top of page
Search

ni Lolet Abania | December 2, 2020


ree


Para sa mga kostumer ng Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc. asahan ang pagbaba ng mga bayarin sa water bill sa unang tatlong buwan ng 2021, kasabay ng pag-apruba ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng isang quarterly adjustment para sa mga water distribution utilities.


Ngayong Miyerkules, nagpalabas ng anunsiyo ang MWSS Regulatory Office (RO) kung saan inaprubahan ng MWSS Board of Trustees ang rekomendasyong ipatupad sa first quarter ng 2021 ang foreign currency differential adjustment (FCDA) na magiging epektibo sa January 1, 2021, base ito sa naging pagsusuri sa FCDA proposals ng mga concessionaries.


Ang FCDA ay isang mekanismo na responsable sa accounts ng foreign exchange losses o gains na nakukuha mula sa mga loans ng MWSS at mga private sector concessionaires para sa capital expenditures at concession fees.


Ito ay nagsisilbi ring corrective mechanism sa mga nabuo o nagawa ng MWSS upang maiwasan ang under recovery o over recovery dahil sa mga forex movements.


Ang East zone concessionaire na Manila Water ay magpapatupad ng FCDA ng 0.66% para sa 2021 average basic charge ng P28.52 kada cubic meter o P0.19 kada cubic meter.


“This is a downward adjustment of P0.14 per cubic meter from the previous FCDA of P0.33 per cubic meter,” ayon sa pahayag ng MWSS.


Habang ang West zone concessionaire na Maynilad ay magpapatupad naman ng FCDA ng negative 0.39% para sa 2021 sa average basic charge na P36.24 kada cubic meter o -P0.14 kada cubic meter.


“This is also a downward adjustment of P0.05 per cubic meter from the previous FCDA of -P0.09 per cubic meter,” sabi pa ng MWSS.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 1, 2020


ree


Inanunsiyo ng Manila Water na magkakaroon ng pansamantalang water service interruption ang 123 barangay sa Metro Manila simula September 3, 9 PM hanggang Sept. 4, 6 AM dahil sa isasagawang pipe relocation sa Lambingan Bridge, Sta. Ana, Manila.

Saad ng Manila Water, "This will result to temporary water service interruption affecting almost 300,000 population in 79,076 households, commercial and business establishments in 123 barangays in Makati, Mandaluyong, San Juan and Manila.”

Ito ay ang mga sumusunod na barangay:

Manila: Barangays 763, 764, 765, 766, 767, 768, 769, 770, 771, 772, 773, 774, 775, 776, 777, 778, 779, 780, 781, 782, 783, 784, 785, 786, 787, 788, 789, 790, 791, 792, 793, 794, 795, 796, 797, 798, 799, 800, 801, 802, 803, 804, 805, 806, 807, 808, 809, 810, 811, 812, 813, 814, 815, 816, 817, 818, 818-A, 819, 820, 866, 869, 873, 874, 875, 876, 877, 878, 879, 880, 881, 882, 883, 884, 885, 886, 887, 888, 889, 890, 891, 892, 893, 894, 895, 896, 897, 898, 899, 900, 901, 902, 903, 904, at 905;

Makati: Poblacion, Valenzuela, Olympia, Carmona, Kasilawan, Tejeros, at Singkamas;

Mandaluyong: Bagong Silang, Burol, Daang Bakal, Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Harapin Ang Bukas, Hulo, Mabini-J, Rizal, Namayan, New Zaniga, Old Zaniga, Pag-asa, Plainview, Poblacion, San Jose, at Vergara;

San Juan: Addition Hills, Batis, Kabayanan, Maytunas, Santa Lucia at Tibagan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page