top of page
Search

ni Jeff Tumbado | March 15, 2023



ree

Inilunsad ngayong araw ng Land Transportation Office (LTO) ang “Isumbong Mo Kay Chief” QR code, isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit lang ang cellphone.


Pinangunahan ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagpapaskil ng “Isumbong Mo Kay Chief” QR code sticker sa Licensing Section ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, isa sa mga mataong lugar sa ahensya.


Nakapaskil na rin sa LTO district at regional offices sa buong bansa ang nasabing QR code sticker.


Sakaling may reklamo o suhestiyon, kailangan lamang na i-scan ang QR code gamit ang cellphone. Mula rito ay lalabas ang isang survey form kung saan ilalagay ang mga detalye ng reklamo o suhestiyon na direktang mababasa ng mismong LTO Chief at maipaparating din sa mga hepe ng iba’t ibang distrito ng ahensya.


May opsyon din sa survey form hinggil sa kung ano ang pakay ng reklamo tulad ng mabagal na serbisyo, masungit na empleyado, hindi maayos na lugar ng LTO office, o may presensya ng mga fixer.


 
 

ni V. Reyes | March 12, 2023



ree

Nakatakdang maglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng pamantayan ng presyo ng enrollment fees sa driving schools ngayong buwan sa gitna ng mga reklamo na malaki ang gastusin sa pagkuha ng lisensya ng pagmamaneho.


Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Arturo Jay Art Tugade, posibleng mangalahati na lang ang halaga ng driving school fees.


“A few days ago nag-meeting kami noong committee na finorm natin at mayroon na silang na-prepare na reasonable standard rate fees that I plan to rollout dito sa mga driving schools,” ayon kay Tugade.


“Iyong fee po na iyon, doon sa mga nanonood naman na mga driving schools, we don’t intend to fix the fee pero we will impose a ceiling on the fees that the driving schools will be able to charge,” dagdag nito.


Kasabay nito ay naninindigan si Tugade na maituturing na anti-poor ang kanilang itatakdang standard na enrollment rates ng driving schools.


“Pero hindi po matatapos iyong month of March, magkakaroon na po iyan ng order from our office. At before the end of March, malaki po ang ginhawa at tulong na sana ang maibigay po ng LTO doon sa mga student driver applicants natin,” ayon pa sa opisyal.


Sa ngayon ay nasa P100 ang application fee ng student permit at karagdagang P150 para sa mismong student permit fee.


Kung nais naman na makakuha ng non-professional license ay nasa P100 ang processing fee at P585 para sa mismong lisensya.


“Iyong cost po na iyon ay napupunta po sa LTO pero it’s really to also shoulder the cost of the plastic cards, pati na rin po iyong administrative expense na kasama doon sa pag-issue noong driver’s license,” paliwanag ni Tugade.


 
 

ni Jeff Tumbado | January 31, 2023


ree

Target ng Land Transportation Office (LTO) na gawing automated o digital na ang paniniket ng lahat ng law enforcers nito sa buong bansa simula sa susunod na linggo.


Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, na ipatupad ang digitalization sa ahensya.


Ayon kay LTO Chief Assistant Sec. Jay Art Tugade, ipamamahagi na sa mga law enforcer ng ahensya ang Law Enforcement Handheld Mobile Device na gagamitin para sa pagbibigay ng electronic Temporary Operators’ Permit (e-TOP).


Ibig sabihin, hindi na gagamit ng manual na TOP na karaniwang ibinibigay sa mga indibidwal na may paglabag sa batas-trapiko.


Dagdag ng LTO Chief, ang mga paglabag sa batastrapiko na ipapasok sa mga handheld device ay hindi na maaaring baguhin pa.


Sa pamamagitan ng digital na paniniket, maiiwasan din umano ang kotong.


Sakali namang maisapinal na ng LTO ang cashless payment feature ng mga law enforcement handheld mobile device, pupuwede nang makapagbayad ng multa gamit

ang credit card o load wallets ang mga may traffic violation.


Ang mga law enforcement handheld mobile device ay mayroong camera at fingerprint scanner para magamit ng mga LTO traffic enforcer sa pagberipika kung peke o totoo ang ipiniprisintang driver’s license.


Maaari rin nilang gamitin ang camera bilang face recognition scannerMayroon ding dalawang mobile data SIM cards ang nasabing aparato upang magkaroon ng internet connectivity at makapagpadala ng datos sa LTO online system.


Gayunman, kahit walang mobile connectivity o offline, makakapagbigay pa rin ito ng

traffic violation ticket.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page