top of page
Search

ni Lolet Abania | September 22, 2021




Nakubra na ang mahigit sa P120 milyon ng isang 41-anyos na binata na mula sa Cebu ang kanyang napanalunan mula sa Grand Lotto 6/55 draw na naganap noong Agosto 30, 2021 nang gabi.


Una nang sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang lucky winner ng lotto ay isang government employee na taga-Cebu City.


Tinayaan umano nito sa isang lotto outlet sa Mandaue City ang nanalong numero na 07-13-05-25-28-03 na umabot sa kabuuang premyo na P120,063,346.80.


Sinabi ng lucky winner, 13 taon na umano niyang tinatayaan ang kombinasyong numero na pinagsama-samang petsa ng birthday ng kanyang mga magulang at mga kapatid.


Gagamitin umano niya ang napanalunan para patuloy na ipagamot ang ina na na-stroke at pambayad na rin sa kanilang mga utang habang balak din niyang mamuhunan sa Mutual Fund at ilagay ang pera bilang time deposit.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page