top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 26, 2024



Photo: Marian Rivera / Home Credit - Instagram


For sure ay maraming hindi maniniwala at magtataas ng kilay sa 10th floor na kahit ang isang Primetime Queen na si Marian Rivera, nangungutang din pala!


But yes, it's true, at 'yan ang inamin ni Marian kahapon sa renewal of contract niya with Home Credit, kung saan pumirma siya ng another 2 years as ambassadress ng country’s leading consumer finance company na nagse-celebrate na ngayon ng 11th year with 11 million customers na rin!


Paliwanag ni Marian kung bakit kailangan pa niyang mangutang sa Home Credit gayung kayang-kaya naman niyang bumili nang cash ng anumang magustuhan niya, "Sabi ko naman, hindi ko ieendorso kung 'di ko nasubukan talaga."


Dagdag pa niya, "Eh, bakit naman hindi? Why not? Paano naman 'yung mga mahal ko sa buhay? Paano nila malalaman na puwedeng gamitin ito kung 'di ko sasabihin at hindi ko susubukan?


"Kung sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko ieendorso si Home Credit. Pero bilang marami akong mahal sa buhay at ine-extend ko 'yan sa inyo, gagawin ko 'yan dahil ang tiwala ko sa Home Credit ay 100%," sagot ni Marian, na kahit ang Chief Marketing Officer na si Ms. Sheila Paul ay napapalakpak sa bilib sa galing magsalita ng aktres.


Biniro namin si Yan kung hanggang magkano ba ang puwedeng i-loan sa Home Credit at puwede kayang ibili ng milyones na bag ng Primetime Queen?


Natawa sina Marian at Ms. Sheila at maging ang HCPH Business Development Officer na si Mr. Zdenek Jankovsky na katabi ng aktres sa mediacon.


Pabirong sagot din ni Ms. Sheila, "Hindi po namin kaya 'yung bag ni Marian Rivera."

Pero ang good news sa paliwanag ng Home Credit Chief Marketing Officer, kahit nagsisimula sa maliit ang puwedeng i-loan, 'pag maganda naman daw ang performance ng nangungutang, puwedeng lumaki nang lumaki ang hinihiram.


Kaya nga ang misis ni Dingdong Dantes, dahil good payer, aba, nakapag-loan pala ng iPad at cellphone para sa kanyang pretty dyunakis na si Zia, bukod pa 'yung mga needs ng mga kasambahay niya, ha?


So bongga naman! 


Basta ang payo lang ni Marian sa mga mahilig mangutang, know your priorities at dapat marunong magbayad para 'di malubog sa utang, 'no?!



Baguhan ang pambato sa Maynila… PBBM, INILAGLAG SINA HONEY, ISKO AT SAM SA 2025 ELECTIONS


Photo: PBBM, Mahra Tamondong, Isko Moreno, Sam Verzosa at Honey Lacuna - FB


NA-MEET namin recently ang isa sa mga aspiring mayors ng Manila na si Super Mahra Tamondong.


Siyempre, ang tanong ng lahat sa kanya, saan siya humuhugot ng lakas ng loob para banggain ang mga big personalities at pader nang sina incumbent Mayor Honey Lacuna, ex-Manila Mayor Isko Moreno, Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa at maging ang magaling at sikat na aktor na si Raymond Bagatsing na pare-parehong naghahangad na mamuno at maging ina/ama ng lungsod.


Sagot ni Super Mahra, hindi raw siya natatakot sa mga babanggain niya dahil naniniwala siyang ang pagtulong niya sa mga senior citizens ang magdadala sa kanya sa pangarap niyang mahalal bilang alkalde.


At sa tanong namin kung may background ba siya sa pulitika or kung nag-aral ba siya ng batas para sa kanyang posisyong inaasinta, ang sagot ng pambato ng KBL (Kapisanan ng Bagong Lipunan), kahit naman daw ang ilang artista at kandidatong tumatakbo, marami ring walang alam sa batas dahil ang mas mahalaga ay ang malasakit nila sa kanilang mga nasasakupan.


At confident si Super Marah na may laban siya dahil dinadala nga raw siya ng partido ni Pangulong Bongbong Marcos.


Hmmm… Bakit nga kaya isang baguhan na never pa namang nahalal sa anumang posisyon sa gobyerno ang sinusuportahan ni PBBM at hindi ang mga kilala nang personalidad na sina Mayor Honey, Isko at Sam?


Well, ang mga taga-Maynila na lang siguro ang makakasagot niyan.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 21, 2024



Photo: Marian Rivera / IG


Sinamahan ni Dingdong Dantes ang asawang si Marian Rivera sa cinema tour to promote Balota sa SM North The Block at SM North IMAX Theater. 


Hindi nasamahan ni Dingdong sa naunang cinema tour schedule si Marian sa ibang mall, kaya bumawi siya sa SM North.


Nagpasalamat si Marian sa love at support ni Dingdong pati na kay Direk Kip Oebanda at sa mga moviegoers.


Sey ni Marian, “Grateful for an amazing day! Huge thanks to everyone who tuned in to Balota. To my husband, your unwavering support means the world to me. Direk Kip, I appreciate your trust and guidance, and to my management @allaccesstoartists.ph. Thank you for making everything possible today! Feeling truly blessed!”


Six malls ang inikot ni Marian noong October 19, at kahit saan siya magpunta, pinagkaguluhan. May nag-chant pa ng pangalan niya at title ng kanyang movie. Makikita rin sa video na lumapit sa mga takilyera si Marian at kinumusta ang ticket sales.


Napapalakpak ito sa sagot ng takilyera na marami ang nanood sa Balota.

Ipinost din ni Marian ang mga reviews ng moviegoers sa Balota, kasunod ang kanyang pasasalamat sa mga nanood at ‘good’ reviews. 


