top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

by MC @Sports News | April 20, 2026



Sina gold medalist 2025 European Junior Cup triathlete Kira Ellis, two-time world jiu-jitsu champion Annie Ramirez at 3x3 World Cup qualifier Mika Cacho na sasabak sa 6th Asian Beach Games sa Sanya, China.

Photo: Sina gold medalist 2025 European Junior Cup triathlete Kira Ellis, two-time world jiu-jitsu champion Annie Ramirez at 3x3 World Cup qualifier Mika Cacho na sasabak sa 6th Asian Beach Games sa Sanya, China. File / Circulated



Kabuuang malalakas na 101-Team Philippines ang magtutungo na sa China ngayong araw ng Lunes, dalawang araw bago ang opening ceremony ng 6th Asian Beach Games na magbabalik matapos na mahinto ng 10-taon na idaraos sa sikat na resort island city ng Sanya.


Naroon sa opening ceremony sa Yasha Park Phase 1 Ring Theater si two-time world jiu-jitsu champion Annie Ramirez upang iwagayway ang bandila ng Pilipinas  sa parada ng mga atleta hanggang sa closing ceremony sa April 30.


Isa sa highlights ng closing ceremony ang susunod na pag-host ng Asian Beach Games sa 2028—Cebu City. “It will be a highly-anticipated event for us as the next host of the Asian Beach Games,” ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na lilipad pa-Sanya sa Martes.  “As host, we also anticipate a successful hosting, showcasing not only our athletes performance, but as importantly as host.”


Sasabak ang Filipino athletes sa 3x3 basketball, open water swimming at water polo, aquathlon, beach athletics, beach handball, beach kabaddi, beach soccer, beach volleyball, beach wrestling, dragon boat, jiu-jitsu, sailing, sport climbing at teqball sa Sanya.


Paboritong magkamedalya bukod kina Ramirez ay sina jujitsu standout, Kaila Napolis at women’s beach volleyball squad ng Thailand Southeast Asian Games gold winner Sunny Villapando na paparehas kina Sofiah Pagara, Khyle Progella at Grydelle Matibag.

Nariyan din sina  basketball 3x3 quartets at triathlon’s Raven Alcoseba at Erika Burgos sa women’s side at ang men’s trio nina Andrew Remolino, Inaki Lorbes at Matthew Hermosa.


Limang ginto ang nakopo ng 'Pinas, 10 silvers at 35 bronzes sa games na sinimulan noong 2008 sa Bali, 2010 games sa Oman, 2012 sa Haiyang (China) at 2014 sa Phuket.

 
 

ni Elysa Nichole @Sports News | April 17, 2026



MPTC Tour of Luzon


Sisibat ang MPTC Tour of Luzon 2026 sa Abril 29 sa Calatagan kung saan buong suporta ang ipagkakaloob ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee (NST-IAC) sa 14-stage race na lalahukan ng local at foreign riders.


“The Philippine Sports Commission [PSC] supports the conduct of the MPTC Tour of Luzon 2026 as an activity aligned with the objectives of the NST-IAC,” saad ni Patrick “Pató” Gregorio, na chairman ng PSC at ng NST-IAC.


The PSC likewise recognizes the significance of the event in providing opportunities for athlete participation and in contributing to the continued development of Philippine sports,” dagdag ni Gregorio.


Nagbabalik ang Tour of Luzon sa pangalawang sunod na taon sa ilalim ng slogan na “A Heritage in Motion”, ang Grand Depart sa Stage 1 sa alas-8 ng umaga ay sa CaSoBe, Calatagan at magtatapos sa Tagaytay City sa lugar na pag-aabangan ni PhilCycling at Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino para i-welcome ang mga siklista.


Tinatayang may anim na foreign teams ang nagkumpirma ng paglahok ayon sa Tour’s Chief Organizer at CEO Arrey Perez, siyam na local teams—UCI continental at club ang magtatagisan ng bilis sa pagpadyak para masilo ang individual prize na P1-M habang P2-M sa team mula sa total prize pot na P12-M.


“To this end, the participation of qualified athletes and personnel is strongly encouraged,” ani Gregorio.

Tatlo pang overseas squads ang nais sumali sa karera na suportado ng PSC, MVP Group at title sponsor MPTC at raced sa ilalim ng UCI regulations at national federation PhilCyling.


Bakbakan ang mga siklista sa Stage 2 sa team time trial mula Clark Parade Grounds hanggang New Clark City, ang Stage 3 ay sa New Clark City hanggang Palayan City, Stage 4, Palayan City - Bayombong, Stage 5, Santiago City - Tuguegarao City, Stage 6, Tuguegarao City - Pagudpud at ang Stage 7 ay Pagudpud-Pagudpud individual time trial (ITT) races.


Magkakaroon ng rest day sa Pagudpud bago lumarga ang Stage 8 at ang final Stage 14 ay mula Lingayen papuntang Scout Hill sa John Hay Hotels sa Baguio City.

 
 

by MC @Sports News | March 30, 2026



Manila After Dark

Photo: Eksklusibo sa kababaihan ang After Dark Tour na isang global race series na gaganapin sa isang gabing serye bago lumubog ang araw na kauna-unahan sa Manila. (adtfbpix)



Kababaihan muli ang bibida sa After Dark Tour -isang global race series na dinisenyo para mga mananakbong babae, matutukan sa kanilang sport, kultura at kinabibilangang komunidad na pag-iisahin ganapin sa isang gabing serye bago lumubog ang araw. 


Sa unang pagkakataon, idaraos ito sa Manila bukod sa 7 siyudad na kabilang sa global tour, tulad ng London, Los Angeles, Mexico City, Mumbai, Shanghai at Sydney. Tampok sa  Manila leg ang 10K race, imbitado ang kababaihang mananakbo sa anumang estado at abilidad na subukin ang sarili.


Nagbalik ang Nike After Dark Tour ngayong 2026 para sa bagong ipakikitang karanasan ng mga runners sa pitong pangunahing siyudad sa mundo, kung saan sa Shanghai ay may 10km, Sydney ay half marathon, Mexico City ay half marathon, London ay 10km, Los Angeles half marathon, Manila 10km at sa Mumbai ay 10km. 


Inilaan para sa kababaihan, ang running tour ay may distansiyang 10km at half marathon o 21km na pagpipilian para masubukan ang kakayahan, potensiyal at lakas sa naturang distansiya.


Umakit ang mga naturang distansiya ng mahigit 50,000 kababaihan sa kabuuang 7 karera sa limang kontinente. Isa sa tatlong kalahok ay pawang first-time racers at halos kalahati ay nagparehistro lamang para maranasan ang women races. 


Sa naturan ding tour ay ipakikita ang mga pinakabagong running, training at sportswear innovations ng naturang brand na dinisenyo upang matulungan ang mga kababaihan sa ayos ng kanilang porma, maging komportable at mailabas ang galing sa pagtakbo.   


 
 
RECOMMENDED
bottom of page