top of page
Search

ni MC - @Sports | July 26, 2022




Nagtala si Filipino pole vaulter EJ Obiena ng bagong personal na best at Asian record tungo sa pagsungkit ng bronze medal sa 2022 World Championships sa Eugene, Oregon kahapon.


Nalundag ng 26-anyos na si Obiena ang 5.94 meters sa final vault ng Hayward Field ang lampasan ang dating record na 5.93 meters na kanyang naitala sa Innsbruck, Austria noong September 2021.


Siya ang unang Pinoy athlete na nagwagi ng medalya sa world championships. Ang six-meter mark ay unang hindi pa naabot ni Obiena, gayunman sa pangatlo niyang pagtatangka ay nalusutan niya ang bar.


Gintong medalya ang napunta kay Swedish superstar Armand Duplantis sa record-setting performance, nalundag ang 6.21 meters sa ikalawang tangka para sa sariling marka.


Silver medal naman ang napunta kay American Chris Nilsen sa mismong kanyang balwarte. Nalundag di niya ang 5.94 meters sa isang tangka pa lamang. Pero si Obiena ay kailangan pa ng ikalawang tangka para maabot ang taas.


Naiselyo ni Obiena ang bronze matapos na mabigo ang kanyang training partner na si Olympic champion Thiago Braz na malundag ang six meters na una at huling attempt sa height. Dalawang beses nabigo si Braz para malundag ang 5.94 meters at naireserba ang huling subok para sa six-meter mark.


May kabuuang 32 pole vaulters ang naglaban sa world championships, kabilang na si dating record holder Renaud Lavillenie ng France na tumapos na katapat sa 5th matapos malundag ang season-best 5.87 meters.


Parehong na-clear nina Obiena at Braz ang 5.87 meters sa unang subok, habang sina Duplantis at Nilsen ay sumablay sa marka sa unang lundag sa bar. Pero nagtagumpay sa sumunod na subok.

 
 

ni MC - @Sports | July 23, 2022




Ready pa rin umanong sumagupa si dating ONE heavyweight champion Brandon “The Truth” Vera kay 2-division MMA champion Reinier “The Dutch Knight” de Ridder.


Sumabak si De Ridder para depensahan ang kanyang middleweight title kontra Vitaly Bigdash ngayong weekend at siya rin ang reigning ONE light heavyweight king.


Pero ayon kay Vera, kailangan umanong umakyat ang Dutch Knight sa heavyweight division kung nais niyang mangyari ang laban. “I am never cutting weight again, but De Ridder, you’re more than welcome to meet me at whatever weight I’m at,” aniya. “I would absolutely love to go with De Ridder, but me cutting weight again, no.”


Huling lumaban si Vera noong Abril 2021 nang humulas sa kanya ang titulo laban kay Arjan Bhullar. Pero bago iyon ay may balita nang aakyat si De Ridder sa heavyweight upang hamumin si Vera.


Sinabi ni Vera handa na uli siyang magbalik-aksiyon. “The downtime has been frustrating to be honest. It’s just been Corona, and then timeout, and then more timeout,” ani Vera.


“Now I’m just waiting. I’ll just have to stay ready. I’m excited to go. Really excited to go.”


Aantabayanan naman ni Vera ang kahihinatnan ng laban ng De Ridder-Bigdash fight. “I see this as if De Ridder stands up with Bigdash, Bigdash is gonna knock him out,” saad ni Vera. “But if De Ridder plays it smart like he has been, he’s going to take it to the ground and finish Bigdash there.”

 
 

ni VA / MC - @Sports | July 22, 2022





Maglalaro na sa national team ang NBA star na si Jordan Clarkson bilang isang naturalized player. Ito ang kinumpirma ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.


“Yes, he has already confirmed his availability,” ani Reyes, na siya ring program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. “We have word that he’s coming,” dagdag pa ni Reyes, na umaasa ring makakapaglaro rin si Clarkson sa FIBA World Cup sa susunod na taon.


Clarkson will be playing as a naturalized player.” Kung sakali, ito na ang ikalawang pagkakataon na maglalaro ang 6-foot-4 na si Clark, ang 2021 Sixth Man of the Year ng National Basketball Association bilang manlalaro ng Utah Jazz kasunod ng paglalaro nya sa Jakarta 2018 Asian Games kung saan tumapos ang Gilas na panglima.


Makakalaban ng Gilas ang Lebanon sa 4th window ng FIBA qualifiers sa Agosto 25 at Saudi Arabia sa Agosto 29. Pagkaraan ng unang tatlong windows ng qualifier, ang Gilas ay may patas na 2-2 rekord.


Samantala, agad na humingi ng paumanhin si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa lahat ng fans matapos ang maagang pag-exit sa 2022 FIBA Asia Cup nang talunin ng Japan sa playoff para sa quarterfinals berth noong Martes ng gabi.


Hindi umubra ang mga Pinoy sa Japan nang matalo sa 102-81 at malagay lang sa Top 8 first time mula 2007, nang magkasya ang national team sa 9th sa torneo.


Iyon ang resulta na hindi nila gusto, kaya pang-unawa na lang ang hinihingi ng Gilas.


"Well, obviously the result is not what we wanted and we're very sorry that we've disappointed a lot of our countrymen, the Filipinos," ani Reyes sa post-game press conference.


Sinabi ni Reyes na pawang mga bata pa ang team at first time naglaro sa FIBA Asia Cup, pero ang karanasan na kanilang sinuong sa torneo ang mga bagay na makatutulong sa kanila para sa progreso ng Gilas kalaunan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page