Para sa mga students at teachers, discounted ang tiket, magpakita lang ng valid ID.



BUMISITA si Sen. Bong Revilla sa puntod ng parents niya to share the good news na may doktora na sa pamilya nila. 


Ani Bong, “Daddy and Mommy are so happy in heaven. May apo na silang Doctora.”

Nabanggit ni Bong sa kanyang vlog na dream ng dad niya na magkaroon ng doctor sa kanyang mga anak, hindi lang nangyari. May son-in-law daw na doctor ang dad niya, kaya lang, pumasok din sa pulitika.


Kaya si Loudette Bautista Revilla ang first doctor in the family na ipinagsasaya ng buong pamilya. Kuwento ni Bong, si Loudette mismo ang nagbalita sa kanila na pumasa siya sa 2024 Physician Licensure Board Exams.


Happy din siyempre si Lani Mercado na nag-post ng, “To my youngest daughter, Dra. Dette Bautista, you have worked hard to get to where you are now. Praying that your wishes in life will come true. I love you always, Anak.”


Si Jolo Revilla nga, noong mag-graduate pa lang si Loudette, sinabi nang “I am sure that you are going to become one of the best doctors because this is something you always dreamt of doing.”


Ibang Manila, for sale na…

ROOM NI JED, PUNO NA NG KOLEKSIYON NG LABUBU DOLLS


Jed Madela

SO far, walang tatalo sa dami ng Labubu collection ni Jed Madela. May collection room na nga siya na punumpuno ng iba’t ibang klase at hugis ng Labubu. 


Sabi nito, kailangang i-organize ang collection room niya dahil wala nang space.

Siya ang isa sa mga una naming nakitang celebrities na may Labubu bag charmer sa kanyang bag. Hindi pa man ito masyadong uso, ginagawa na niya. April pa lang this year, may mga Labubu nang nakasabit sa kanyang bag.


Dahil yata sa wala nang space, ipinapa-auction ni Jed ang iba niyang dolls collection. Parang hindi Labubu dolls ang ipinapa-auction niya, na in fairness, ang gaganda rin. 


Ang saya lang na may bagong pinagkakaabalahan at pinagkakagastusan ang mga celebrities. Ang request ng mga fans, magsama-sama ang mga Labubu collectors, ipakita ang kanilang collection para malaman kung sino ang may pinakamarami at kung sino ang kumpleto ang koleksiyon. 


Handang magbayad ng entrance fee ang mga fans para lang matupad ang request nilang collab at display ng mga Labubu dolls.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 13, 2024



Showbiz news
Photo: Gabby Padilla at Marian / IG

Nanginig ang buong katawan ni Gabby Padilla habang paakyat sa entablado para tanggapin ang kanyang Best Actress award sa katatapos na 2024 Cinemalaya Independent Film Festival nitong Linggo nang gabi, Agosto 12, na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay.


Hindi kasi makapaniwala ang isa sa mga bida ng pelikulang Kono Basho na idinirek ni Jaime Pacena II, produced ng Project 8 Projects nina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone, kasama ang Mentorque Productions na pag-aari ni Bryan Diamante na producer din ng Mallari.


Nang makatsikahan si Gabby sa nakaraang Gala Night ng Kono Basho sa Ayala Malls Manila Bay, aniya, hindi niya inaasahang mananalo dahil bukambibig ng karamihan ang Balota ni Marian Rivera, at may nagsabi pang malakas din ang laban ni Mylene Dizon ng The Hearing.


Kaya nga nang kulitin si Gabby sa panayam kung halimbawang magwagi nga siya bilang Best Actress ay napangiti siya at ang sey niya, “If I did, that would be so surreal. If it happens, it would be an award I would share with the whole team because it was something that took a village to build,” sagot ng dalaga.


Dark horse na maituturing si Gabby kung ikukumpara sa mga aktres na nabanggit pero mukhang suwerte ang aktres dahil nagtabla sila ni Marian sa pagka-Best Actress.

Aniya, “Sorry, nanginginig ako, ‘di po ako makapaniwala. Thank you po sa Cinemalaya for giving filmmakers the platform to tell their story every year. Thank you so much! I’d like to thank my director, Direk Jake (Jaime Pacena II), thank you for choosing me. Direk Dan Villegas, ‘pag tumawag ka sa ‘kin, ‘di talaga ako magno-no. Thank you so much.


“I’d like to share this award with the rest of the Kono Basho team, Mentorque, Project 8, the community of Rikuzentakatam, our Japanese crew team. Thank you so much, my co-actor, Arisa Nakano (Japanese actress) who is with us tonight. And I’d like to thank my family, my mother.”

Hindi na kapiling ni Gabby ang ama, kaya inialay niya ito sa kanya.


“This film is about the love of a father and I would like to share this with my own. He is the reason why I’m here tonight, he has taught me to make believe and tell stories, so, I’d like to share this award with him for every hill. I hope you see this and I hope he’s happy, thank you po, thank you so much!” pigil ang luhang sabi ni Gabby.


Samantala, ito ang unang Cinemalaya Best Actress award ni Gabby pero lagi siyang nominado sa mga pelikulang nagawa na niya tulad sa FAMAS 2019 para sa pelikulang Billie & Emma, PMPC Star Awards for Movies 2019 (Billie & Emma), QCinema International Film Festival 2018, at 2024 Gawad Urian (Gitling). Pero nakamit niya ang Best Actress sa Society of Filipino Film Reviewers para sa pelikulang Gitling


Anyway, ang ibang napanalunan ng Kono Basho sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival ay ang Best Director (full-length feature film) - Jaime Pacena II, Best Production Design - Eero Yves Francisco at Best Cinematography - Dan Villegas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page