top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 5, 2024



File photo


Nanumpa ang fashion icon na si Heart Evangelista bilang Pangulo ng Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) nitong Miyerkules ng umaga.


Ginanap ang nasabing seremonya sa gusali ng Senado. Napunta kay Evangelista ang posisyon bilang lider ng organisasyon nang magbitiw si Audrey Tan-Zubiri dahil nawalan ng puwesto ang asawa niyang si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President noong Mayo.


Matapos ang mga pagbabago, agad na nanumpa ang asawa ni Evangelista na si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang ika-25 na Senate President ng Pilipinas.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 24, 2023



ree

Makaaasa ng tulong ang mga miyembro ng media at kanilang kaanak kay ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, kapag sila'y nagkasakit.


Sinabi ni Tulfo sa ginanap na forum ng Manila City Hall Reporters' Association, na nararamdaman niya ang kalagayan ng media.


"Kahit papaano meron naman kaming pondo para du'n, kaya nakahanda kaming tumulong," ayon pa kay Tulfo.


Maaari umanong magsadya sa kanilang tanggapan lalo na 'yung mga may problema sa ospital at gamot.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page