top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 21, 2025



Photo: Kat at Klea Pineda - IG


Sa Instagram (IG) post ng Kapuso actress at model na si Klea Pineda ay kinumpirma niyang hiwalay na sila ng kanyang partner na si Katrice Kierulf.

Saad ni Klea sa post niya, “Maiksing panahon ang ibinigay sa atin pero masasabi ko na naging masaya ako sa tatlong taon ng buhay ko na ‘yun kasama ka.


“Yes, Kat and I decided to end our relationship. Masakit, mahirap. Masyadong maganda ang samahan namin, pakiramdam ko parang hindi lang tatlong taon ‘yung samahan namin sa dami ng nangyari. “Kadamay ko s’ya sa lungkot, nand’yan s’ya sa tabi ko ‘pag masaya, kasama ko s’ya sa gitna ng kaguluhan, at higit sa lahat, s’ya ‘yung taong minahal ako sa mga panahon na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.


Naging inspirasyon at lakas ko sa mga laban sa buhay.

“Saksi kayong lahat ng sumusuporta sa akin at kay Kat kung gaano kami kasaya ‘pag magkasama. Nakita at naramdaman n’yo naman kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Maraming salamat sa inyo.


“Sa pamilya ko na alam kong nasasaktan din sa nangyari, alam ko na itinuring ninyo na rin na parang anak si Kat, sa loob ng tatlong taon na ‘yun. At higit pa sa pasasalamat ang gusto kong sabihin sa inyo sa pagtanggap sa kanya at sa aming dalawa ng buong-buo.


“Nilaban naman namin hangga’t sa aa namin, sinubukan naman naming ayusin. Tumatanda na tayo at may mga bagay na mas kailangang unahin o bigyan ng pansin. Kinailangan na lang talaga tanggapin na wala na kaming magagawa kundi tapusin na lang talaga ang relasyon namin.


“To Katrice, naging masaya naman tayo, ‘di ba? Napakarami nating magagandang nagawa magkasama at pagsubok na nalagpasan na hindi ko gugustuhing kalimutan kahit kailan. Nakatatak lahat ‘yun sa puso at isip ko. 


“Napakarami kong dapat ipagpasalamat sa ‘yo, Kat. Lagi mong tatandaan na nakasuporta pa rin ako sa ‘yo kahit ano’ng mangyari. Tatlong taon na punong-puno ng pagmamahal. Hindi ko alam kung suwerte ba ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko o malas kasi binigay ka nga sa akin pero may hangganan din naman. 


“Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin, Kat. Lagi mong tatandaan na kahit ano’ng mangyari, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”


Marami sa mga netizens ang nalungkot sa ibinahagi ni Klea. Gayunpaman, marami pa rin ang nagmamahal sa kanila ni Katrice.


Paalala lang sa mga taong naghihiwalay na magkarelasyon, “Just because a relationship ends, doesn’t mean two people stopped loving each other. They just stopped hurting each other.”


Pak, ganern!



MAY nakakaaliw na eksena na naman ang pamilya Daez. Sa Instagram (IG) post ng aktor na si Mikael Daez ay nagbahagi siya ng video clip kasama ang asawang aktres na si Megan Young at ang kanilang only baby.


Sa video ay makikita na nagtatanong si Mikael kay Megan — habang karga ng misis ang baby nila — kung may food daw ba, at sinagot naman ni Megan ng “Nasa refrigerator,” kaya binuksan agad ni Mikael ang ref.


Ang siste, pagbukas ng ref, puro may malunggay na pagkain sa loob, tulad ng adobo with malunggay at malunggay cookies. 


Kaya naman nagtanong ulit si Mikael kung may iba pa bang food at sinagot naman ni Megan ng “Check the pantry.” 


Pagbukas ni Mikael ng pantry, ang nakita naman niya ay malunggay bread at malunggay chips.


Kaya naman, magkakape na lang sana si Mikael. Nu’ng kukuha na siya ng kape, ang nakita niya ay malunggay tea at malunggay na kape.


