top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | August 10, 2022




Makaraang hindi maidaos ang event ng dalawang sunod na taon dahil sa pandemya, nagbalik ang Ironman Philippines 70.3 race at idinaos sa Cebu.


Nilahukan ng 2,000 triathletes ang Megaworld Ironman 70.3 Philippines sa Mactan Newtown na isang endurance competition noong Linggo. Pagdating sa dulo, dalawang Pinoy ang naghari sa overall men’s and women’s categories bukod sa nakatiyak na ng slot sa Ironman 70.3 World Championships sa Finland.


Naghari si August Benedicto sa men's race sa oras na 4:29:16 at iwanan ang second-placed na si Mark Jansen ng 7 minuto sa karera. Ikinagalak ni Benedicto na muling makipagkompetensiya mula pa noong huling 2019 niya na event. Nanatili siya sa Europa sa panahon ng pandemya.


"So happy. So good. I'm enjoying. That's why I keep on going back in Cebu. Because the people here are so good and friendly," aniya matapos magwagi sa kompetisyon.


Samantala, 3rd place si John Alcala, nang lampasan ang unang lider na si Satar Salem na naiwan sa 4th. Naging pride din ng Pilipinas si Ines Santiago nang mag-reyna sa women's competition, nakatawid sa finish line matapos ang 5:23:15 sa orasan, halos 10 minuto na nauuna kay kabayan Leyann Ramo.


Ang triathletes mula sa 46 bansa sa mundo na lumahok sa Mactan ay tumahak ng 1.9-km swim, 90-km bike, at 21-km run. Sumabak ng 6.20 a.m. gunstart ang mga kalahok sa Mactan Newtown sa isang beach doon. Pagkaraan ng ulan bago ang kompetisyon, magandang panahon ang bumati sa mga kalahok at tagasuporta.


Isang araw bago ang event noong Linggo, naunang bumanat ang mga kabataang 6-14 taong gulang para sa mas maigsing bersiyon ng Ironman Philippines.

 
 

ni MC - @Sports | August 10, 2022



Maaari lamang maglaro si Utah Jazz star Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas bilang naturalized at hindi lokal na player, ayon sa desisyong inilabas ng FIBA kaugnay sa protestang inihain ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.


Ayon kay spokesperson at executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Sonny Barrios, tinanggap na ng federation ang kapalaran nito patungkol sa dating NBA Sixth Man of the Year awardee. “Hindi na puwede yung lokal. Tinanggap na namin na naturalized ang classification niya sa FIBA,” ani Barrios.


Malungkot ito dahil hangad ng Pilipinas na maging lokal ang Fil-Am gunner matapos ang paulit-ulit na pakiusap at pag-lobby sa FIBA Central Board. “We tried our best. Maraming pagsisikap na makuha ang ating kagustuhan pero gagamitin na natin siyang naturalized. There’s no turning back,” wika ni Barrios.


Magsisimula si Clarkson bilang naturalized player ngayong ika-apat na window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers ngayong Agosto kung saan makakalaban ng Gilas ang Lebanon at Saudi Arabia. “We are playing with the cards that are dealt to us,” sabi ni SBP executive director Sonny Barrios.


Makakasama ni Clarkson ang mga manlalaro ng Japan B.League na sina Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, at Bobby Ray Parks, gayundin sina UP Maroons star Carl Tamayo, Kevin Quiambao ng La Salle at Francis Lopez ng Ateneo sa pool kung saan kasama rin ang mga PBA players. “Gets na natin, tanggap na natin. Kaya nga tayo naman puspusan tayong gagamitin ang kagalingan at karunungan ni Jordan Clarkson the best way we can. We are playing with the cards that are dealt to us. We’ll not sit on our hands at maawa sa ating sarili. Hindi natin nakuha yung ideal, pero we’ll still move forward.”

 
 

ni MC - @Sports | August 9, 2022



Pormal nang pumirma ng kontrata si Kiefer Ravena sa Shiga Lakes upang maging opisyal ang kanyang pagbabalik sa koponan.


Isiniwalat ng koponan na na-formalize ang naturang pagpirma matapos ang isang taong paglalaro ni Kiefer sa Japan. Hindi naman ibinunyag ang nilalaman ng kontrata, ngunit sinabi ng mga source na nag-alok ang panig ng Japan B.League ng tatlong taong deal na tinanggap ng dating Ateneo King Eagle.


Nagpahanga si Ravena sa kanyang unang season kasama ang Shiga, na nag-average ng 13.2 puntos sa 35-percent shooting mula sa ilalim, na may 5.9 assists, 2.5 rebounds, at 1.5 steals sa loob ng 27 minuto sa 56 na laro.


Mabilis siyang napalapit sa Lakes sa kabila ng pagtatapos ng 2021-22 season na may 14-43 win-loss record. “I’m excited to be back and play for you guys once again! This will be a great season for us and I know the boosters will have fun supporting the team this year,” wika nito.


Ginugol ni Ravena ang mga nakaraang buwan sa paglalaro para sa Gilas Pilipinas, na nagsisilbing kapitan ng koponan sa 2022 Fiba Asia Cup kung saan nagtapos ang Pilipinas sa ika-siyam na puwesto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page