of time management?”
Sagot ni Joey, “You have to differentiate breakfast, lunch and dinner, kailangan lang na nama-manage nang maayos ang oras sa bawat babaeng ide-date.”
Sa ngayon ay payapa na si Joey sa non-showbiz partner na si Malu Quintana.
Kuwento pa ni Joey, “I just probably thought of having many options until I found the one. And I found the one. That’s why I stopped.
“Very understanding and she listens. She accepted me for what I am. Sabi ko nga sa kanya, ‘Malu, don’t make the mistake of changing me. Let me change, just don’t dictate the change. Kasi one day, I will realize that I have to change.’”
Tanong pa ni Boy, “Napanatili ninyo ni Alma Moreno ang inyong magandang relasyon bilang magkaibigan?”
Sagot ni Joey habang may magandang ngiti, “Best friend ko s’ya kasi siguro na-realize namin pareho na kailangang i-consider namin ‘yung mga anak namin, kung whatever mag-away kami, maapektuhan ang mga bata. So what we did, sabi ko, hindi man tayo tumagal na husband and wife but we can be friends or best friends by doing that para naman ma-compensate ‘yung lungkot ng mga anak natin na naghiwalay tayo.”
Tanong ni Boy, “‘Pag nagbibigay ka ng tulong o regalo, idinadaan mo kay Malu Quintana, your partner today?”
Sagot ni Joey, “S’yempre, respect din. Respeto sa lahat, kung ka-partner mo, ‘wag mo s’yang i-blind side. Kailangan na alam din ‘yan because that are partners for, eh.”
Congratulations, Joey, dahil nakita mo na ang the one mo.
And congratulations also sa magaling na TV host na si Boy Abunda for winning Best Celebrity Talk Show Host para sa Fast Talk with Boy Abunda!
MARAMI ang matututunan sa pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala (MMTSS) ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa mahusay ang mga artistang kasama ay napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula.
Ito ay puno ng moral values na itinuturo sa kabataan ang katatagan sa mata ng inosenteng buhay, at kung paano natin dapat lutasin ang isang problema.
Ang movie ay produced by Mamu’s Talent House Agency and Camerrol Entertainment Productions, sa direksiyon ni Errol Ropero, at pinagbibidahan nina Ryrie Sophia, Richard Kuan, Jeffrey Santos, Miles Poblete, Shira Tweg, Potchi Angeles, Francis Saagundo, Scarlet Alaba, Dray Lampago, at Yassi Ibasco.
Isa ito sa pinakamahusay na pelikula ni Direk Errol — mula sa acting showdown, cinematography, scoring at kahit color layout, production design na masasabi mong well-budgeted, at tama ang target audience — ang mga estudyante mula elementarya hanggang senior high.
Sa panayam sa mahusay na director ay sinabi niya, “Itong pelikula ay isang kuwento pero magkaibang pelikula. Ginawa namin para sa mga elementary at mas batang edad, 11 pababa, kasi magkakaroon kami ng Campus Tour, iiikot namin ito sa buong Pilipinas.
“So, may iba-iba kaming ino-offer sa kanila. So, ang Munting Tala ay para sa mga mas batang audience. Ito po ‘yung mga kuwento ng kabutihang asal na madaling maka-relate ang mga batang audience, mas magaan ang kuwento.
“‘Di tulad sa Sinagtala na nag-focus about family sa gitna ng kahirapan, ‘yun ang makikita natin.
“Ang importante po sa dalawang version nito, ‘yung kahalagahan ng edukasyon.”
Showing ngayong September sa iba’t ibang paaralan sa bansa, kasabay ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Ang nasabing pelikula ay magbibigay ng realisasyon kung gaano kalalim ang koneksiyon mula sa pamilya, pananampalataya at kaibigan.
‘Yun lang and I thank you.