ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 24, 2021

Ikinasal na ang aktres na si Melissa Ricks at ang fiancé niyang si Michael Macatangay sa California, USA.
Ngayong Lunes in-upload ni Melissa sa kanyang Instagram account ang ilang larawan at videos na kuha sa kasal nila ng non-showbiz fiancé.
Sa IG Stories ni Melissa, ipinost niya ang video kung saan makikita ang kanyang daliri na may suot na diamond wedding ring na may caption na: “I said yes!”
Sina Melissa at Michael ay na-engaged noong Agosto last year.
