top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 3, 2021



Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Sec. Alfonso Cusi si Senator Manny Pacquiao matapos nitong mag-file ng COC sa pagkapangulo sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (Probinsiya Muna Development Initiative).


Oktubre 1 nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Pacquiao para sa kanyang pagktakbo bilang presidente sa 2022 elections, pero sa ilalim ng PROMDI at hindi sa PDP-Laban.


Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang banggaan nina Pacquiao sa paksyon ni Cusi.


Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag ng Cusi-wing, ang pagtakbo ni Pacquiao sa ilalim ng PROMDI ay paglabag sa Section 6, Article III ng Constitution ng kanilang partido.


Nakasaad daw dito na basehan para sa expulsion sa kanilang partido ang paghahain ng COC ng sinuman sa kanilang mga miyembro sa ilalim ng ibang political party.


Para kay Matibag, ang presidential bid ni Pacquiao sa ilalim ng ibang partido ay nagpapatunay lamang nang illegitimacy ng paksyon nito.

 
 

ni Lolet Abania | September 29, 2021



Opisyal nang idineklara ni Senador Manny Pacquiao ang pagreretiro nito sa boksing. “To the greatest fans and the greatest sport in the world, thank you! Thank you for all the wonderful memories,” ani ng eight-division world champion sa kanyang post sa Twitter ngayong Miyerkules.


“This is the hardest decision I’ve ever made, but I’m at peace with it. Chase your dreams, work hard, and watch what happens. Goodbye boxing,” sabi pa ng 42-anyos na si Pacquiao. Tumagal ng 26 taon sa boksing si Pacquiao, kung saan nakapagtala ng record na 62-8-2 (has a win-draw-loss).


Sa 62 panalo, 39 dito ay nakamit niya via knockout. Ang huling nakalaban ni Pacquiao ay si Yordenis Ugas ng Cuba nitong Agosto, subalit natalo siya rito.


Una nang binanggit ng Pambansang Kamao na pinag-iisipan niya kung ipagpapatuloy pa niya ang pagboboksing o tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.


Kabilang sa mga tinalo ni Pacquiao ay mga tanyag na boxing legends gaya nina Juan Manuel Marquez, Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Antonio Margarito at Oscar DeLa Hoya.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 21, 2021



Marami ang nasorpresa sa biglaang pagge-guest ng matapang na newscaster na si Raffy Tulfo sa Kapamilya's Sunday noontime variety show na ASAP Natin ‘To last September 19.

Bilang guest performer, inawit ni Raffy ang Kung Kailangan Mo Ako kasama sina Nina at Zsa Zsa Padilla.


May mensahe para sa mga manonood at supporters ni Raffy ang kanyang kinanta na tila pahiwatig ng nalalapit na pagsabak niya sa mundo ng pulitika.


Kilalang palaban, walang inuurungan, matapang at walang kinatatakutan ang public image ni Raffy lalo na sa kanyang programa sa TV5 na Raffy In Action, na tumutulong sa mga kababayan nating nagkakaroon ng problema. Kaya naman, nasabi ng isang ASAP mainstay na si Zsa Zsa Padilla na, “Parang may pagka-shy pala kayo dahil kanina pa kami tumitingin para mag-interact sa inyo.”


Overwhelming ang guesting ni Raffy sa ASAP Natin ‘To, kahit halatang kinabahan ito habang titig na titig sa lyrics ng kanta mula sa binabasang teleprompter.


Pagkatapos kumanta, bigla sana itong e-exit sa backstage subalit napigil at hinabol ni Gary Valenciano para hingan ng maikling interbyu with Zsa Zsa.


Dahil sa pagiging visible ni Raffy, marami ang naniniwalang tatakbo talaga ito sa 2022 national elections.


Ang pagsabak ni Raffy sa pulitika ay pinatotohanan naman ng isang insider na nagsabing nakipag-usap na raw si Tulfo sa TV5 management para saglit na iwanan ang tatlo nitong programa — ang newscast na Frontline Pilipinas at ang mga public service programs na Idol in Action at Wanted.


Bawal kasi sa mga tatakbong kandidato ang mag-maintain ng programa habang kasagsagan ng election campaign.


Nakasaad sa Omnibus Election Code of the Philippines ang pagbabawal sa mga kandidatong mapanood sa TV kapag nakapaghain na ng Certificate of Candidacy mula October 1 hanggang October 8, 2021.


Kaya naman, may lumulutang na balitang maaaring si Raffy ang maging bise-presidente ni Senator Manny Pacquiao pagkatapos magdeklara ng kandidatura ng Pambansang Kamao sa ginanap na PDP-Laban meeting nitong nakaraang araw.


Kung hindi magbabago ang plano, malamang na ang pagkandidato sa pagka-senador ang puntiryahin ng popular broadcast journalist. Pero hindi pa ibinabahagi ni Raffy sa publiko ang kanyang mga plano.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page