top of page
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | June 02, 2021



ree

COVID survior pala ang aktor na si Cris Villanueva kung saan nakuha niya ang virus nu'ng nakaraang Marso.


'Di matukoy ni Cris kung saan niya ito nakuha dahil maingat at sumusunod naman siya sa mga safety protocols.


Unang sintomas na naramdaman ni Cris ay ang pagtatae, mataas na lagnat na tumagal nang isang linggo, panghihina at pagkawala ng pang-amoy at panlasa.


Halos pa-severe ang tumamang COVID sa aktor, kung saan sa kabila ng pinayuhan na siya ng mga doktor nila na magpadala na sa ospital ay 'di niya ginawa. Ito ay dahil sa takot na baka 'di na siya makabalik sa pamilya katulad ng nangyari sa ibang COVID patients na sumakabilang-buhay.


Ipinagpapasalamat na lang ni Cris na lahat man sila ay nagka-COVID, magkakasama ang buo nilang pamilya na hinarap ang virus at matagumpay nilang nalagpasan.

Mapapanood si Cris sa two-part Father's Day special ng Maalaala Mo Kaya kasama si Maris Racal sa ilalim ng direksiyon ni Direk Jerome Pobocan.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | May 24, 2021



ree

"I was talking with my friends before and I know about the casting long before. Sabi ko nga, kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I'll do it. It'll be nice to work with her again," ito ang naging pahayag ni Piolo Pascual sa nakaraang eksklusibong panayam sa kanya ni Bianca Gonzales sa Cinema News nang tanungin kung tatanggapin niya ba ang husband role sa Pinoy version ng Doctor Foster.


Matatandaang bago pa man ang announcement na sina Jodi Santamaria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez ang napiling gumanap sa role sa Korean drama adaptation, naging matunog ang mga pangalan nina Piolo Pacual at Judy Ann Santos na bagay na bagay sanang gumanap sa papel ng mag-asawa.


Kaya lang, tinanggihan ni Juday ang role dahil hindi raw nito kayang magpaka-daring bilang respeto na rin sa asawang si Ryan Agoncillo.


Huling nagkatambal sa pelikulang Don't Give Up On Us sina Piolo at Juday, at ayon sa aktor, hindi lang malaki ang utang na loob niya sa dating kapareha kundi tagahanga rin siya nito at kung magkakaroon ng proyekto kung saan magkakatambal silang muli ay tatanggapin niya.


Papuri naman ng A-lister actor kina Jodi at Zanjoe, kaibigan niya ang dalawa at naniniwala siya na kayang-kaya ng mga ito ang mga papel na gagampanan.


'Di man aktibo ngayon sa telebisyon si Piolo, kung saan huli siyang napanood sa Sunday Noontime Live ng TV5, siniguro naman ng aktor na hindi niya iniwan ang showbiz. In fact, tatlong pelikula ang natapos niyang gawin.


Una ay ang pelikula na pinagtambalan nila ni Alessandra de Rossi, pangalawa, ang pelikula na idinirek ni Paul Soriano kung saan kasama niya si Jasmine Curtis-Smith, at isa pang pelikula na idinirek ni Brillante Mendoza para sa centennial celebration ng Pilipinas.


Kuwento nga ni Piolo, ang pelikula ang passion at first love niya kaya't ito ang prayoridad niya.


Pero sa ngayon, ini-enjoy niya ang tahimik at pribadong buhay sa Batangas kung saan isa na ring certified plantito ang aktor. Ngayon nga, bago pa magbukang-liwayway ay gising na si Piolo para mag-hiking, mag-alaga ng mga tanim niyang halaman at mag-beach. Pagtungtong naman ng paglubog ng araw ay hinihila na ng antok si Piolo.


Mas tahimik na rin ang buhay niya ngayon dahil iwas na rin siya sa masyadong paggamit ng social media kung saan isa sa mga naging paboritong i-bash ng ilang netizens ang aktor.


Ayon nga kay Piolo, nagso-social media lang siya kung kinakailangan sa trabaho. 'Di na siya nagbabasa ng mga komento mula sa mga netizens dahil para kay Piolo, ayaw niyang saktan ang sarili na baka magbunga pa ng bad vibes sa kanya.


Inilarawan nga ng tv host na si Tito Boy Abunda na "bullet proof" si Piolo dahil sa kabila ng mga intriga at isyung naipukol na sa kanya, nananatili pa rin itong matibay at matatag.


Esplika ng aktor, hindi kasi siya showbiz na tao at hindi niya iniuuwi sa bahay ang kanyang buhay-showbiz. Bukod sa kanila ng anak na si Iñigo, wala nang artista sa pamilya nila at 'di rin siya itinuring na sikat o isang malaking tao ng mga ito.

 
 

EXCHANGE


ni Melba R. Llanera - @Insider | April 14, 2021



ree

Sa eksklusibong panayam ng Cinema News kina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay kinlaro ng hunk actor ang usap-usapan na inalok na rin daw niya sa ibang ex-GF ang engagement ring na ibinigay niya sa fiancée.


Ayon nga kay Derek, natawa at nagtaka siya kung bakit may ganitong balita gayung ngayon pa lang talaga siya nag-propose sa isang babae at nag-alok ng kasal.


Pagbibigay-linaw nga sa amin ng aktor, kung totoo na nag-propose siya sa ibang naging ex-girlfriends niya, malabo na 'di ito mabalita at pag-usapan lalo't bukas naman siya pagdating sa mga naging karelasyon niya.


Pagkukuwento rin sa amin ni Derek, na-stress nga siya nu'ng araw ng proposal dahil nu'ng araw lang din mismo na 'yun dumating ang inorder niyang engagement ring.


Dapat ay sa kaarawan mismo ni Ellen nu'ng April 2 balak gawin ni Derek ang proposal pero nagsalita pala sa kanya ang fiancée na ayaw nitong magselebra ng kaarawan at kadalasan ay nagmumukmok lang ito dahil ka-birthday ni Ellen ang namayapang ama na si Mr. Modesto Adarna.


Dito nataranta ang aktor, pati ang ilan nilang malalapit na kaibigan, kaya binago nila ang original date na April 2 ng engagement proposal at nauwi ng March 30.

Aminado ang aktor na kahit ang kanyang ina na si Mrs. Medy Ramsay ay kinausap sila at sinabihan na masyadong mabilis ang mga nangyari at tinanong nga sila kung napag-isipan ba nila itong mabuti?


Ang ina naman ni Ellen ay nagbiro sa kanya na "No return, no exchange," 'pag pinakasalan na nito ang anak.


Naguguluhan naman si Derek sa mga ipinaparatang sa kanya ng mga bashers at haters na wala siyang balak mag-settle down at gusto lang ay manloko ng mga babae at ngayon naman na sinabi niya na balak na niyang pakasalan si Ellen ay pinaparatangan naman siyang laging nai-in love at gustong laging magpakasal.


Idinepensa rin ng Kapuso hunk actor ang sarili sa sinasabi ng iba na lahat ng naging ex-girlfriends niya ay sinasabihan niya na, "Maybe she's the one," dahil sa bawat nakakarelasyon niya ay iniisip niya na baka ito na ang makatuluyan niya, pero nauuwi sa breakup na mas mabuti na rin kaysa makasal sila at mauwi rin sa hiwalayan.

Sa parte naman ni Ellen ay masaya ito sa nakikitang closeness ni Derek at ng anak na si Elias lalo't ang aktor ang kasa-kasama ng anak sa mga aktibidad gaya ng pagtakbo at ilang sports na 'di niya nakahiligan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page