top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 18, 2025



Photo: Mikael Daez at Megan Young - IG


Good vibes ang hatid ng social media post ng Kapuso actor na si Mikael Daez sa video clip na ibinahagi niya bilang first-time daddy, kasama ang asawang aktres na si Megan Young, at ang nag-iisa nilang anak na si Leon.


Siguradong makaka-relate ang mga first-time parents sa ibinahagi nitong video na nagpapakita ng dahilan kung bakit kulang sa tulog ang mommy at daddy dahil sa oras-oras na pag-check kung humihinga pa ang sanggol.


Saad ni Mikael sa kanyang post, “For first time parents, I’m sure some of you can relate! Actually, this also might be a major reason why we would lack sleep.

“Even when the baby is sleeping so well, it’s hard to shake the feeling that something might happen or that we overlooked something.


“It gets better with time but for now, praning parents on the loose muna kami (nervous face, fingers crossed and heart on fire emoji).”

Marami namang mga netizens ang umamin at nagsabing, “Yes po, relate na relate.” 


Meron ding nakapansin na kamukha ni Megan ang anak nila.

Saad pa ng netizen, “Ang lakas ng dugo ng mommy... kamukha ni Megan. Hehehe! Okey lang ‘yan, Paps, apelyido mo naman.”


Oh, mga bagets, paalala lang, appreciate your parents. You never know what sacrifice they went through for you. 

Boom, ganern!



BONGGANG-BONGGA ang pagbabalik ng aktres na si Dina Bonnevie sa bago nitong online show sa YouTube (YT) channel na may titulong House of D (HOD). Kasama niya sina Oyo Sotto, Danica Sotto Pingris, Kristine Hermosa Sotto, at Marc Pingris.


Masaya ang naging kuwentuhan na may kasamang konting iyakan ang unang episode ng HOD.


Sa nasabing show, kinumusta ni Dina ang anak na si Oyo.

Sinagot naman ni Oyo, “‘Yan, ito anim na ang anak, pagod. Hahaha!”

Sey naman ni Kristine, “Pero masaya.”


Sey ulit ni Oyo, “Nakakapagod, hindi naman madaling magpalaki ng anim na bata.”

Tinanong ulit ni Dina si Oyo ng “How important is family to you right now?”


Sey ni Oyo, “S’yempre naman, well, I’m sure kayo, ganu’n din. God first, family pangalawa.

“Family is very important kasi alam mo ‘yung kahit bali-baligtarin mo ang mundo, ‘yang pamilya mo, nand’yan ‘yan, ‘di ba?


“May mga nangyayari minsan na nag-aaway-away ang pamilya pero at the end of the day, o ‘pag matatapos na ‘yung buhay mo, pamilya mo lang din ‘yung nandu’n, eh, para sa ‘yo.

“So ‘yun ‘yung design ng Panginoon, eh, ‘di ba, na pamilya tayo. Lahat, mga kaibigan nga natin kino-consider natin na pamilya, minsan kahit bagong kilala mo, parang close na kayo agad, ‘di ba, family.”


Kuwento pa ni Dina, “Ako, in my personal experience, I went through hell and back but at the end of the day, kahit na ano’ng depression ang pagdaanan ko, kahit na anong negativity ang daanan ko, I’m just so thankful to God for giving me my family.”


Tinanong din ni Dina ang basketball player at asawa ng kanyang only daughter na si Mark Pingris.


Tanong ni Dina kay Mark, “‘Yung daddy mo, nasa France, ‘yung mommy mo, nasa Pangasinan. How can you feel a sense of family with them?”


Sey ni Mark, “Nakilala ko ‘yung father ko nu’ng 26 years old na ako, so for me, mahirap ‘yun.”

Kuwento pa ni Dina, “‘Di ba nu’ng tinanong kita kung bakit gusto mong hanapin ang daddy mo, na all these years, hindi ka naman pinansin because you said you wanted to know where you came from, ‘di ba?”


Sey ni Mark, “Kasi kulang ‘yung ano, ibang kailangan. Kulang kasi ‘yung pagkatao ko. Every Father’s Day, parang may hinahanap ako, Ma (Dina).


“Tapos parang ‘yun nga, kulang and na-appreciate ko si Danica, ‘yung ginawa n’yang hinanap n’ya si daddy ko.


