top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 1, 2021


ree


Ipatutupad na ang Car Seat Law o ang pagbabawal sa mga 12-anyos pababa na umupo sa front seats ng mga pampribadong sasakyan simula bukas, February 2 at sa halip ay pauupuin ang mga ito sa child restraint systems (CRS) bilang bahagi ng Child Safety in Motor Vehicles Act.


Pahayag ni Land Transportation Office (LTO) Law Enforcement Service Deputy Director Robert Valera,


"Child restraints in cars are intended to keep a child firmly secured in their seats so that in case of sudden braking or collision, the child would not be fatally thrown away against the car interior or ejected from the vehicle.”


Sa ilalim ng implementing rules and regulations, ang mga drivers na lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang paglabag; P2,000 sa ikalawang paglabag; at P3,000 at one-year suspension ng driver’s license para sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.


Samantala, nilinaw ni Valera na makakatanggap lamang ng warning at hindi pa huhulihin ang mga lalabag sa naturang batas sa loob ng 3 buwan.


Aniya, "The enforcement is not only about apprehension. It also covers information dissemination as well as warning. Instead of issuing initially a TOP (temporary operator's permit) or a show cause order, we will be on the warning mode as well as information dissemination.”


 
 

ni Lolet Abania | August 29, 2020


ree


Sinimulan na ang distribusyon ng mga bagong plaka o registered plates ng mga motorsiklo sa National Capital Region (NCR), ayon sa Land Transportation Office (LTO).


Samantala nitong August 24, ayon sa LTO-NCR may kabuuang backlog na 1,386,895 na motorcycle plates. Sa nasabing backlog, 235,262 motorcycle registration ay isinumite na sa Central Office Plate Manufacturing Plant (CO-PMP) para sa plate production na cover ng CY 2018 motorcycle registration.


Gayundin, napalitan ang disenyo nito kung saan madaling mababasa at makikita ang numero ng plaka kahit pa malayo.


Gayunman, wala pang ipatutupad na paghuli sakaling hindi pa nakuha ang bago at enchanced number plates para sa motorcycles, ayon sa LTO.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page