top of page
Search

ELLEN, TINAWAG NA LAKWATSERA, NAPIKON, RUMESBAK SA NETIZEN

ni Melba R. Llanera - @Insider | September 29, 2020


ree


Hindi pinalagpas ni Ellen Adarna ang isang basher kung saan tinawag siyang lakwatsera o "laagan" sa salitang Bisaya.


Nu'ng September 26 ay nagpunta si Ellen sa isang tagong ilog sa isang bundok kung saan siya naligo. Sa in-upload na video, nilagyan ito ng aktres ng caption na: "Me x10."


Sa comments section ay isang basher ang tumawag na "laagan" o lakwatsera kay Ellen. Nagkomento pareho sa Tagalog at Bisaya, may mensahe itong, "Dalaga ghorl? Ka laagan ba?" (Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman.)

Halatang napikon si Ellen sa naturang basher at sinagot ito nang dalawang beses na pareho ang mensahe. Sinabing 'di niya alam kung paano tatawagin ang basher dahil nalilito siya kung babae ba ito o lalaki. Ayon kay Ellen ay buhay niya 'yun at kahit maging dalaga man o hindi ay nangangailangan ng pahinga o break.


Sa huli ay sinabi pa ni Ellen na huwag ipakita ng basher ang pagiging ignorante nito.

Wala nga namang masama kung nag-i-enjoy man sa buhay niya ang aktres hangga't 'di naman niya napapabayaan ang responsibilidad niya bilang isang ina kay Elias Modesto.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 30, 2020


ree


Eksklusibong nakapanayam ng Cinema News At Home Edition si Joshua Garcia na ipinalabas nu'ng nakaraang Biyernes hosted by Bianca Gonzales at dito'y inamin ng Kapamilya actor na kung may isa siyang tao na gusto niyang makausap na "no holds barred" ngayong lockdown, ito ay si Gerald Anderson.


Ayon kay Joshua, tinext niya si Gerald kung puwede ba silang mag-usap para maayos ang lahat pero hindi pa siya nakatanggap ng reply mula rito.


Paliwanag ni Joshua, ngayong lockdown ay mahirap na may taong 'pinangingilagan' niya lalo na't itinuring niya ito na parang kuya dahil iisa lang ang handler nila at maliit ang mundo ng showbiz at nasa iisang network lang sila.


Tinanong din si Joshua kung ano ba ang isang bagay na pinaka-na-miss niya kay Julia Barretto mula nang mag-break sila, at agad niyang sagot, ito ay ang presensiya sa buhay niya ng ex-girlfriend.


Inamin din niyang iba rin kasi sa pakiramdam na alam mong may kasama ka sa lahat ng bagay lalo't sila na ang magkasama mula nang nagsisimula siya sa showbiz.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page