“And then, doon nabuo ang pagkatao ko nu’ng nakilala ko ‘yung daddy ko.”

Sey naman ni Danica, “Sensitive talaga si Mark ‘pag pinag-uusapan mga daddy, pati lalo na mommy.”


Sey ulit ni Mark, “I’m so blessed na nand’yan talaga ‘yung mother ko na naging tatay, naging nanay s’ya sa aming tatlong anak n’ya na kahit anong hirap talaga ng buhay namin dati, talagang hindi n’ya kami pinabayaan, Ma (Dina), talagang pinapakain n’ya kami nang tatlong beses sa isang araw.


“So ‘yun, mahirap man pero talagang sobrang ano ko sa mga anak ko ngayon, sobrang nai-spoil ko sila dati kasi ‘yung mga hindi ko napagdaanan or hindi nangyari sa buhay ko talagang ibinigay ko. Even though na kahit minsan, eh, may mali, go pa rin ako. ‘Pag sinabi ni Danica dati na tama na ‘yan, hindi ‘no, okey lang ‘yan, masaya ako, eh, nakikita ko ‘yung anak ko, masaya. So okey na ko doon. So ‘yun din pagkakamali ko, minsan na kailangan, balance talaga. Sobrang balance talaga na hindi mo puwedeng kung ano ang napagdaanan mo dati, kailangan kumbaga pagdaanan nila or maramdaman nila.


“Kailangan balance talaga. Ang ibig kong sabihin is like ‘yung hindi mo sila ma-spoil nang mabuti dahil mahihirapan ka paglaki nila.”


Napakasuwerte ni Danica sa asawa niyang si Mark Pingris, mapagmahal sa mga magulang kaya for sure, mahal na mahal din ni Mark ang asawa’t mga anak niya, ‘di ba naman, Danica?


Samantala, sina Oyo at Kristine, may 6 na anak pero kung titingnan sila, mukha pa rin silang binata at dalaga. Korek si Miss D. sa pagsabing diyosa ang daughter-in-law niya na si Kristine Hermosa. At si Oyo, halata sa mga ngiti niya na masaya siya kasama ang mga anak at si Kristine.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 17, 2025



Photo: Kris Aquino - IG



Napakarami ng mga fake news na naglabasan tungkol sa Queen of All Media na si Kris Aquino at sa kanyang kalusugan. 


May mga nagsabi na cancer-free na raw ito at naghahanda na sa pagbabalik-television.

Well, nilinaw ito ng adopted father ni Kris at dating entertainment editor na si Dindo Balares, na misleading ang posts na cancer-free na raw si Kris. 


Nag-share si Dindo ng latest health update ng kanyang anak-anakan.

Pahayag niya, “LOVE NOURISHES AND HEALS. Marami ang nagpapadala ng private messages at nagtatanong kung photoshopped (edited) lang ba ang pictures na ito ni Kris Aquino at kung totoong ito na ang appearance n’ya ngayon.


“Totoo at genuine po ito. Kuha ng kanyang kaibigan na si Ms. Jing three weeks ago habang nandodoon din ako sa private resort na kinaroroonan ni Kris.


“Pero unang-una, at ang pinakamahalaga muna, MULA SA PUSONG PASASALAMAT PO sa lahat na nagmamahal, nagmamalasakit, at patuloy na nagdarasal para sa panunumbalik ng kalusugan ni Kris. 


“When we pray, miracles happen – proof si Krisy. Love nourishes and heals.

“Malayung-malayo pa, pero unti-unti nang nakakabawi ang kanyang katawan at timbang.

“Hirap na hirap, nakita ko mismo, at narinig na mahinang sinasabing, ‘I really hate being dependent’ dahil kailangan s’yang alalayan kung gustong bumangon o dapat kargahin papunta sa comfort room, pero tinitiis n’ya.


“Maraming beses na s’yang bumagsak sa sahig at sa loob ng banyo, dahil inaakala n’yang kayang-kaya na, pero hindi pa pala.


“Mabagal man ang mga resulta, tama ang desisyon n’yang umiwas muna sa big city at manirahan sa tabing-dagat para lumanghap ng sariwang hangin.


“Una naming napansin sa pamamalat ng kanyang balat. ‘May regeneration of skin, Krisy,’ sabi ko sa kanya. ‘Ibig sabihin, may regeneration of cells din maging sa loob ng katawan mo.’

