top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 1, 2025



Photo: Mccoy De Leon - IG


Hindi nakalimutang magpasalamat ni McCoy De Leon sa Poong Nazareno at kay Coco Martin para sa project na naibigay sa kanya para gumanap bilang David

Dimaguiba sa seryeng Batang Quiapo. Nag-share si McCoy ng larawan kasama ang buong cast ng BQ at may caption na: “It Was My Last Project (Long caption ahead)


“I thought this was going to be my last project kaya sinabi ko sa sarili ko na I’ll give everything I’ve got, lahat ng natitira sa akin. Not just as an actor, but as someone who truly loves this craft. Sabi ko sa sarili ko, ‘Bigay ko na lahat, last na ‘to, eh.’


“Sa lahat ng katrabaho ko sa buong set during taping, ang daming memories na mami-miss ko. Kasama na ang mga discussion ng lines, minsan napapagalitan din kami.

Hehehe! Puyat, pagod, mga sugat at pasa, mga tawanan, mga kuwentuhan at simpleng bonding moments on set. Salamat! Sa dalawang taon at kalahati ba naman, itinuring ko na rin itong isa pang tahanan.


“Hindi lang mga artista ang naging inspirasyon ko. Malaki rin ang respeto ko sa buong production team at sa lahat ng directors ko from each unit na nag-handle at gumabay sa akin. Kita ko kung paano nila ginagawa ang trabaho nila nang may puso, tiyaga at dedikasyon mula sa likod ng kamera hanggang sa mismong pagbuo ng bawat eksena.


“At s’yempre, maraming salamat kay Kuya Coco, ang utak at puso ng proyektong ito. Siya ang nagbigay sa akin ng tiwala, at sa kanya galing ang oportunidad na mapunta ako sa ganitong klaseng papel. Isa siyang tunay na kuya para sa akin. Hindi ko malilimutan ang chance na ibinigay niya para gampanan si David Dimaguiba.


“Sa lahat ng mga taong naapektuhan, nakukuha ng inis, hehe, hanggang sa napukaw ang puso, thank you so much po! (smiling face emoji).


“This wasn’t just another project, it changed me. I’ll forever carry the lessons it gave me and I hope it gave you something real too.


“Kaya rin dapat pala lagi natin tratuhin ang bawat proyekto na parang ito na ang huli. Dahil doon lumalabas ang tunay na puso, dedikasyon at pagmamahal sa ginagawa. Now I’m ready for another ‘It Was My Last Project’.


“SALAMAT, POONG NAZARENO (praying hands emoji). Maraming salamat, Batang Quiapo family. Mahal na mahal ko kayo. Mami-miss ko kayo sobra (red heart emoji).

“Ngayon, binibitawan ko na po ang character na si David Dimaguiba (saluting face emoji).”


‘Yun lang and I thank you.



Napanaginipan ni Mariel Rodriguez kamakailan lang ang kanyang namayapang ina na si April Sazon Ihata.


Sa kanyang Facebook (FB) page post ay nagbahagi ang aktres-TV host ng larawan ng kanyang ina at may caption na: “Thank you for visiting me in my dream, Mom (pink heart emoji). We were walking together, and I asked if you’d been traveling much. You said, ‘No.’


Then I asked what heaven was like, and you replied, ‘Heaven is wonderful.’

“I woke up with a full heart, reminded that you’re at peace. My mom is in heaven (praying hands & sparkling heart emoji).”


Maraming netizens ang nag-comment at isa na nga rito ang aktor at senator na si Robin Padilla.


Saad ni Senator Robin, “Alhamdulillah

Ang sabi ng mga maalam sa Islam,

posibleng kahulugan ng panaginip ay

kaginhawahan at patnubay.


“Ang mga namatay na mahal sa buhay na lumilitaw sa mga panaginip ay maaaring maging mapagkukunan ng kaginhawahan, nagpapaalam ang mga yumao at nagsasabing sila ay nasa kapayapaan.


“Maaari rin silang mag-alok ng patnubay o direksiyon patungkol sa isang partikular na sitwasyon.


“Komunikasyon: Naniniwala ang ilan na ang mga panaginip na ito ay isang paraan para makipag-usap ang namatay, marahil upang ipaalala sa buhay ang isang bagay na mahalaga, tulad ng isang utang o isang kahilingan para sa kapatawaran.”


Matatandaan na pumanaw ang mommy dearest ni Mariel Rodriguez na si April Sazon Ihata noong December 23, 2023.




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 30, 2025



Photo: Michelle Dee - IG


Nakita ni yours truly kung paano mag-alaga at magmahal ng mga anak ang aking kaibigan, Miss International 1979 Melanie Marquez. She was only 15 years old at that time nang manalo ng Miss International.


Napaka-hands-on ni Melanie sa pag-aalaga sa mga anak niya, kaya naman super-proud siya nang ibinahagi sa kanyang social media post ang larawan ng kanyang aktres at beauty queen na anak na si Michelle Dee, at may caption na: “My Reyna!”


Ang picture na ibinahagi niya ay noong nag-perform si Michelle para sa first single nito na Reyna.


Samantala, na-impress ng aktres at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee ang mga tao nang itanghal niya ang kanyang debut single na Reyna nang live sa Dolphy Theater kamakailan lang.


Ang nasabing event ay paglulunsad ng “Pride Version” ng music video para sa kanyang hit track, na unang nag-debut noong Marso nang opisyal na pumasok si Michelle sa music scene bilang recording artist.