Ang ending, maliligo na lang siya. Pagbukas ng pinto ng banyo nila, makikita naman ang malunggay toothpaste at malunggay soap.

Umiiling na lang tuloy ang Kapuso actor. 


Ano kaya ang dahilan at lahat ng food nila ay may kasamang malunggay?

Well, ito naman pala ang simpleng dahilan bakit malunggay is life sa pamilya Daez.


Saad ni Mikael sa post niya, “Malunggay with everything is life (face with raised eyebrow, smiling face with sweat, red heart emoji). S’yempre, support lang tayo para mas lalong maging productive ang milk factory ni Bonez.


“And in reality, it’s amazing how many things you can try to stimulate breastmilk supply.

“Malunggay supplements, milking cookies, prayers, massages, atbp. What are your favorite breastmilk supply supplements/routines?”


Marami namang netizens ang pinusuan ang post ni Mikael at natuwa sa pagiging “Malunggay with everything is life.”


Siguradong lulusog si Megan sa pagkain ng malunggay. Ang dami kayang nutrients ang makukuha sa malunggay tulad ng Fiber, Calcium, Iron, Protein, Vitamin A, B, C at E, at Potassium.


Oh, mga bagets, kain na ng malunggay. 

Pak, ganern!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 20, 2025



Photo: Sunshine Cruz - IG


Nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Sunshine Cruz noong nakaraang July 18, 2025. Nagbahagi ang magandang aktres ng larawan na nagpapakita kung gaano pa siya kaganda at ka-sexy sa edad na 48.


Kung titingnan si Sunshine ay mukha lang siyang 28 at hindi 48 dahil sa ganda ng mukha at katawan nito.


Saad ni Sunshine sa post niya, “48 today! (red heart & folded hands emoji).

“I’m incredibly grateful for another year. My heart is full thanks to the unwavering love and support of those around me.”


Napakarami ng mga artistang bumati kay Sunshine, tulad nina Ara Mina, Vina Morales, Arlene Muhlach, Yana Concepcion. Bumati rin ang mga pinsan niyang sina Rodjun Cruz at Geneva Cruz.


Sabi nga ni Geneva sa comment section ng post ni Sunshine ay “48 going on 28! Love you, cous (cousin)! Happy Birthday!”


Sabi naman ni Vina Morales ay “Ang ganda n’yang babaeng ‘yan. B-day girl, wishing you good health and more blessings. Love you, Sis.”


Happy birthday, Sunshine! Kantahan na nga lang natin si birthday girl ng… “You are my sunshine, my only sunshine, you make me happy, when skies are gray. You'll never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away…”

Pak, ganern!


Kaya naman, parang naka-mega jackpot sa lotto itong si Atong Ang sa kanyang pretty and sexy dyowa.


Kumain lang sa noodle house, nag-concert na…

ROBIN, NAKIPAG-JAMMING SA MGA TAGA-BRUNEI NG OPM SONGS


SA social media post ng aktres at TV host na si Mariel Rodriguez ay nagbahagi siya ng video clip noong nakaraang adventure nila sa Brunei ng kanyang pamilya.


Makikita sa video ang saya ng senador at aktor na si Robin Padilla at ng asawa nitong si Mariel sa pakikipaglaro sa mga anak nila.


Sigurado si yours truly na hindi makakalimutan ng mga anak nina Senator Robin at Mariel ang mga masasayang moments nila kasama ang butihing ama at ina.


Kuwento nga ni Mariel sa post niya, “On our last Brunei adventure, hindi lang food trip ang nangyari dahil may pa-mini-concert din si Robin along the way! (smiling face with smiling eyes emoji).


“Unang stop: kumain kami sa sikat na beef noodle soup place na Soto Pabo, and guess what? Some locals knew a Tagalog song kaya nakipag-jam si Robin on the spot! (microphone emoji & musical notes emoji).


“Next, we explored Jerudong Park Playground, and sobrang surprising lang because almost empty ang place except us kaya parang private theme park experience ang feel namin this time!


