top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 16, 2026 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napansin mo ba na hindi naman pala talaga nakakatakot ang mga negatibong balita? Kaya huwag na huwag mong ititigil ang mga plano mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-27-33-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iniingatan ka mismo ng langit upang ang mga hadlang at sagabal sa landas ng iyong buhay ay hindi makaapekto sa mga pagsisikap mong maabot ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-20-24-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Ang mga pagsubok ay para lang panakot sa mga ibon. Kaya anuman ang iyong ginagawa, magpatuloy ka dahil nagpasya na ang langit na ang malalaking suwerte ay ipagkakaloob sa mga matatapang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-21-28-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin kahit pa may pag-aalinlangan ka. Ang mahalaga ay nagawa mo ang mga unang hakbang para sa maunlad na buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-18-22-29-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Madaragdagan ang mga magagandang ideya na pumapasok sa isipan mo. Kaya marami kang puwedeng pagpilian. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-26-31-39-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bago mo simulan ang proyektong gustung-gusto mo, magtanong ka muna sa mga may alam at may karanasan na. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-23-36-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humugot ka ng lakas ng loob at tapang sa mga taong dati nang nagtagumpay. Ito ang sikreto para matalo mo ang napakalakas na puwersang gustong magpabagsak sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-24-28-32-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magplano ka at dapat ang plano mo ay para sa mahabang panahon. Dumating na ang tamang pagkakataon para maiguhit ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-21-27-30-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka! Ito ang susi upang maayos ang gusot. Sa pagpaparaya, tatakbo nang maayos ang mga pangyayari, na para bang wala namang naganap na hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-13-19-25-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang mga payo ng malalapit sa buhay mo. Higit nilang alam kung ano ang makabubuti para sa iyo. Ang tigas ng iyong kalooban ay huwag mo munang pairalin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-17-20-25-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iniisip mo bang lumayo muna? Huwag, dahil ang mas maganda ay bigyan pa ng isa pang pagkakataon na maayos ang mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-16-25-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tinatangay ng malalakas na hangin ang mga nagbabantang problema. Kaya ang mga pangamba mo ay bigla na lang mawawala. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto; 07-10-15-24-28-37.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 15, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 15, 2026 (Biyernes): Hindi ka nila masisisi kung bakit naaakit ka sa magaganda, dahil ang mismong araw na ito ng iyong pagsilang ay nagsasabi na magaganda talaga ang para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagagandahang ideya ang maglalabas-masok sa isip mo. Kahit ano pa ang piliin mo, lakipan mo ito ng kaukulang pagkilos, makakaasa ka na mas gaganda pa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-20-23-28-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang gusto mo, dahil langit mismo ang kukunsinti sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-30-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa masayang pagkilos. Gayunman, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-25-29-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Lumabas ka ng bahay para sumigla ka. Kapag nanatili ka lang sa inyo, hihina ang iyong resistensya. Sa madaling salita, mas maganda kung mamamasyal ka ngayon, lalo na sa mga lugar na malapit sa nature. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-18-26-31-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Problema ang kakaharapin mo kapag nahulog ang loob mo sa mga taong tinutulungan mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-20-26-32-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ang mga mata mo, at ito ay nangangahulugan na makakaramdam ka ng pag-ibig. ‘Di ka inaawat na umibig, pero kilalanin mo muna siya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-22-28-30-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuwertehin ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontrabida sa buhay mo! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-21-27-31-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mas maganda kung marunong kang makinig sa payo ng mga malalapit sa iyo. Higit kaninuman, ang tunay na kaibigan ang lubos na nakakakilala sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-14-25-29-33-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagdamot ang mga bagay na hindi mo na kailangan. Sa araw na ito, susuwertehin ka kapag nagbawas ka ng mga bagay na hindi mo naman napapakinabangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-24-34-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Noon pa man, madalas nangyayari sa iyo na ang mga suwerte’y kusang dumarating sa kapalaran mo. Kaya ‘wag mong kalimutan na magpasalamat sa Diyos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-20-23-32-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiinit na ang panahon, kaya ‘wag kang magtaka kung iinit din ngayon ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-21-26-28-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang nawala sa iyo. Ang harapin mo ay ang mga oportunidad na magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-22-37-39-41.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 14, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2026 (Huwebes): Bilis ang ibinigay na sandata sa iyo mula nang ika’y isilang. Gamitin mo ito upang makamit mo ang iyong layunin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabagal man, pero tiyak naman. Ito ang bawat pagkilos na pinag-aaralan. Ang nakakalimot na mag-analisa sa maaaring mangyari ay mahaharap sa malalaking kabiguan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-20-28-35-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang lumayo pa, dahil ang suwerte mo ay nasa malapit lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-19-21-25-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang gustong maging bida ngayon, pero ikaw ang pinili ng langit dahil sa kakaiba mong galing at husay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-18-26-30-36.


CANCER (June 21-July 22) - Pinipili ang may mabuting kalooban kaysa sa nagkukunwari lamang. Ikaw ay napabilang sa hanay ng nauna. Dahil dito, tiyak na mapipili ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-27-31-34-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang una. Kaya sa madaling salita, may kasunod ka, ngunit maiiwan mo sila nang maiiwan. Gayunman, huwag ka munang magsaya. Ang mahalaga ay manatiling mapagkumbaba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-23-32-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maaga mong makikilala ang hindi naman pala para sa iyo. Baguhin mo ang iyong plano upang makatiyak ka ng isang malaking panalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-16-20-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsaya ka, buksan mo ang pintuan ng pagkakaisa at pakikipagkasundo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-25-29-31-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kaya ka nananalo, dahil sa kabaitan mo. Bilang pasasalamat, muli mong ipakita ang pagiging matulungin at pagmamahal mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-19-26-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagsak ang nasa itaas dahil sa iyo. Matutupad ang kasabihan na, “Ang nagmamataas ay ibinababa at ang nagpapakumbaba ay itinataas.” Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-22-27-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapos na ang sobrang kaba at napalitan na ito ng labis na saya. Ang mensahe at payo para sa iyo ay ihanda mo ang iyong sarili sa marami pang sorpresang ibibigay ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-23-32-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mapapatunayan na ang mga kaaway ay maaari ding maging kaibigan. Ito mismo ang istorya matapos ang madramang pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-24-28-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tinatanggal ang mga taong walang karapatan. Ito ang batas ng kapalaran. Gayunman, hindi ka matatanggal dahil ikaw ay may karapatan. At sa araw na ito, bubuhos ang marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-20-26-39-43.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page