Nagdiwang ng 36th wedding anniversary si Senator Jinggoy Estrada at ang maganda nitong asawa na si Precy Vitug Ejercito Estrada.


Noong June 27, napakaganda ng ibinahagi nitong video clips na nagpapakita ng mga sweet moments nilang mag-asawa.


Sey ni Sen. Jinggoy sa post niya, “Happy anniversary sa aking maybahay, Precy Vitug Ejercito Estrada. Maraming salamat sa tatlumpu’t-anim na taon ng pagmamahal, pang-unawa at pag-aaruga sa akin at sa ating mga anak.


“Marami na tayong pinagdaanan kaya nagpapasalamat ako sa gabay ng Panginoon, nandito pa din tayo at matatag ang pagsasama.

“Happy anniversary (heart emoji). Mahal na mahal kita!”


Napaka-sweet pala ni Sen. Jinggoy sa kanyang maybahay na si Precy. Kung titingnan kasi siya ay palaging seryoso at in fairness, ha, sa true lang, mukha silang mga bagets, lalo na si Precy. 


Teka nga, matanong nga ang mga sikreto nila bakit hindi sila tumatanda. 

By the way, belated happy anniversary, Sen. Jinggoy and Precy.


Kanta na nga lang tayo ng “Ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig mo’y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman… ahhh ahhh.”

Pak, ganern!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 29, 2025



Photo: Philmar at Andi Eigenmann - IG


Nitong June 25 ay nagdiwang si Andi Eigenmann ng ika-35th birthday sa Siargao kasama si Philmar Alipayo at ang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa.


Nagbahagi ang dating aktres sa social media ng mga larawan na nagpapakita na kuntento, simple pero masaya ang pamumuhay nito kasama ang pamilya. 


Aniya sa post, “I turned 35. Embracing the privilege of going on another lap around the sun. Growing wiser, and with a deeper appreciation for the simple island life I chose. I’ve found peace in slowing down, raising my beautiful babies by the sea, with nature all around.


“I was thinking of how I’d like to spend my day this year, and I found myself wanting to do nothing different from our usual day-to-day. The life I get to live with my family and loved ones is a gift in itself already, and receiving warm greetings from all of you is the cherry on top. My heart is full. Thank you!”


Samantala, pagkatapos lang ng dalawang araw ay nagdiwang naman sina Andi at Philmar ng ika-7th anniversary nila nitong June 27.


Nag-share si Andi sa Instagram (IG) ng ilang video clips sa pagdiriwang ng kanilang 7th anniversary. Makikita sa video ang saya ng mag-partner na tipong kahit may malaking pagsubok at problemang pinagdaanan sa kanilang pagsasama ay maayos nilang nalagpasan.


Saad ni Andi sa kanyang post, “YEAR 7!!! Sparkles @chepoxz Not perfect. But it’s real, and

it’s ours (red heart emoji).”


Wala naman kasing perfect, Andi. Pero sure si yours truly na masaya ang friend kong si Jaclyn Jose (Rest In Peace) na maayos ang pagsasama ninyo ng partner mong si Philmar.

Happy birthday, Andi, and happy anniversary sa inyo ni Philmar.



NAG-SHARE sa Instagram (IG) si Doña Lolit Solis ng latest update tungkol sa kanyang kalusugan.


Saad ni Lolit, “Talaga yatang ‘pag dumating sa buhay mo ang isang problema, tiyak na may kasabay pang isa. Out of the blue, tinamaan ako ng sakit, affecting my kidney. Tapos dagdag pa na hindi umabot sa tamang bilang ang suporta na nakuha ni Bong Revilla kaya sa number 14 lang siya umabot.


“Talagang kahit ano pang sabihin, ‘pag dumating mga ganyan, medyo windang ka. To be fair, painless at wala naman akong nararamdaman sakit sa katawan, nanghihina lang ako at kung minsan may mental lapses dahil ang dali kong makalimot. Kaya nga sinasamantala ko ‘pag sharp pa ang utak ko na gawin ang IG ko dahil alam ko na marami ang naghihintay na mga followers ko.


“Alam ko na ang number 1 tanong nila is ano ang pakiramdam ni Bong Revilla ngayon. Of course, sad (malungkot) s’ya. Of course hindi din niya inakala na magiging ganoon ang resulta. Pero lahat iyan may dahilan. At kung ano ang desisyon ng Langit, iyon ang dapat natin sundin. 


“Walang bitterness sa puso ni Bong Revilla. Sa kanya, eye opener ang lahat ng nangyayari sa buhay n’ya. Kung anumang kapalaran ang ibinibigay sa kanya, tinatanggap n’ya. Alam n’ya na lahat may dahilan. Lalo na’t nanalo sina Lani Mercado at Jolo Revilla, sapat ng compensation dahil alam mo na mahal pa rin kayo ng mga tao. 


“At least makikita n’ya kung ano ang puwedeng magawa niyang dagdag sa mga nagagawa ng dalawa. Mahaharap din niya nang husto ngayon ang acting career n’ya na siyempre, napabayaan nang konti dahil sa political works n’ya.


“Kaya calling Cheryl Ching, hayan na, free na sa ibang trabaho si Bong, mahaharap na n’ya ngayon ang mga tapings. Sabi nga, ‘pag nagsara ang isang pinto, marami pang puwedeng buksan, kaya all hope for Bong Revilla. Be strong, head high. Bong Revilla is Bong Revilla. Bongga!”

‘Yun lang and I thank you.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page