top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021


ree

Isinailalim sa national lockdown sa kauna-unahang pagkakataon ang Malaysia dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.


Noong Biyernes, nakapagtala ang Malaysia ng 8,290 bagong kaso ng COVID-19 kaya inianunsiyo ni Prime Minister Muhyiddin Yassin ang total lockdown sa bansa simula sa Martes na inaasahang magtatagal hanggang sa June 14.


Sa naturang lockdown, tanging ang mga essential businesses lamang ang maaaring magsagawa ng operasyon.


Pahayag pa ni Yassin, “The existence of new aggressive variants with a higher and faster infection rate has influenced this decision.


“With the increase in daily cases… capacity in hospitals across the country to treat COVID-19 patients has become more limited.”


Samantala, sa kabuuang bilang ay nakapagtala ang Malaysia ng 549,514 kaso ng COVID-19 at 2,552 bilang ng mga pumanaw.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 25, 2021


ree

Sugatan ang mahigit 200 katao matapos magbanggaan ang 2 metro trains sa isang tunnel sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Lunes.


Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang 9 PM nang magbanggaan ang dalawang nagkasalubong na tren.


Tinatayaang aabot sa 47 katao ang nagtamo ng serious injuries habang 166 naman ang minor injuries, ayon sa opisyal ng pulisya na si Mohamad Zainal Abdullah.


Saad ni Abdullah, “The front of the trains collided, and the impact threw passengers on to the floor, this caused the injuries.”


Ayon sa imbestigasyon, hindi mabilis ang takbo ng dalawang tren — isang 20 kilometers per hour at isang 40 km per hour. Wala rin umanong foul play na naganap at miscommunication ang tinitingnang dahilan ng banggaan.


Samantala, patuloy na pinaiimbestigahan ni Prime Minister Muhyiddin Yassin ang insidente at aniya, “I have instructed the transport minister and (train) operator… to conduct an in-depth probe to find out the cause of the accident.”


 
 

ni Thea Janica Teh | January 9, 2021



ree


Umabot sa 6 ang bilang ng namatay at tinatayang nasa 50,000 katao ang lumikas sa Malaysia matapos bumaha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan, ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes.


Inilarawan ng mga residente ang pagbaha bilang “worst flooding in half century”.


Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad matapos na maraming residente na ang nagreklamo dahil buong linggo na umano silang palabuy-laboy.


"I have lost everything. The water has covered my roof," kuwento ng isang 59-anyos na factory worker na si Tan Kong Leng.


Rumagasa ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan sa kanilang bansa na taun-taon nang nararanasan ng mga residente, ngunit ayon sa mga naapektuhan, mas mataas umano ang pagbaha ngayon kesa nu'ng mga nakaraang taon.


Maraming kalsada, kasama ang main expressway na nagdudugtong sa east coast state ang isinara dahil sa pagbaha.


Ibinahagi ng Social Welfare Department na isa sa mga lubos na naapektuhan ng pagbaha ang lungsod ng Pahang kung saan tinatayang nasa 27,000 katao ang lumikas.


Ayon kay Muhammad Fadzil Wahab, residente ng Mentakab, bumuo na ito kasama ang lokal na pamahalaan ng Mentakab ng sariling patrol units para sa agarang pagresponde.


Aniya, "We scout the entire flooded village at night with our small boats and torch lights. My family members are safe at the evacuation centers."


Samantala, inaasahan ng Malaysia na tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa paglikas ng mga residente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page