top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 12, 2025



Photo: Sofia Andres - IG


Kamakailan lang ay nag-post sa social media ang actress na si Sofia Andres tungkol sa kanyang natutunan sa istoryang Maguad Family episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na ipinalabas sa ABS-CBN.


“One of the biggest lessons I’ve learned from the heartbreaking story of the Maguad Family is this: never trust someone too easily. Kahit gaano pa sila kabait sa harap mo, hindi mo talaga alam kung ano ang iniisip o pinaplano nila kapag nakatalikod ka.


“Some people are experts at pretending. They smile, they act kind, they even try to win your trust. Pero sa totoo lang, may mga tao talagang sinisiraan ka na pala sa iba, or worse, may masama na palang binabalak laban sa ‘yo.


“It’s sad and scary, but it’s a painful reminder to be careful with who we allow into our lives. Hindi lahat ng mabait ay totoo, at hindi lahat ng tahimik ay walang alam.


“Always trust your instincts, and remember your safety,  whether emotional, mental, or physical - should never be compromised for the sake of being ‘nice,’” paglalahad ni Sofia.


Dagdag pa niya, “Kaibigan man o kadugo, ‘wag ibigay ang buong tiwala.

“Second lesson: Be content with what you have. Don’t let jealousy take over — you can do better in your own time.”


Marami namang mga netizens ang nag-agree 100 % kay Sofia.

“Very well said, Sofia. Basta magtiwala lang tayo sa Panginoon nang 100 %, siguradong ligtas tayo.”


“Just always: Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding. In all your ways acknowledge Him and He will make your path straight. Proverbs 3:5-6.”

‘Yun lang and I thank you…


Dahil sa sipag at tiyaga…

MARVIN, JANITOR NOON, PA-GOLF-GOLF NA LANG NGAYON


TOTOO ang kasabihan na, “Ang buhay ay parang isang gulong. Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.” Itong kasabihang ito ay tugmang-tugma sa buhay ni Marvin Agustin. 


Sa social media post ay ibinahagi niya ang larawan na may caption na: “Grabe this was 1995, TIA MARIA’S Mexican Restaurant days!


“Dito ako natuto respetuhin at mahalin ang kahit na ano’ng klaseng trabaho. Dito all around kami kasi mahina ang benta namin nu’n.


“I remember in a day, ikot ang mga responsibilidad namin, waiter, bartender, kitchen help, cashier, minsan sekyu or janitor, local store marketing. LAHAT! Hahaha!


“Ang sarap pagdaanan at kuhanan ng leksyon ang mga panahon na susubukin ka ng buhay.

“Kaya laban lang nang laban. Walang makakatalo sa taong ayaw magpatalo,” pagbabalik-tanaw ni Marvin.


Ngayong 2025, pagkatapos ng 30 years ay wala ka nang makikitang hirap sa hitsura ni Marvin. Ang makikita mo na lang ay ang mga kaginhawahang nakuha niya dahil sa sipag at tiyaga nito. Halimbawa na lang ang pagpapakita niya ng kanyang restaurant, bahay, at masasarap na pagkain.


Ito lang nakaraang araw ay nag-post si Marvin sa social media ng larawan na naglalaro siya ng golf.


Ani Marvin, “Quick escape lang pero ang rich ng vibes. 1 hour from SG tapos biglang golf with ocean views?! From green to beach in one swing - legit paradise. May bonus pang monkey sightings.”


O ‘di ba naman, ang ganda ng naging life ni Marvin, na tipong mapapakanta ka na lang ng, “Gulong ng palad, ang buhay ay…Gulong ng palad. Ang hantungan, ang kapalaran… Minsa’y nasa ibabaw.”


SA latest YouTube (YT) video post ni Mariel Rodriguez na kinunan sa Universal Studios Singapore, kasama ang mga anak at si Robin Padilla ay makikita mo kung paano protektahan ng aktor-senador ang kanyang mga anak. 


Sa sinasakyang rides ay tinanong niya kaagad si Mariel kung may seatbelt ba ang mga sinasakyan ng mga anak nila, na sinagot agad ni Mariel ng “Oo naman.”


Makikita rin sa video na kahit 15 years na silang mag-asawa ay wala pa ring pagbabago sa lambingan at pagmamahalan nina Robin at Mariel. May pasimpleng yakap na tipong naglalambing pa rin si Robin kay Mariel.


Si Mariel naman ay sinisiguradong masaya ang mga anak. Nalalaman daw ni Mariel na masaya ang mga anak ‘pag nakatingin siya sa reaksiyon ng mga ito at ‘pag ngumiti ay sulit na raw lahat.


Pero ibinuking ni Mariel na sa 15 years nila ni Robin ay first time lang na sumakay ang senador sa ganoong klaseng rides.