“Last January, ang pinakamababa n’yang timbang. ‘Eighty-two (82 lbs.) was my lowest,’ kuwento ni Kris habang magka-chat kami kahapon. ‘Today I am 112. But Kuya Dindo, my arms and legs below my knees are still skinny – the weight is in my thighs. My arms are also still thin. 


“The other night before Bimb arrived, hindi kinaya ni Nurse Elle, bumigay my knees. I said, ‘It’s okay, just don’t let me land on my knees. So I fell slowly on my behind because she was still holding my back. ‘No gana (appetite) to eat today,’ sabi pa n’ya.


“Galing sa pinakamababang 82 lbs, 112 lbs na s’ya sa kasalukuyan. Marami pa akong kuwento, pero ito po muna sa ngayon (pink heart & folded hands emoji).”


Dagdag pa ni Dindo, “Note: Misleading po ang mga posts na cancer-free na raw si Kris. Wala po s’yang cancer ever since. Hindi po cancer ang ginagamot ng mga doktor kay Kris kundi auto-immune illnesses.”


Noted po, kapatid na Dindo. Salamat sa pagbabahagi mo ng balita tungkol sa kalusugan ni Kris Aquino. 


Get well soon, Krissy.



ANAK NI BARON KAY NADIA, CLOSE SA MISIS NIYA



SA social media post ng aktor na si Baron Geisler ay nagbahagi siya ng video clip na may dala siyang cake at kinakantahan ng birthday song ang asawang si Jamie Marie Geisler.


Napansin ng mga netizens na hindi lang magaling na aktor ang isa sa cast ng Incognito kundi magaling din itong magpahayag ng pagmamahal sa kanyang misis.

Saad ni Baron, “Happy birthday to the love of my life, my wife, my partner, my best friend (red heart emoji).


“Jamie, I honestly can’t imagine life without you. You are the light of our home, the heart of our family, and the calm in my storms. You’ve been my rock, my safe space, and my biggest supporter through everything.


“I’m beyond grateful to have a wife and mother like you… so loving, so nurturing, so strong. We’ve been married for almost six years and together for almost eight, and in all those years, I’ve watched you grow more beautiful, wiser, and even more selfless. You just turned a year older, but to me, you’ll forever be 40. Timeless. Glowing. Young at heart.


“We celebrated your birthday yesterday, and it meant a lot to me. It’s been years since we really took the time to celebrate you, and yesterday was different. That moment with family, that small party you truly deserve… it felt right. It felt long overdue. And I’m glad we finally did it.


“What I told you before still stands… I want to grow old with you. And now, we’re actually doing it. We feel it in the little things, like the back pains, (laughing face emoji) the quiet mornings, the shared laughter after long days. We’re growing old together, and I wouldn’t have it any other way (red heart emoji). 


“Happy birthday, Mrs. Jamie Marie Geisler,” sweet na mensahe ni Baron.


Samantala, sa Instagram (IG) story na ibinahagi ni Sophia Angela, anak ni Baron sa magandang aktres na si Nadia Montenegro, ay nag-post siya ng larawan kasama si Jamie Marie at may caption na: “Happy Birthday, Tita @jamie.marie.geisler!”


Ang ganda rin ng pagpapalaki na ginawa ni Nadia Montenegro sa kanyang anak na si Sophia. Wala kang mababakas na sama ng loob kay Sophia sa pamilya ng daddy dearest niya. Naturuan siya ni Nadia na magmahal kesa sa magkimkim ng sama ng loob.

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 16, 2025



Photo: Klarisse De Guzman - IG



Masaya ang naging kuwentuhan ng multi-talented comedian at TV host na si Vice Ganda at ng Pinoy Big Brother (PBB) ex-housemate at singer na si Klarisse De Guzman o mas kilala ring “Klang” sa latest YouTube (YT) vlog na pinamagatang Meme at Mowm’s COOKlitan at QUEERtuhan at halatang komportable sila sa isa’t isa.


Sa YouTube (YT) vlog ni Vice ay naikuwento ng komedyante na lagi siyang napagkakamalang manager ng singer na si Klarisse, kaya naman nilinaw niya na hindi siya manager nito.


Feeling manager lang siya, Star Magic talent si Klarisse. 


Natanong ni Vice kung bakit pumasok sa Bahay ni Kuya si Klarisse at kung gipit siya noon.


