top of page
Search

ni MC - @Sports | September 18, 2022



Itatampok ang karanasan sa buhay ng 16 na mixed martial artists na magdadaigan para sa six-figure contract at puwesto sa ONE Championship’s global rosters sa isasaere na ONE Warrior Series: Philippines sa GTV tuwing Linggo ng 9:35 p.m. mula sa Setyembre 18 hanggang Nob. 27.


Inanunsiyo ng ONE Championship isa itong reality competition kung saan ang bawat competitors ay magmumula sa iba't ibang dako ng Pilipinas, kabilang na ang mga national team representatives, international medal winners, at local champions na magsasama-sama sa Team Lakay sa Baguio City.


Ang mga kalahok ay hahatiin sa dalawang teams at sasailalim sila sa mabibigat na training programs para masuri ang kanilang disiplina at katatagan. Pagkaraan ay pipili ang coaches ng dalawang atletang magi-spar sa “Circle Elimination” kung sino ang mananatili at kung sino ang mage-empake.


“We are thrilled to partner with Globe to bring ONE Warrior Series to the Philippines in hopes of finding the next global ONE Championship superstar. This partnership will allow us to showcase the beauty and grit of mixed martial arts as well as the journey each of these warriors will go through while pursuing their dream to our passionate Filipino fan base,” ayon kay Chatri Sityodtong, Chairman at CEO ng One Championship.


“Globe is proud to bring ONE Warrior Series to the Philippines as we embark on the search for our very own Champion Warrior. We hope that ‘ONE Warrior Series: Philippines’ will serve as an inspiration for Filipinos to continue conquering challenges and work toward their goals as they witness the journey of the country’s top MMA warriors throughout the competition. This is aligned with Globe’s goal of seeing Filipinos empowered in life,” pahayag naman ni Ernest Cu, Globe Group President & CEO.

 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 17, 2022



Magtutuos ang dalawang higante na defending champion United City FC at Kaya FC Iloilo sa pagsasara ng Round 1 ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways ngayong Sabado sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite ng 4 p.m.


Layunin ng Kaya na panatilihing perpekto ang kartada sa limang sunod-sunod na panalo para sa 15 puntos at numero uno sa liga. Kasalukuyang pangalawa ang United City na may 10 puntos buhat sa tatlong panalo at isang tabla.


Galing ang United City sa isang 4-2 tagumpay sa Stallion Laguna FC noong nakaraang linggo. Bumuhos agad ng mga goal sina Kenshiro Daniels (10’), Amirbek Juraboev (51’), Ricardo Sendra (63’) at Mark Hartmann (71’) para sa 4-0 lamang subalit binawasan ito ng Stallion salamat kay Jo Warren Bedia (81’) at aksidenteng pagpasok ni Alan Robertson ng bola sa sariling goal (87’).


Bumunot ang Kaya ng liban at mabuti ito upang mapaghandaan ng mabuti ang paghamon sa kampeon. Huling sumalang ang Kaya noong Set. 3 kung saan nanalo sila sa Stallion, 3-0.


Samantala, may dagdag na teams sa torneo ng National Basketball League (NBL) at Women’s National Basketball League (WNBL) ngayong taon. Malugod na ibinalita ng kambal na ligang propesyunal ang pagpasok ng Aclan Group of Companies (AGC). Sa NBL President’s Cup, ang AGC ay may 3 koponan, ang J Paul Oils-Las Pinas Oil Machine, J Aclan Construction-Muntinlupa Constructions at Kingsland Catering-Laguna Kings.


Sa WNBL 2nd Conference, ang Lady APOL o pinaikling “Ang Pilipino Online Lumalaban”.


Pormal na nilagdaan ang kasunduan sa AGC nina AGC CEO John Paul Aclan at NBL Exec.VP Rhose Montreal saksi sina AGC Chief Financial Officer Mary Rose Aclan at Sports Director Jerry Codinera at NBL Commissioner Edward Aquino.

 
 

ni MC - @Sports | September 17, 2022



Napresyuhan ng tumataginting na $10.1 M ang isang jersey na isinuot ng basketball legend na si Michael Jordan noong Game 1 ng 1998 NBA Finals, ayon sa Sotherby.


Ang iconic na pulang Chicago Bulls jersey, na may numerong 23 ni Jordan sa likod, ay nabili sa pinakamataas na halaga sa lahat ng mga memorabilia sa sports na naisuot sa laro, sabi ng auction house, at nagtakda ng bagong record para sa isang basketball jersey sa auction.


Ayon sa Sotherby, ang presyo ng pagkakabili ay dalawang beses na mataas ang presyo kumpara sa may hawak dati ng record at ang jersey ay nakakuha sa loob ng 20 bid.


Tinalo ng Jordan swag ang record na naitala noong Mayo para sa pinakamahal na sports memorabilia na naibenta, na naging jersey ng “Hand of God” ni Diego Maradona.


Ang nakaraang record para sa isang game-worn basketball jersey at may autographed ni Kobe Bryant, na nagsuot nito noong 1996-97. Ang piraso ng NBA memorabilia ay napunta sa $3.7 milyon, ayon sa Sotherby’s.


Pangalawa lamang ang Jordan jersey na isinuot ng bituin sa kanyang anim na kampeonato na ibebenta sa auction. Ito rin ang pinakamahal na item ng Michael Jordan sports memorabilia na naibenta. Ang dating record ay para sa $2.7 milyon, na binanggit ng isang autographed relic card mula 1997-98.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page