top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 13, 2024



Showbiz Photo

Nag-takeover si Jessy Mendiola sa YouTube channel ng asawang si Luis Manzano para sa Father's Day special ng ‘Luis Listens’ at upang ipakita ang sacrifices ng mister para sa kanilang pamilya.


Sa episode na ito ng vlog ni Luis, nausisa ni Jessy kung may advice at kung ano ang natutunan ng mister bilang ama sa anak nilang si Isabella Rose Tawile "Peanut" Manzano. Pagbabahagi naman ni Luis sa mga katulad nilang magulang at provider, “A provider has to do what a provider has to do.”


Ipinakita rin ni Luis ang respeto niya sa ibang mga magulang na kailangang malayo sa kanilang pamilya upang maibigay ang pangangailangan ng mga ito, lalo pa't he's speaking from experience at hati ang oras sa pamilya at trabaho.


Humirit din ng biro si Luis sa vlog at sinabing kung minsan ay nagdududa na siya kung anak niya ba talaga si Peanut dahil sa mga biruan nilang kapitbahay lang siya ng mag-ina. Ngayon daw ay promoted naman na siya dahil hinahanap na rin ni Peanut ang lambing ng kanyang papa.


Nagbigay naman ng mensahe si Jessy para sa mister na tila naging emosyonal pa. Sey kasi ng aktres, nakikita niya ang hardwork ng asawa upang mapunan nito ang kanilang pangangailangan at makapaglaan ng oras sa pamilya at sobrang naa-appreciate niya ito.


Dagdag ni Jessy, si Luis daw ang tipo ng taong hahatiin ang katawan kung pwede para lang magkaroon ng oras sa work at sa kanila ni Peanut.


Pinuri naman ng netizens ang mag-asawa dahil kita kung gaano nila inirerespeto ang kanilang pagsasama. Sey ng madla, mas nakita raw nila ngayong bagay na bagay talaga sina Luis at Jessy dahil mutual na mataas ang tingin nila sa isa't isa.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 5, 2020


ree


Isang noontime show ang pagsasamahan ng mag-BFF na sina Luis Manzano at Billy Crawford sa TV5. Kaya naman ngayon pa lang, marami na ang nagsasabing labanan ito na mala-David at Goliath.


Isa nang institusyon ang Eat… Bulaga! na 41 yrs. nang umeere at hindi kayang ibagsak at talunin ng anumang tatapat na noontime show. Subok na ang katatagan ng EB! na may malawak na viewers. Bigatin ang mga hosts ng show na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Pia Guanio, kasama pa ang tambalang AlDub.


So, ano ang puwedeng i-offer ng tandem nina Luis at Billy upang pag-interesang panoorin ang kanilang noontime show sa TV5?


Well, si Manzano, tiyak na hindi kabado sa magaganap na tapatan at kompetisyon. Napaka-cool ni Luis at handang harapin ang bagong hamon sa kanyang pagiging host. Challenge ito sa kanyang kakayahan na handa niyang harapin.

Hindi naman kine-claim ni Manzano na kaya nila ni Billy na pataubin ang Eat… Bulaga!. Ang importante ay patunayan na hindi nagkamali ang mga big bosses ng TV5 sa pagkuha sa kanila.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 30, 2020


ree


Sa latest vlog nila ng nobyong si Luis Manzano, umamin si Jessy Mendiola na may ilang guys siyang pina-follow sa Instagram. At may mga crushes pa rin siya kahit na four years na ang relasyon nila ni Luis.


Inamin din niya sa nobyo na dati, ang type niyang lalaki ay moreno na tulad ni Jericho Rosales. Para kay Jessy, si Echo ang sexiest actor sa showbiz.


Wala namang selos factor kay Luis sa pagpapakatotoo ng kanyang GF. Ganu'n kalaki ang tiwala niya kay Jessy.


Pansin naman ng ilang netizens, nagkaroon ng kakaibang aura si Jessy nang maging nobyo si Luis. Biglang-sikat ito at pinag-usapan ng lahat. Nagkaroon din siya ng mga shows dati sa ABS-CBN.


Ngayong off the air na ang Kapamilya Network, napunta si Jessy sa TV5. Binigyan siya ng sarili niyang show, ang Fit For Life na napapanood tuwing araw ng Linggo, 7 AM.


Pinaghandaan nang husto ang Fit For Life. Kinarir nang husto ni Jessy upang ma-achieve ang healthy body and mind. At habang nagho-host siya ay marami rin siyang kaalamang natututunan. Bagong hamon ito sa kanyang kakayahan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page