top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 19, 2022


ree

Kung mananalong pangulo sa May 9 elections, ipag-uutos umano ni Sen. Manny Pacquiao sa kongreso na gumawa ng batas na nagpaparusa sa mga loan sharks na involved sa “5-6” money lending scheme.


Inilarawan ni Pacquiao ang mga pautangan bilang hindi makatao dahil itinutulak pa raw nito ang mga tao na lalong maghirap dahil sa mataas na interes.


“‘Yung 5-6 na nagpapautang, hindi ‘yan makatao. Hindi ‘yan makatarungan. Talagang lalong dinidiin ‘yung mahirap,” ani Pacquiao sa isang interview.


“Pag-aralan nating mabuti kasi hindi naman tayo gagawa ng batas niyan, i-request lang natin sa Congress para gawan natin ng paraan,” dagdag niya.


Bukod sa pagpaparusa sa mga loan sharks, sinabi rin ni Pacquiao na sakaling siya ang maging pangulo ay maglalaan siya ng pondo sa loan para sa mga maliliit nanegosyo na walang interes.


“Ibabalik lang nila puhunan kapag lumago na ‘yung negosyo nila,” aniya pa.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 15, 2022


ree

Naniniwala umano si Presidential candidate Manny Pacquiao na susuportaban siya ng Christian community maliban sa El Shaddai, kung saan inanunsiyo ng namumuno rito na si Ferdinand Marcos Jr. ang susuportahan nila.


“El Shaddai lang naman pero ‘yung ibang mga Christian community, naniniwala ako na suportado nila ako. Nagkaisa sila,” ani Pacquiao sa isang interview.


Noong Sabado, February 12, inendorso ng Catholic charismatic group na El Shaddai si Marcos Jr. sa pagka-pangulo habang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio naman sa pagka-bise presidente.


Tuwing eleksiyon, hinahangad ng mga pulitiko ang suporta ng El Shaddai dahil bumoboto ang mga ito ng iisang kandidato base sa endorsement.


Noong 2016, inendorso rin ng El Shaddai si Marcos Jr. sa pagka-bise presidente, at si former VP Jejomar Binay naman sa pagka-pangulo. Parehong nabigo sina Marcos Jr. at Binay.


Noong 2021, kumalas ang El Shaddai kay House Deputy Speaker Lito Atienza, ang running mate ni Pacquiao.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 30, 2022


ree

Sinagot ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ang tanong hinggil sa dahilan kung bakit siya ang top absentee sa House of Representative.


Sinabi ni Pacquiao, na dating representative ng lone district ng Sarangani, na pinili niyang manatili sa kanyang distrito para i-monitor ang “Pacman Village” na kanyang ipinagawa para magbigay ng libreng pabahay sa kanyang mga nasasakupan.


“Ang binabasehan nilang absent ako noong panahon ng congressman ako, kasi po sa kadahilanan na congressman ako, ay tinatamad ako doon sa Kongreso,” ani Pacquiao sa DZRH’s Presidential Job Interview.


“Dahil kapag privilege speech ng isang congressman ng isang probinsya, matagal, mahaba, and then wala naman ako pakialam doon sa kanyang issue ng kanyang probinsya, distrito niya. Minabuti ko doon ako nanatili sa probinsya dahil nagpapagawa ako ng mga Pacman village doon. Doon ako nakatutok, dahil mas mabuti pa tutukan ko ang mga pabahay ko doon noong time na yon, dahil excited ako, masaya yung mga pamilya, bibigyan mo ng sariling tahanan, libre, wala silang binabayaran, nage-enjoy ako,” pahayag pa ni Pacquiao.


Gayunman, sinabi ni Pacquiao na kaunti na lamang ang kanyang naging pagliban sa Senado, at nakapag-file at co-author din umano siya ng 96 bills bilang senador.


Matatandaang sinabi ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang lead convenor ng electoral coalition na 1Sambayan, na kulang sa kakayahang magsilbi sa buong bansa si Pacquiao na makikita sa kanyang mga pagliban sa House of Representatives at ngayon bilang senador.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page