top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 6, 2024


ree

Ayaw paniwalaan ng madlang moviegoers at netizens na kumita raw ang pelikula nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera na Korean adaptation titled Sassy Girl kahit pa sinabi ng ilang production staff nitey na kumita ang movie ng P5 million sa mismong opening day nito in theaters nationwide.


Ayon sa isang post sa social media ng isang netizen who took a picture of the empty seats sa isang sinehang pinagpalabasan nito sa unang araw, susubukan daw niyang i-check sa ibang mall theatres kung totoong kumita ang Sassy Girl.


Sumang-ayon naman ang isang netizen sa naunang post na maraming upuan ang bakante.


Payo nito sa mga taga-produksiyon, huwag basta-basta maniniwala sa “press release” kahit nagmula pa ito sa mismong nagdirek ng pelikula.


But come to think of it, P5M sa panahon ngayon sa unang araw ng commercial run ay hindi na masama.


Ramdam nga ang kalagayang ito pagkatapos ng MMFF 2023.


Kung P5M lang ang box office gross ng Toni-Pepe movie, may chances pa namang madagdagan pa ito sa mga susunod na araw.


Harinawa, para muling umunlad ang kita ng mga mall theaters at ng mga movie producers at maging masaya uli ang ating movie industry. 


Kaya nood na kayo, madlang moviegoers na mahilig manood ng mga pelikula in theaters nationwide, okidoki?



ree

Naging very successful naman ang benefit concert ni Charity Diva Token Lizares nito lang ding February 2, 2024 titled A Night of Music and Love na tipong pre-Valentine concert for a cause na ginanap sa Music Museum sa Greenhills.


Hindi lang ang mga guest performers ni Token ang nag-perform headed by Lance Raymundo kundi pati ang mga singing nuns of Servas de Marias na ang gagaling ding kumanta.


Ang kinita ng said concert ay itutulong ni Token sa mga madre ng Servas de Marias, sa mga maysakit, needy ones and poorest of the poor, kaya tama lang ang title na ibinigay ni yours truly kay Token na Charity Diva, in pernes.


Sa ngayon ay naglilibot sila sa mga hospitals para bigyan ng tulong ang mga may sakit na nangangailangan ng financial needs.


Pero sabi ni Token, sa pagbabalik niya rito sa Manila after ilang years siyang namalagi sa kanyang hometown na Bacolod bago pa nag-pandemic ay haharapin din niya ang naunsiyami niyang acting career.


Kabilang sa mga dumalo sa nasabing concert niya ay sina Lovely Rivero, Glenda Garcia, Melissa Yap at ilang entertainment writers to cover the event.


Dumalo rin ang isa sa kanyang mga best friends at donor na si Terry Larrazabal. Si Joel Cruz ay hindi namin nakita pero ang kanyang right-hand na si Roy Redondo ay present sa nasabing event.


'Niwey, we salute you, Charity Diva, sa walang sawa mong pagtulong sa mga maysakit at mga needy ones, as in sa mga poorest of the poor.


Mabuhay ka and may your tribe increase. More power to you!


'Yun lang and I thank you.




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 1, 2024


ree

Yeheyyy, thank God, Jesus Christ, at tipong naka-survive na sa cancer si Fiery Sultry Torch Diva Malu Barry!


As in graduate na siya sa radiation at chemotherapy ng kanyang cervical cancer at masaya niya itong ipinost sa kanyang socmed account with matching dancing pa.


"Tapos na ang radiation and chemo ko last December 27 pa. Okay na ako sa radiation, chemo at brachy scan. Kulang na lang ay Petscan na parang CT scan. Sana, umokey na rin para makapagtrabaho uli sa mga singing shows and concerts, kasi tipong naubos ang pera ko sa pagpapagamot kaya naibenta ko tuloy ang kotse at bahay ko sa Taytay, Rizal.


"Kaya this coming February 28, 2024 ay magkakaroon uli ako ng concert for a cause titled In My Life na ang venue ay sa Pier 1 Music Bar along Roces Avenue, QC. Sana, maraming bumili ng tickets para matulungan nila ako sa pagpapa-CT scan at tuluyan na akong gumaling sa sakit na cervical cancer," ang mahabang pahayag ni MB.


Sana nga, at wish naming gumaling na siya thru the help of our Heavenly Father Lord God Jesus Christ and grant her totally His great miraculous healing power, amen!



ree

Si Charity Diva Token Lizares ay nakalabas na rin ng ospital due to high blood pressure dahil nga buhat nang pandemic ay lagi siyang nagpapa-benefit concert for the sick and the poorer of the poor people sa Bacolod kasama ang mga kaibigan niyang madre na tumutulong din sa mga needy ones.


Meron din silang concert for a cause this coming Feb. 2, Friday, na gaganapin sa Music Museum at ang lahat ng kikitain ay mapupunta rin sa mga needy ones.


