top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 4, 2024


ree


Waley nang kalaban ang Eat… Bulaga! ng TVJ dahil babu na ang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE, Inc. sa GMA-7.


Kaya in the end ay ang dating Eat… Bulaga! show pa rin ang nagwagi, at puwede nang kantahin nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon ang awiting may lyrics that goes… "Ako ang nagwagi..." boom, ‘yun na!


Ang latest news nga, last episode na ng Tahanang Pinakamasaya nu’ng Sabado matapos sabay-sabay na mag-bow ng mga hosts nito na pinangunahan nina Paolo Contis at Isko Moreno.


Sa credit scene ay napanood sina Paolo at Isko na nagpasalamat sa mga Kapusong napasaya nila at ng Eat… Bulaga! ng TVJ nu’ng nasa GMA Network pa ito.


Pagkatapos nito ay kaagad na napansin ng mga netizens na deactivated na ang Facebook account ng TAPE, Inc., ang producer ng programa.


Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, maglalabas ng joint statement ang GMA-7 at TAPE ngayong Lunes, March 4.


But what’s this we heard na sa pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7 ay ang It’s Showtime na ang ipapalit upang makatapat ng EB! ng TVJ?!


Oh, so nabawasan lang pala ang kalaban ng Eat… Bulaga! pero nandiyan pa rin ang It’s Showtime.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 27, 2024


ree


Para kay Jo Berry, hindi sukatan ang height o size upang makamit ng sinuman ang kanyang gustong gawin o pangarap sa buhay.


Sabi nga sa paalala ng GMA-7 Corporate PR ay.... "Anyone can reach for their dreams... no matter their size, shape, and height, as long as there is goodness in their heart."  


Very true indeed!


Kaya happy kami kay Jo Berry ‘coz after Onanay TV series nila noon ni Superstar Nora Aunor ay nabigyan uli siya ng TV series sa GMA-7 titled Lilet Matias: Attorney At Law kung saan si Jo Berry na ang pinaka-bida sa Kapuso Afternoon Primetime.


Akala namin ay malaki rin ang role rito ni Superstar Nora Aunor, na tipong silang dalawa ni Jo Berry ang pinaka-bida tulad nga sa Onanay TV series nila noon.


Pero, sa preskon ng Lilet Matias: Attorney At Law na ginanap last week sa Session Hall ng Manila City Hall ay walang Nora Aunor kaming nakita at maski sa ipinalabas na trailer ng said TV series.


So, tinanong ni yours truly si Ate Guy kung kasama ba siya sa casting ng Lilet Matias: Attorney At Law with Jo Berry at iba pang veteran at newbie stars, at ang kanyang naging sagot ay... "Guest lang po ang role ko ru'n, 6 days taping lang. Meron pang natitirang 3 days taping at sa March na ang resume ko ng taping sa Lilet," pagkaklaro ni Superstar Ate Guy.


So there!


Ang makakasama ni Jo Berry sa Lilet Matias ay ang ilang veteran stars tulad nina Maricel Laxa, Sheryl Cruz, Rita Avila, Bobby Andrews, Glenda Garcia, Lloyd Samartino at sina Jason Abalos, Joaquin Domagoso at marami pang newbie stars sa direction ni Adolfo Alix, Jr..


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 23, 2024


ree

Photo: Screengrab from I AM NOT BIG BIRD Trailer / FB


Pinauso ni Enrique Gil ang one-liner na "I AM NOT BIG BIRD" kaya tuloy curious ang ilang Marites at Mosang kung dyutay nga ba ang boyfriend ni Liza Soberano.


Naku, sa pelikula lang niya 'yun, 'noh, na showing pa ngayon sa maraming sinehan, in pernes. Naalala tuloy ni yours truly ang hirit noon ni Ms. Vicki Belo sa panayam sa kanya ni former Manila Mayor Isko Moreno na mas gusto raw niya ang mataba kesa mahaba, na ang tinutukoy nga ay ang 'bird' ng mga barako, 'no!


'Niwey, umani ng samu't saring papuri ang comeback movie ni Enrique kahit pa hindi niya kasama ang dating ka-love team na si Liza Soberano.


Puring-puri ng mga nakapanood ang I Am Not Big Bird dahil sa tapang at nag-uumapaw na katatawanan na hatid nito.


Kapansin-pansin din ang makabagong atake nito sa 'pagkalalaki' habang patuloy na pinatatawa ang mga critics at moviegoers.


Pinuri ng independent journalist at Instagram influencer na si Pola Del Monte @MissChiefEditor ang pelikula dahil naging maayos ang pagtrato nito sa kababaihan na iba sa karaniwang nangyayari sa sex comedy movies.


Ani Pola, “I think it’s a huge step for Philippine cinema, given that raunchy shows or movies tend to exploit women. I didn’t get offended (though honestly mildly shocked), but I would recommend this even to girls my age to watch with fellow tita friends. It’s raunchy but it doesn’t put women in a bad light.”


Bida naman sa ibang reviews ng pelikula ang camaraderie nina Carpio, Macky at July na ginampanan nina Enrique, Nikko Natividad at Red Ollero.


Sa isinulat ni Philbert Dy sa kanyang review sa Spot.ph, ibang chemistry ang meron sa tatlo na talaga namang nagpapahalakhak sa mga manonood.


Aniya, “The prickly dynamic between the three leads is fun, especially when they get on each other’s nerves. It just feels like they all understand the assignment, playing three guys who’ve known each other forever, and are prone to turning off their filters when they’re together.”


Saad naman ni Roy Remorca ng Cinegeeks Podcast, “Feeling ko nga, parang ito 'yung sine na first time in a long time na ang konti ng pahinga ko ng tawa.”


Ayon sa post ng film review platform na Maganda Ba?, “Mahuhusay silang apat na main cast. It’s definitely a good decision for @enriquegil17 na ito ang comeback movie niya. The movie got some balls (literary and figuratively). Matapang ito na sumubok ng bagong kuwento. Definitely a good watch for me!”


“It has opened doors for others to create more gutsy and refreshing concepts for the Filipino audience to see,” sabi naman ng Goldwin Reviews sa Facebook.


Nasa ikalawang linggo na sa mga sinehan nationwide ang pelikula na umiikot ang kuwento sa brokenhearted na si Carpio na may malaking misyon sa Thailand kasama ang mga kaibigan na

sina Macky at July, pati na rin ang kanilang magiging tour guide na si Prajak na ginagampanan ni Pepe Herrera. Subalit maghahatid ng matinding gulo ang pagkakahawig ni Carpio sa isang sikat na porn star.


Huwag palampasin ang solid na kuwento at katatawanang handog ng I Am Not Big Bird mula sa Black Sheep, Anima Studios, at Immerse Entertainment na showing sa mahigit 100 cinemas nationwide.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page