top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 23, 2022



Inihayag ni Presidential aspirant Manny Pacquiao na mananatili siyang hindi pabor sa same sex marriage, gayunman, mas marami umano siyang supporters ngayon na mula sa LGBT community.


“Marami pong salamat at sa ngayon ay nagkaintindihan na po kaming lahat at, yung paniniwala ko po ay manatili po iyon, ang aking paniniwala sa Panginoon. In fact, mas marami po akong mga supporters ngayon na LGBTQ na sumusuporta sa atin at naniniwala sa atin,” ani Pacquiao sa Jessica Soho’s Presidential Interviews na inere sa GMA-7.


Matatandaang umani ng batikos si Pacquiao matapos nitong ikumpara mga bakla sa hayop noong 2016.


Kasunod nito ay sinabi niyang hindi niya kinokondena ang mga homosexuals dahil wala siyang karapatang manghusga.


Ayon pa kay Pacquiao, na-misquote lamang siya noon.


“Na-misquote lang po talaga ako. Mali lang po yung pagkaintindi sa akin, mahaba po yung explanation ko doon.”


Gayunpaman, sinabi ng boxer-turned-politician na hindi pa rin siya pabor sa same-sex marriage.


“Hindi po ako pabor diyan,” pahayag ni Pacquiao sa same-sex marriage. “Sa paniniwala natin, sa faith natin sa Panginoon, kailangan doon tayo sa gusto ng Panginoon.”

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 17, 2021



Tinawag ni Sen. Manny Pacquiao ang atensiyon ng co-presidentiables sa pamamagitan ng social media post na sila ay magkaisa at isantabi ang pulitika para matulungan ang mga kababayang nasalanta ng bagyong Odette.


Sa kanyang post ay binanggit niya sina Vice President Leni Robredo, former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, at labor leader Leody de Guzman para pagsama-samahin ang kanilang resources at tulungan ang mga apektadong lugar sa bansa bunsod ng bagyo.


“Magsama-sama tayo upang tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Now is the time to come together as one. Tulungan natin sila,” pahayag ni Pacquiao.


Ipinost din ito ni Sen. Manny sa kanyang Twitter account kung saan sumagot si Robredo.

“Joining you in this call, Sen. Manny,” tweet ni Robredo.


“Thank you VP Leni. Let's begin coordinating our efforts, we already prepared cargo planes so we can mobilize and respond quickly,” sagot ni Pacquiao sa bise president.


Sa isang press briefing, sinabi ni de Guzman na ang pahayag ni Pacquiao ay "timely," at handa umano ang kanyang team na tumulong sa pagpapamahagi ng assistance sa mga biktima ng bagyo. Hiniling din nito sa mga may kakayahan na mag-donate financially para makatulong.


"Yung mga may bilyun-bilyon, may P3-5 billion na uubusin sa eleksyon, baka maganda kalahati niyan ibigay muna sa mga taga-Mindanao dahil nangangailangan sila doon," ani Ka Leody.


"Sa katulad ko... naghahanda yung aming organisasyon para maging makinarya sa distribusyon o kailan magbibigay... yun ang aming kontribusyon,” dagdag pa nito.


Marami pa ring lugar ang kasalukuyang binabayo ng bagyong Odette at marami na ring panawagan na tulong dahil sa iniwang pinsala ng bagyo.

 
 

ni Lolet Abania | November 23, 2021



Dalawang beses ngayong taon si Senador Manny Pacquiao na lumabas na negatibo sa test sa paggamit ng cocaine at methamphetamine matapos na sumailalim sa anti-dope tests mula sa Voluntary Anti-Doping Association (VADA), ayon sa kampo ng senador ngayong Martes.


Sa isang pahayag, ibinulgar ni Pacquiao na isa ring presidential aspirant, ang kanyang drug test results na may petsang Hulyo 28, 2021 at Setyembre 8, 2021.


Aniya, ito ay isinagawa bago pa ang kanyang laban sa Las Vegas kay Youdenis Ugas. “The test covers a wide range of performance enhancing drugs that include anabolic agents like steroids and all stimulants like cocaine and methamphetamine,” ani Pacquiao sa isang press statement.


Ayon kay Pacquiao, nakapaloob sa VADA test ang daan-daang mga ipinagbabawal na substances, kung saan mas malawak ito kumpara sa aniya, “ordinary drug tests in the Philippines.”


Paliwanag ng Filipino boxing legend na ang mga atleta ay required na kumuha ng anti-doping tests bago pa lumaban sa anumang international competition.


Una nang naiulat na sumailalim sa voluntary drug testing nitong Lunes sina presidential aspirant Senador Panfilo Lacson at kanyang running mate Senate President Vicente Sotto III sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ipinakita sa publiko ang kanilang negative results.


Isa pang presidential bet na si dating Senador Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos Jr. ang sumailalim sa isang cocaine test na nakakuha rin ng negatibong resulta.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page