top of page
Search

ni MC @Sports | July 21, 2023



ree

Kumpiyansa si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma sa kahandaan ng Pinoy table netters sa pagsabak sa dalawang major international tournaments bunsod na rin ng impresibong kampanya ng Philippine Team sa nakalipas na torneo abroad.

Sasalang ang National Team, binubuo ng mga players na isinabak sa 31st SEAG sa Cambodia nitong Mayo sa prestihiyosong Asian Championship sa Set. 3-10 sa South Korea, habang nakatuon din ang paghahanda ng PTTF sa hosting ng World Junior Championship sa Oktubre sa Puerto Princesa, Palawan. “We’re happy to say that table tennis is getting better and with the recent success of our national team for the past few months sa abroad, Malaki ang impact nito lalo na sa mga kabataan na patuloy na lumalaban para mapalakas ang table tennis,” pahayag ni Ledesma patungkol sa program ng PTTF sa kabila ng kakulangan ng pondo at limitadong tulong pinansiyal mula sa pamahalaan. “Nauunawaan naman namin ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil hindi lang naman kami ang sports na sinusuportahan nila,” aniya sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Conference Room ng PSC sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.


Binanggit din ni Ledesma sa program na itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat na galing sa mga kaibigan, pribadong sector at sariling pera ang gagamitin ng Phl team sa Asian Championship. Pangungunahan ni Kheith Rhynne Cruz, ang No.1 women player sa bansa, ang kampanya sa Korea na target ang medalya na magbibigay sa koponan nang panibagong sigla bago ang World Junior event sa Palawan.

Galing ang 16-anyos na si Cruz sa 2 gold finish sa SEA Youth C'ships sa Brunei at pangunahan ang girls team sa silver medal finish sa team event.

 
 

ni MC @Sports | July 18, 2023



ree

Umalagwa sa huling bahagi ng second-quarter ang girls ng Gilas Pilipinas under-16 team upang agarang magapi ang Iran at tuluyang pumalaot ang Pilipinas sa 83-60 na pagwawagi sa Division B finals ng FIBA U16 Women’s Asian Championship sa City Arena Prince Hamza kahapon ng umaga.

Napigilan ng Filipinas ang mas matatangkad pero wala pang karanasan na Iranians, first-time participant sa torneo na naungusan agad sa 11 points sa second period at manaig sa scoring kontra sa itinuturing na mabigat na katunggali mula sa Middle East sa bisa ng 22-11, at umalagwa pa sa 41-26 lead sa first half.

Nagpakawala agad ang Gilas Pilipinas ng 9-0 start sa third at napinigilan ang Iran nang walang nagawang field goal sa higit 5 minuto at tuluyang mahawakan ng Pinay cagebelles ang tempo.

Sa third quarter, nagpatuloy sa pagbibigay ng pressure ang Gilas nang hindi man lang pinapaiskor ang Iranians sa unang tatlo at kalahating minuto sa bisa ng matitinding depensa.

Pinahirapan ni Allysa Palma sa kanyang interior defense ang katunggali sa bisa ng two blocks sa unang 4 na minutong laro habang ang ibang Filipinas ay pumukol ng 12 na hindi masagot na puntos ng Iran para sa 53-26 lead nang sundan pa ng three-point basket ni Sophia Canindo sa nalalabing 7:02 sa third at hindi na lumingon pa ng Gilas.

Sa pagwalis sa 5 laro sa torneo at itinanghal na kampeon sa Division B, umangat ang Gilas cagebelles sa Division A ng FIBA U16 Asian Championship at magsisimulang makalaro ang top-tier teams simula sa 2025 edition ng tournament.

 
 

ni MC @Sports | July 17, 2023



ree

Nalampasan ng Terrafirma Dyip ang kabuuangpanalo sa buong PBA Season 47 sa pagpapatuloy ng PBA on Tour at sungkitin ang ikaapat na panalo sa iskor na 85-72 laban sa 11-man San Miguel team kagabi sa Filoil Ecooil Centre, San Juan City.


Tanging kabuuang 3 games ang napagwagian ng Dyip noong nakaraang season laban sa 31 na pagkatalo. Ang panalo na rin ang nagpapigil sa three-game losing skid ng Dyip para umangat sa 4-6 sa isang game na lamang ang nalalabi sa kanilang iskedyul.


Namuno si Juami Tiongson para sa Terrafirma na nakagawa ng 15 puntos, six assists at three steals.


Tinapos naman Golden State Warriors ang kanilang trade sa Wizards para kay guard Chris Paul, ipinadala sina forward Patrick Baldwin Jr. at guards Jordan Poole at Ryan Rollins sa Washington kasama ang isang pares ng draft pick.


Makatatanggap ang Wizards ng 2027 second-round selection at 2030 first-round choice, sinabi ng team sa pag-anunsyo ng swap.Pinapirma rin ng Golden State ang beteranong free agent guard na si Cory Joseph.


Isang 12-time All-Star, ang 38-anyos na si Paul ay nakatakdang umakma at mag-pressure sa Splash Brother tandem nina Stephen Curry at Klay Thompson habang nagsusumikap ang Warriors na habulin ang isa pang kampeonato.


Matapos manalo ng titulo noong 2022, natalo ang Golden State sa Western Conference semifinals kay LeBron James at sa Lakers. Naabot ni Draymond Green noong nakaraang linggo ang kasunduan sa isang bagong $100 milyon, apat na taong kontrata. Nakuha ng Washington si Paul mula sa Phoenix Suns noong Hunyo 24.


Nag-average ang point guard ng 13.9 points, 8.9 assists, 4.3 rebounds at 1.54 steals sa loob ng 32.0 minuto habang sinisimulan ang lahat ng 59 laro na nilaro niya para sa Phoenix noong nakaraang season.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page