top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 2, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 2, 2025 (Martes): Napakalakas ng iyong damdamin at panggayuma. Ito rin ay nagsasabi na sinumang madikit sa iyo, tiyak na maaakit mo nang husto. Subalit, ang kakaibang katangian ito ay gamitin mo lang sa kabutihan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isip ang paganahin mo at manatili ka sa tuwid na landas ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-18-25-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin mo na ang dapat tapusin, dahil hindi mo puwedeng mapabayaan ang mahahalagang gawain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-24-29-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang takbo ng kapalaran mo dahil makikitang lumalapit ka sa tukso. Dapat mong malaman na ang tukso ay sagabal sa pag-asenso ng isang taong tulad mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-23-31-33.


CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Pasayahin mo ang mga malalapit sa buhay para suwertehin at sumagana ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-19-22-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang. Hindi magandang magluto kapag sobrang lakas ng apoy. Ito ang gawin mong gabay sa buhay mo, hindi lang sa ngayon kundi magpakailanman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-21-27-36-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang problema na hindi mo kayang ayusin. Sapat na ang iyong talino at karanasan upang maresolba ang mga suliranin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-15-28-35-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aayusin ng langit ang mga hindi mo kayang ayusin. Ito ay para patunayan na ikaw ay espesyal sa mata ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-21-30-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Ito ang isang sikreto ng positibong kaisipan na nagsasabing kung ano ang laman ng isip mo, tiyak na magkakatotoo sa reyalidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-12-29-31-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka na, kumbaga makihalubilo ka sa mga pangkaraniwang tao. Mula sa kanila, may matutuklasan kang lihim ng magdadala sa iyo sa maligayang buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-24-34-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magmamadali nang lumapit sa iyo ang mga suwerteng noon mo pa hinihintay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-20-27-34-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nananatili ang hangin sa iisang lugar. Ito ang lihim na dahilan kung bakit madali kang magsawa sa lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-23-28-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pabalik-balik lang ang mga karanasan. Ngayon kayo nakatakdang magkabalikan ng taong dati nang nagbigay sa iyo ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-25-33-36-41.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 1, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2025 (Lunes): Disyembre na at ngayon ang takdang araw para manguna ka. Huwag kang mag-alala, dahil kapalaran mo mismo ang kikilos upang ilagay ka sa unahan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mauubusan ng mga pagkakataon upang mas umangat ang buhay mo. Kahit pa makaranas ka ng panandaliang pag-atras, ipanatag mo pa rin ang iyong loob. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-17-20-23-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa masayahing tao para sumaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-28-31-36-45.


GEMINI (May 21-June 20) -  Nababago ang lagay ng panahon kapag may namumuong bagyo. Ganundin ang iyong karanasan, pero kasabay nito dadagsain ka ng suwerte at pagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-22-35-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka nang kumilos, dahil ang kuwento ng matanda at batang palaka ay nagsasabing ang huling kumilos ay mahimalang nakaligtas sa panganib. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-25-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda ang asa lang nang asa. Kahit sabihin pang hindi ka nauubusan ng pag-asa, sabayan mo pa rin ito ng pagkilos upang magkaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-27-30-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sukatin mo ang kakayahan ng iyong kaharap upang magkaroon ka ng kaalaman at hindi basta-basta mapaniwala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-21-26-36-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang hintayin pa ang kalamidad para lang makatulong sa iyong kapwa. Tandaan mo, mas pinagpapala ang matulungin na hindi na naghihintay kung kailan dapat tumulong. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-25-31-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon ka dapat maging matatag at matibay para mapanatili mo ang magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-19-23-35-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan maluwag, doon ka lumakad. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-16-24-36-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matuto kang humingi ng tulong. Hindi naman masamang humingi ng tulong, basta piliin mo lang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-28-34-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtiwala ka sa kapwa mo, pero mag-ingat ka rin. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-21-26-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang mabuhay kapag madaming kaibigan, pero dapat ‘yung tunay na kaibigan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-23-34-38-43.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 30, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 30, 2025 (Linggo): Habang pinipilit kang pagbasakin ng mga lihim at lantad mong kaaway, mas lalo kang itataas ng iyong kapalaran. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aalalayan ka ng mga malalapit mong kaibigan at aalalayan ka rin ng langit. Kaya walang dahilan para mabigo ka sa mga layunin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilalanin ka sa iyong galing at husay, pero ang nakapagtataka, wala ka namang tiwala sa iyong sarili. Kaya kung magtitiwala ka sa sarili mo, tiyak na malayo ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-25-28-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Puwede kang malunod sa saya, kumbaga madami kang magagastos dahil lang sa iyong pagsasaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-13-16-32-36.


CANCER (June 21-July 22) - Kahit hindi gaanong bilib sa iyo ang isang tao, susunod pa rin siya sa mga kagustuhan mo. Ito ay dahil sa katotohanang sa mga araw na ito, mas aangat ka kesa sa iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-18-22-38-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang suwertehin? Puwes, pasayahin mo ang hindi mo kakilala. Hindi naman kailangang gumastos ka pa ng malaki. Simpleng saya lang, puwede na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-19-21-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap sa utak mo ang kakaibang pormula ng pagpapayaman. Pero mahina ang loob mo, kaya ang payo ay ipahiram mo muna ito sa iba. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-12-26-33-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Minsan, nakatutuwa ang buhay sa mundo. Tulad ngayon, kahit pa layuan mo ang isang tao, hindi pa rin siya hihinto sa pagbibigay sa iyo ng mga magagandang bagay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-6-18-20-25-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka ng iyong tahanan, pero ang utos na ito ay hindi simpleng bagay dahil ang tahanan na tinutukoy ay ang sarili mo. Kumbaga, lumabas ka na sa iyong comfort zone. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-24-32-35-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka pa nakakalimutan ng isang minsan nang tumulong sa iyo, na akala mo’y hindi ka na maalala. Ang nakatutuwa, puwede kang lumapit sa kanya at makakaasa ka, doble at mas madami pa ang itutulong niya sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-21-28-30-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang katuparan ng malalaking ambisyon mo sa buhay. Ang kailangan lang ay alerto ka at sunggaban mo agad kapag nasa harapan mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-16-27-33-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo na lang pansinin ang mga nanggugulo upang ‘di na lumaki ang iyong problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-28-30-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at mas lalo kang susuwertehin lalo na kung magsasaya ka. Kaya huwag mo nang bigyan ng halaga ang mga kabiguan at negatibong pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-18-20-26-34.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page