top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 20, 2024


Showbiz news
Photo: Kathryn Bernardo, Jericho Rosales, & Janine Gutierrez / IG

According to some showbiz reliable sources ay basted daw si Jericho Rosales sa panliligaw nito kay Kathryn Bernardo.


Ewan lang kung ano’ng naging dahilan ni Kathryn o hindi niya feel ang lalaking mas may-edad sa kanya. 


Kunsabagay, kani-kanyang type lang ‘yan when it comes to love life, ‘ika nga.

But after Kathryn Bernardo ay si Janine Gutierrez naman daw ang nililigawan nitong si Echo. How true, Janine?


Isang laughing emoji lang daw ang naging sagot ni Janine when asked by some reporters.


Pero kamakailan lamang daw ay kumalat ang kuha nina Janine at Jericho na nasa National Museum sa Maynila na silang dalawa lamang.


Sa Instagram (IG) post ni Janine ay nag-comment du’n ang ina niyang si Lotlot de Leon ng, “Ah, excuse me po, sino po ang kasama mo sa pagpunta d’yan? Hmmmm.”


Sinagot ito ni Jericho ng, “Nag-doorbell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso, eh.”


Huh? Hindi siya feel ng aso nina Janine? Hahaha! ‘Kalokah!


Mukhang nanliligaw nga itong si Jericho, at ‘yun din naman ang narinig namin sa ilang kapatid sa panulat.


Ang isa pang narinig namin tungkol kay Kathryn Bernardo, isang non-showbiz guy daw ang talagang nakatutok at pursigido sa panliligaw sa aktres.


Hindi naman daw si Alden Ri­chards, at para lang daw ‘yun sa kanilang pelikula. 

Boom, ‘yun na!



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 7, 2024


Showbiz news
Photo: Kristel Moreno / IG

Noong dinala ni yours truly si Kristel Moreno kay Boss Vic del Rosario ay medyo bagets pa ito at bagay na bagay sa kanya ang mahabang buhok.


Nagustuhan naman siya ni Boss Vic at inalok siyang maging Viva artist, lalo na sa Vivamax, pero hindi feel na gumawa ng sexy or bold films ni Kristel, hindi tulad ng kanyang tiyahin na si Alma Moreno na naging sexy star noon sa ilang pelikulang nagawa nito nu’ng kanyang kabataan.


Medyo matagal-tagal ding nawala sa showbiz world si Kristel dahil nagtayo ito ng ilang negosyo at pati nga pagpo-produce sana niya ng mga pelikula, tipong naudlot, kaya gusto niyang magbalik-pelikula uli. 


Pero this time, gusto niyang maging action star at ang hiling niya, sana raw ay masama siya sa pelikula ni Robin Padilla sa Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio titled Gringo: The Greg Honasan Story. Sana rin daw ay kunin siya ng Dreamscape Productions para makasama si Coco Martin sa TV series nitong Batang Quiapo.


Kunsabagay, sa age at looks now ni Kristel ay puwedeng-puwede siyang maging action star 'coz she’s now 33 years old at nagpakalbo, nawala ang magandang mahabang buhok niya.


Bakit? Anyare?


“Nagkaroon kasi ng cancer of the breast si Mama ko at dahil sa Chemotherapy n’ya ay nakalbo siya, iyak ako nang iyak. Hindi ko malaman ang gagawin ko.


“Tapos, nagpakalbo rin ako dahil sa awa ko sa mama ko, pero mabilis namang tumubo uli ang buhok ko. ‘Yun nga lang, manipis na s’ya, kaya hindi na ako bagay sa mga pa-sweet roles. Ang dream ko ngayon ay maging action star hangga’t buhay pa si Mama ko.


“Masakit para sa ‘kin ang pagkakaroon ng breast cancer ng mama ko. Mahal na mahal ko s’ya at hangad ko na gumaling na s’ya agad. Hindi ko kakayanin kung mawawala s’ya sa buhay naming magkakapatid. Mahal na mahal namin ang mama ko,” ang medyo teary-eyed na mahabang pahayag sa amin ni Kristel.


Kunsabagay, 64 years old pa lang ang mama niya na si Tita Annabelle Valdez na naging close rin kay yours truly kaya kami man ng dyunak kong si Camille ay affected much at maluha-luha nang muli kaming magkita-kita kamakailan lamang.


Ipagdasal na lang nating lahat na harinawa ay gumaling ang breast cancer ng mommy dearest ni Kristel Moreno sooner than soon.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 28, 2024


Showbiz news
Photo: FB Circulation

Tulad sa nakaraang Cannes Film Festival ay hindi rin nakarating sa 72nd FAMAS Awards Night last Sunday (May 26, 2024) si Superstar Nora Aunor because according to a reliable Noranian ay ipinagbawal ng mga doctors nito na um-attend siya sa crowded event.


Tsk, sayang, ang ganda sanang tingnan kung nakadalo si Ate Guy sa FAMAS night at sa iisang table lang sila magkakasama ng ex-husband niyang si Christopher de Leon na kasama naman ang present wife na si Sandy Andolong, Tirso Cruz III na former love tandem ni Guy at pati na rin ang naging rival niya sa showbiz na si Vilma Santos-Recto.


Tipong puwedeng ang title ay Rewind (movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes) ng mga nakaraan nilang kabanata simula pa nu’ng dekada ‘70.


And take note, maraming showbiz Marites ang umalma sa nasabing okasyon ‘coz ang mahal daw ng dinner per plate na nagkakahalaga ng P5 thousand each person na ginawa nga sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.


Pero wagi naman si Ate Guy ng dalawang trophies na ang tumanggap ay ang kanyang longtime friendship-showbiz writer na si Baby K. Jimenez na tumanggap din ng award bilang Best in Journalism.


Anyway, cheers and congrats sa lahat ng nanalo sa 72nd FAMAS Awards night, malapit na ring sumunod ang PMPC Star Awards night sooner than soon. 


Saka nga pala, maganda rin sanang tingnan kung dumating si Daniel Padilla para batiin si Kathryn Bernardo na wagi as Best Actress that night with Alden Richards as her escort.


Sey n'yo, mga Marites? Bongga sanang tingnan, devah naman?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page