Samantala, nag-post sa social media si Mariel ng larawan nila na kuha sa Universal Studios Singapore, na may caption na: “Grabe, inulan talaga kami sa Universal Studios Singapore! Good thing, we get to enjoy most of the rides bago bumuhos ang malakas na ulan. Kahit nabasa kami, masaya pa rin ang buong pamilya! Salamat kay Tatay (Robin) na bumili ng extra t-shirts for everyone, para hindi kami magkasakit.”


Marami ang mga netizens na bumilib sa pamilya ni Robin sa pagpapakita ng pagmamahalan at malasakit.

Sey nga ng mga netizens:


“Bihira na ‘yung ganyan na celebrity, ikaw pa lalapitan.”


“Parang sila lang ang artistang hindi mo makita na naka-uniform ang mga kasama.”


“Ang bait ni Robin. Super approachable sa fellow Pinoys.”


Si yours truly ay buhay na patotoo kung gaano kabait ang nag-iisang Senator Robin Padilla, napakabait at mapagpakumbaba.





 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 9, 2025



Photo: Lolit Solis - IG


Nag-post sa social media si Doña Lolit Solis ng pakiusap na sana raw ay makalabas na siya ng hospital. Ito ang kanyang mga sinabi sa post:


“Sana makauwi na ako. Talagang kahit love ko ang mga doctors at staff ng FEU Hospital, talagang homesick na homesick na ako. Para bang suffocated na ako at hindi ko na enjoy ang hospital air.


“Kaya sana please let me check out na my dear doctors. I will be happier and stronger ‘pag nasa iba na akong place at hindi sa hospital.


“Naku up to now I really can’t believe na nasa hospital ako being checked every hour para i-monitor ang lagay ko.


“Feeling ko tuloy napakaseryoso ng lagay ko kasi nga, check nang check sa lagay ko. I swear na talagang top of the line ang service ng FEU Hospital sa mga pasyente.


“Pero kahit ano pa sabihin, basta please, check out na ako. Huhuhu! miss na miss ko na mga dogs ko, my old bed, the gulo ng bahay.”

Sey ng mga netizens:


“Sana mapagbigyan ang aming kaibigan na gumaling na agad at makalabas ng hospital.”


“Maganda siguro Doña Lolit kung gagayahin mo si Kris Aquino na tumira malapit sa dagat.”


Pagkatapos ng ilang oras lang ay nag-post ulit si Doña Lolit, at ito naman ang kanyang sinabi, “Para talagang lahat ng mga kamalditahang nagawa ko sa mundo, pinagbabayaran ko na ngayon. Hahaha!


“Kasi nga, lahat ng mga bagay na hindi ko iniisip na mararanasan ko, nangyayari ngayon sa ‘kin.


“Grabe talaga na kung minsan may mga mental lapses ako. Siguro dahil na rin sa edad ko, plus meron pa akong sakit kaya mainipin ako. Hindi ko ma-grasp up to now kung bakit bigla nagkasakit ako at mukhang seryoso pa.


“Natatawa na nga ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Siguro nga ito na ang mga kabayaran sa kapilyahan ko noon.


“Life was so good to me. I encountered problems pero lahat minor lang at never really affected me that much. So blessed for having good loyal friends. So nice working with good people.


“Talagang inalagaan ako ng mga angels ko. Kaya nga kahit medyo may mga problema ngayon, kinakaya ko, dahil nga sa naging foundation ko na naging matibay.

“For all the good things, salamat my Lord, so grateful and thank you. If ever, what comes next, madali ko nang matatanggap.


“I know the magic of prayers, kaya tuluy-tuloy lang dasal ko. Kung ano ang gusto N’ya mangyari, buong puso ko tatanggapin. Kung ano ang kapalaran ko sa buhay, iaasa ko sa Kanya.


“Ang dami ko nang biyaya na natanggap mula sa Kanya, kaya Salamat po, buong puso sa Iyo ang buhay ko. Salamat.”


Nothing is impossible with God, just pray hard. Pagaling ka, Doña Lolit naming mahal.



MAPAPA-SANA all ka na lang ‘pag nakita mo si Senator Robin Padilla kung paano niya mahalin at alagaan ang kanyang inang si Eva Cariño.


Sa social media post ni Sen. Robin, makikita ang mga larawan na sinusuotan niya ng kuwintas ang kanyang mother dearest at kitang-kita naman sa mukha ni Mommy Eva ang saya at pagmamahal, habang nakatitig sa mukha ng anak.

Ito ang mga sinabi ni Sen. Robin sa kanyang post:


“Alhamdulillah. Ika-11 ng buwan ng Mayo ang huli naming pagkikita ng mahal na ina. Mag-iisang buwan din ‘yun, bagama’t nagkakausap kami sa video call.