"And to cap off the day, habang nagdi-dinner kami ay biglang tumugtog na naman ng another Tagalog song… pero this time, boses ni Robin ang narinig namin! (face screaming in shock & fire emoji).


“Grabe, from Manila to Brunei, umabot na talaga kung saan-saan ang OPM! (CD & globe showing Asia-Australia emoji).”


Ang suwerte ng mga anak nina Robin at Mariel, meron silang mapagmahal na mga magulang. Hindi importante ang mga material na bagay sa kanilang pamilya, mas importante ang panahon at oras na ibinigay nila sa mga anak nila. 

Bongga kayo d’yan, Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 19, 2025



Photo: Kristine Hermosa-Sotto - IG


Sa bagong online show sa YouTube (YT) na may title na House of D (HOD) ng aktres na si Dina Bonnevie ay mapapansin na hindi nagbago ang ganda ng mukha at katawan ng aktres. Mukha pa ring bata, at sure si yours truly na dahil biyuda na si Ms. D ay marami na ulit ang manliligaw sa kanya.


Kaya naman no wonder, na pumili rin ng magandang makakasama sa buhay ang only son niyang aktor na si Oyo Sotto.


Sabi nga ni Dina, nu’ng ipinakilala ang aktres na si Kristine Hermosa, sa HOD, “My beautiful daughter-in-law. The face that could launch a thousand ships.”


Kuwento pa ni Dina, “‘Ika nga nila nu’ng Bonnevie reunion namin recently, ‘Oh, that girl’s so pretty.’ Sabi ko, ‘Oh, that's my daughter-in-law. That’s Kristine, she’s married to my son.’ ‘She’s your daughter-in-law? She’s so pretty!’ Ganu’n lang si Tin, diyosa-diyosahan lang.”


Sa question and answer portion ng HOD ay natanong ni Dina si Kristine ng “Kumusta ka na, diyosa? Ang tagal mo ring nawala.”


Sey ni Tin, “Okay naman, Ma (Dina), ito, buhay pa rin,” sabay tawa.

Sinundan ulit ng tanong ni Ms. D ng “Ang daming nagsasabi, ‘Naku, si Oyo, pinipigilan n’ya si Tin na mag-show.’ Totoo ba?”


Sey ni Tin, “Hindi.”


Dagdag pa ni Ms. D sa tanong niya ay “Choice mo lang talaga?”

Sey ni Tin, “Choice ko talaga.”


Another question ni Ms. D, “Sabi nga nila, ang ganda-ganda ni Tin. Sayang, ba’t hindi na s’ya nag-aartista?”


Sey ni Tin, “May anim na anak, Ma (Dina), kailangang palakihin nang mabuti.”

Kuwento pa ni Ms. D na may kasamang tanong, “Pero ‘di ba, sabi mo, after 6 kids, parang you said ‘I think I’m ready to bounce back.’ ‘Di ba, sabi mo?”

Sey ni Tin, “Yes.”


Sey ni Ms. Dina, “Kaya s’ya pumayag na sumama sa House of D.

Sa huli ay natanong ni Ms. Dina ang mga netizens ng “Mukha bang may 6 kids ‘yan? Grabe!”


Well, ang sagot ng mga netizens, “Hindi s’ya mukhang may 6 na anak. Mukha pa rin s’yang dalaga at puwedeng-puwede pang magbida sa teleserye.”

‘Di ba naman, Ateng Janiz?



SA social media post ng aktres na si Danica Sotto ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang asawang si Mark Pingris, mga anak na sina Jean Michel, Anielle Micaela, Jean-Luc at ang kanilang alagang aso na si Bruno.


Ibinahagi ng anak nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie ang lungkot na naramdaman sa paglisan ng tatlong taong gulang na alagang aso na si Bruno.


Saad ni Danica sa post niya, “We will really miss you, Bruno. We are grateful for the three wonderful years we had with you. I wish it could have lasted longer (Broken heart emoji).”


Rest in peace, Bruno. Run free…




 
 
RECOMMENDED
bottom of page