And after the said benefit concert ay aasikasuhin naman ni Token ang kanyang acting career na affected much ng nakaraang pandemic at nananawagan siya sa mga TV executives na bigyan siyang muli ng pagkakataon na makapagtrabaho kahit man lang ang role ay tiyahin or any supporting roles.


So, paging GMA-7, ABS-CBN, TV5, NET25, ALLTV and please, bigyan n'yo ng chance  

at kayo naman ang tumulong sa ating tinaguriang Charity Diva, boom ganernn!




ree

Si Deborah Sun naman ay nasa Delos Santos Hospital pa rin at tipong matagal pang gumaling ang mga nabali niyang buto mula mukha hanggang paa nang maaksidente sa isang eksena sa taping ng Batang Quiapo ni Coco Martin.


Nu'ng isang araw lamang ay dinalaw siya ng kaibigan niyang si Ara Mina sa ospital with matching help on the side.


Kaya ang tanging nasabi na lang ni Deborah ay... "Ang bait talaga ni Ara. Lagi siyang 'andiyan para tulungan ako." 


Well, sana all, Ara Mina. 


'Yun na! Insert smiley, ☺!


O, siya… 'yun lang muna and thank you.

 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 28, 2024


ree

Hmmm… mukhang natauhan o baka naman may sumita kay Pokwang (?) kaya kung dati ay para itong tigre o dragon sa kanyang mga hanash sa Instagram posts niya, kahapon ay wari ito maamong tupa na humihingi ng pasensiya sa kanyang mga nasabi laban sa kanyang ex-live-in partner na si Lee O'Brian at maging sa Bureau of Immigration na nadamay sa kanyang galit sa ama ng kanyang anak. 


Ang mahabang post ni Pokwang sa kanyang IG kahapon (published as is)… "Una po sa lahat, nais ko po sanang magpasalamat sa Bureau of Immigration para sa kanilang mabilis at patas na resolusyon sa aking petisyon na maipadeport si William Lee O’Brian.


Masaya ako at ang aking mga anak sa naging desisyon ng BI.


"Sa mga dokumento na dumating sa akin, nalaman ko na naghain ng Motion for Reconsideration si Lee noong December 28, 2023. Buo ang tiwala ko na sa amin pa rin papanig ang hustisya dahil nasa aming panig ang katotohanan.


"Aaminin ko na napakahirap ang pinagdadaanan kong ito - may mga araw na napangungunahan ako ng inis at galit. Frustrated ako dahil gusto ko nang mapaalis si Lee sa ating bansa sa lalong madaling panahon.


"Nalaman ko noong isang araw na nagfile din ng Motion for Voluntary Deportation si Lee noong January 10, 2024. Wala pa kaming kopya nitong Motion na ito.


"Naging mabigat ang aking saloobin mula ng nagkaproblema kami ni Lee, at nagpatuloy pa ito kahit nanalo na kami sa deportation case laban sa kanya. Dahil na din siguro ito sa mga limitasyon ko bilang tao, bilang solo parent na nagtataguyod sa aking pamilya.


Valid man itong aking mga nararamdaman, hindi ito sapat na dahilan para makapagsabi ako ng mga masakit at walang basehan na bagay sa aking kapwa, partikular sa ating mga kasamahan sa BI.


"Humihingi po ako ng dispensa sa lahat, lalo na sa BI na pinamumunuan ni Commissioner Norman Tansingco at kay Secretary Boying Remulla na namamahala sa DOJ. Naniniwala po ako sa proseso ng hustisya sa Pilipinas. Pasensya na po kung sa bugso ng aking damdamin, ay may mga nasasabi akong di kaaya-aya.


"Gusto ko din magpasalamat kay Atty. Rafael Calinisan at sa Calinisan Domino and Beron Law Office para sa kanilang galing at husay sa pag aasikaso ng aking kaso.


Salamat sa pasensya at malasakit ninyo sa akin. Humihingi din ako ng paumanhin sa inyo dahil nailagay ko kayo sa alanganin dahil sa aking mga sinasabi.


"Pang huli, humihingi ako ng paumanhin sa taumbayan kung ako ay naging malupit sa aking mga nabibitawang salita. Patawad po, at sana ay patuloy po ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng inyong pagunawa at panalangin."


Oh, ha?! At least, nagpakumbaba si Pokwang sa kanyang naging pagkakamali nang akusahan niya ang Bureau of Immigration na walang ginagawa at hinahayaan lang ang pananatili sa 'Pinas ng kanyang ex-partner kahit pa nagpetisyon na siyang ipa-deport ito.


Sana naman ay maging lesson kay Pokwang na hindi lahat ng emosyon o nangyayari sa kanyang buhay ay dapat ipino-post sa socmed lalo na kung nakakapanakit na ng ibang tao.


Boom, ganern!

 

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page