“Alhamdulillah ay iba pa rin ang personal na nayayakap ang mahal sa buhay lalo ang Ina. Medyo may halo ng pagkabalisa ang mahal na ina dahil sa tagal ng aming paghihiwalay pero napakilig naman at napasaya naman ang mahal na ina sa pasalubong ko sa kanya na pendant of justice dati na ‘yung kuwintas na puso, regalo ni Kuya Rommel ‘yun.


“Kaya love and justice na ngayon ang larawan ng aking ina, simbolo ng pag-ibig, mapagmahal at hustisya. Tunay na diwa ng ating INANG BAYAN.”

Nakakabilib ang mga anak na tulad ni Sen. Robin, sana ay marami ang tumulad sa kanya.


Ako, I have never known the love of a mother ‘coz baby pa si yours truly noon nang maaga siyang namayapa, straight to heaven. 


Kaya naman sa mga may nanay pa, mahalin ninyo sila to the max…



SAMANTALA, inanunsiyo ng mga hosts na sina Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez na apat na linggo na lamang at magaganap na ang Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. July 5, Saturday ang pinakaaabangang Big Night.


Ang tatlo pang Final Duos ng PBB Celebrity Collab ay sina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman, Ralph de Leon at Will Ashley, Dustin Yu at Bianca de Vera.


Mula sa 6 na duos ay pipiliin ang apat na duos na makakaabot hanggang sa Big Night.

Sino kaya ang magwawagi? Sino ang bet n’yo, mga Ka-Bulgar?




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 8, 2025



Photo: Michelle Dee - IG



Siguradong nag-aalala ang kaibigan ni yours truly na si Melanie Marquez dahil sa aksidenteng nangyari sa anak niyang beauty queen-actress na si Michelle Dee na nakagat ng alaga nitong aso sa mukha.


Nag-post naman sa Instagram (IG) si Michelle para magbigay ng update sa nangyari at ito ang kanyang mga sinabi:


“A morning full of supposed routine cuddles turned into a ‘just my luck’ moment.

“To be fair, my fur baby’s tooth just happened to graze my face at the wrong place, wrong time. No aggression—just an honest accident.


“When it comes to things like this, acting fast truly makes all the difference!

“Ya gurl should be in tip-top shape sooner than you think. Thank you to everyone who’s been sending love.”


Nagpasalamat din si Michelle kina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na gumamot sa kanyang sugat.


Hindi si Cristine…

MARCO, BINATI ANG “REYNA” NG BUHAY NIYA


Kailan lang ay nagdiwang ng 68th birthday ang mother dearest ng aktor na si Marco Gumabao at nagbahagi siya sa social media ng larawan ng kanyang ina at may caption na: “Celebrated the queen’s 68th birthday yesterday. Love you, schmuli @loligumabao!

“You deserve all the good things in life, and we’re here to make that happen. Thank you for being our rock.


“PS: I hope I age the same way as her. Never nagpakulay ng buhok ‘yan. Sana all.”

Napakasuwerte naman nina Loli Gumabao at Dennis Roldan sa pagkakaroon ng anak na mapagmahal. 


Sayang nga lang dahil mukhang hindi na matitikman ni Cristine Reyes ang maitrato siyang reyna o prinsesa ni Marco kung sakali ngang nagkahiwalay na silang dalawa.


Well, hindi na rin nakapagtataka na may magandang ugali itong si Marco lalo na sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang ina. Bukod sa kanyang mga magulang ay nagmana rin ng ugali si Marco sa kanyang tita dearest na si Isabel Rivas.


Si Isabel kasi ay sobrang mapagmahal sa kanyang pamilya at mga kaibigan at talagang may kabutihang taglay ang puso nito.



MAY good news na hatid sa atin si Congresswoman Lani M. Revilla.


“Good news! Tatlo sa authored bills ni Ate Lani ang pasado sa third and final reading ng 19th Congress at iaakyat na sa Senado. Ito ang mga sumusunod: House Bill No. 11372 - Pinapalakas nito ang sistema para sa land use development at budgeting ng

mga state universities and colleges.


“House Bill No. 11393 - Ang Philippine Merchant Marine Academy ay tatawagin nang Philippine National Maritime Academy na may mas malawak na mandato at curriculum upang siguruhin ang dekalidad na maritime education para sa ating merchant marine officers and personnel.


“House Bill No. 11395 - Ginagawa nitong institutionalized o pormal na programa ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng Department of Social Welfare and Development.


“Tuluy-tuloy po ang ating pagsisikap na magpasa ng mga panukalang batas upang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Cong. Lani M. Revilla.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page