Sagot ni Klarisse, “S’yempre, medyo gipit tayo d’yan. Gusto ko lang talaga na maipakita ‘yung side ko na ‘yung ako.”


Tanong ulit ni Vice, “Was it offered to you o ikaw ‘yung parang ‘Gusto ko pumasok,’ na ‘Puwede ba ‘ko mag-audition?’”


Paliwanag ni Klarisse, “Tinanong ako, Meme, kung interested ako. Nu’ng una, nagdadalawang-isip. Oh, my God! Hindi ko rin maiiwan si Mama kasi kakawala lang ng Papa ko. Baka magkasakit si Mama, nag-overthink agad ako.”


Naitanong din ni Vice, “Kung may punto ba sa career mo na feeling mo, napag-iiwanan ka na?”


Sagot ni Klarisse, “Yes, Meme. Nandu’n ‘yung mga times na ‘pag lalabas kami, feeling ko, ako ‘yung ‘di nila kilala. ‘Yung parang gusto ko, puwede mauna na ako? Para tapos na ako, kayo na lang. Kasi feeling ko talaga, napag-iiwanan ako.


“Ang bobongga na ng career nila, solo concerts, tour. Ako, feeling ko, nandu’n lang, kumbaga second option. ‘Pag hindi sila available, ‘yung ‘Ito, ah, sige, sige doon ako,’ puwedeng ganu’n.

“Buti na lang talaga, ‘di ako sumuko. Naghintay ako. Mahirap ‘yung proseso, ang dami kong pinagdaanan. Nandu’n ‘yung times na feeling ko, kailangan ko na ata maghanap ng ibang work.


“Totoo talagang may perfect timing si God para sa lahat.”

Korek ka d’yan, Klang. With God, all things are possible…



HUMAKOT ng mahigit 23 million views at trending sa social media at YouTube (YT) ang opisyal na trailer at patikim sa kauna-unahang digital series ng tambalang Fyang Smith at JM Ibarra na Ghosting, na eksklusibong mapapanood simula Hulyo 19 (Sabado) sa iWant.


Kinakiligan at damang-dama ng mga netizens ang chemistry nina Fyang at JM sa kabila ng pagiging baguhan nila sa showbiz matapos maging housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11.


Inulan ng papuri ang official trailer at halos wala rin umanong masabi ang mga fans nina Fyang at JM sa ipinamalas nilang akting kahit hindi pa man nagsisimula mismo ang kanilang series.


Excited din ang mga netizens sa pagsisimula ng love story nina Jaja (Fyang) at Wilberto (JM) sa 8-episode series na tampok ang kuwento ng isang dalagang estudyante na na-in love sa isang misteryosong probinsyano na literal na “ghost” o multo.


Alamin kung posible nga bang ma-in love ang mga taong minsan nang na-ghost sa Ghosting.

‘Yun lang and I thank you.


“Uwian na, may nanalo na!” ito na lang ang masasabi ng mga nakakita sa post ng content creator and Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr.


Sa social media post ay nagbahagi si Esnyr ng larawan kung saan kasama niya ang apat na nagguguwapuhang mga kalalakihan na sina Jake Ejercito, Donny Pangilinan, Kyle Echarri at Piolo Pascual.  


Bonggang-bongga ang nag-iisang si Esnyr. 


Sa larawan, nasa gitna siya suot ang black na t-shirt, at napapalibutan ng apat na nuknukan ng popoging mga lalaki na walang suot pang-itaas habang nakatitig sa kanya.


Ang caption ng post ni Esnyr ay: “Ganito pala sa outside world—maingay, mausok, puno ng mga pogi (smiling face emoji).”


Ikaw na talaga ang nagwagi, Esnyr! Ikaw ang tunay na ‘Big Winner’!

Samantala, sa Facebook (FB) page post naman ni Jake Ejercito ay ibinahagi niya rin ang larawang ipinost ni Esnyr.


Ang caption ng post ni Jake ay: “Ano’ng magandang title para dito? (thinking face emoji).”


Napakaraming netizens ang nag-comment sa post ng guwapong aktor na si Jake at ang mga suggestions nila ay: “Boys Over Santan Flower,” “Boys Over Precious,” “F4 and the Adopted One,” at “Boys Over Cauliflower/Broccoli.”


Ayan, Jake, mamili ka na lang ng magandang title (laughing emoji). Hahahaha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page