top of page
Search

ni Lolet Abania | November 29, 2020




Umabot sa 804 evacuees sa Isabela at Cagayan ang inilikas mula sa kanilang tirahan ngayong Linggo dahil sa panganib ng muling pagbaha sanhi ng malakas na buhos ng ulan, ayon sa ulat ng Philippine National Police Region 2.


Sinabi ni PNP Region 2 Director Police Brig. Gen. Crizaldo Nieves, ang water level ng Cagayan River malapit sa Buntun Bridge ay umabot na sa 8.48 meters, kung saan ito ay nasa Alert Level.


“May mga evacuation ngayon. Ongoing, as of this 5 a.m., may pag-ulan pa rin,” ani Nieves.


“’Yung areas kasi doon, especially 'yung pangsukat natin doon sa level ng baha sa Buntun Bridge, as of 5 a.m., is 8.48 meters,” dagdag pa niya.


Ayon pa kay Nieves, tinatayang nasa 62 pamilya o 236 indibidwal ang inilikas sa Cagayan.


Sa Isabela naman, tinatayang nasa 138 pamilya o 422 evacuees ay nagmula sa Cabatauan, habang 65 pamilya o 158 indibidwal ang inilikas sa Alicia, ayon pa kay Nieves.

 
 

ni Lolet Abania | November 27, 2020




Dumating ang bagong Japanese ambassador to the Philippines na dala ang mithiing mapaigting ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.


Sa isang pahayag ng Embahada ng Japan, si Ambassador-designate Koshikawa Kazuhiko ay dumating sa Manila kahapon, November 26.


"It is my great honor and privilege to be appointed Ambassador of Japan to the Philippines," sabi ni Koshikawa na dating Japan's ambassador to Spain noong 2014 hanggang 2016 at Angola noong 2008 hanggang 2011.


"The relationship between our two countries is a shining example of cooperation and mutual understanding that our forebears have nurtured," ani Koshikawa. "I am delighted to have this opportunity to scale new heights of the bilateral relations and forge even closer friendship."


Bukod sa kanyang pagseserbisyo sa Spain at Angola, nagsilbi rin si Koshikawa bilang Executive Senior Vice President ng Japan International Cooperation Agency (JICA).


"As my diplomatic mission here in the Philippines begins, I shall exert every possible effort to further galvanize the foundations that make our bilateral ties special," ani Ambassador.


"I look forward to working with the people of the Philippines in realizing my commitments," dagdag niya.

 
 

ni Lolet Abania | November 26, 2020




Walang estudyante ng University of the Philippines (UP) ang makatatanggap ng bagsak na grado ngayong semester, ayon sa Office of the Student Regent (OSR) ng unibersidad.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ng OSR ngayong Huwebes na ang UP ay magpapatupad ng no-fail-policy o wala ni isang estudyante ang magkakaroon ng grade na "4" o "5".


Gayunman, maglalabas pa rin ng guidelines ang Office of the Vice-President for Academic Affairs.


"This is an initial victory for the UP student body as we continuously fight for the most inclusive and compassionate solutions for our education! UP, pakinggan ang UP community!" ani OSR sa isang tweet.


Ito ang nabuong desisyon ng UP authorities sa gitna ng panawagan sa kanila na tapusin na ang kasalukuyang semester at ipasa ang lahat ng estudyante matapos ang sunud-sunod na bagyong nanalasa sa bansa na lalong nagpahirap sa ipinatutupad na distance learning dulot ng COVID-19 pandemic.


Mahigit sa 15,000 katao, kabilang ang 300 faculty members at higit sa 200 student organizations ang pumirma sa petisyon na pinangunahan ng student councils at mga kapanalig ng UP units, ayon sa OSR.


Nagsagawa naman ng hiwalay na signature drive ang UP Baguio, Diliman, Los Baños, Manila CAS, Visayas, Mindanao, at Open University.


Ayon sa Rise for Education Alliance (REA) ng UP Diliman, ang mga isyu sa remote learning ay natalakay nang husto dahil sa matinding problemang idinulot dito ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Luzon.


"Due to the onslaught of consecutive typhoons, more members of the UP community suffer from further inaccessibility to resources such as internet connectivity and learning devices, with some students being gravely affected by the disaster," ayon sa REA.


"Amidst all of these, students are still obligated to worry about their academic deadlines instead of focusing solely on recovering from the repercussions that the recent calamities have caused, which were amplified due to the government’s negligence," dagdag ng alliance.


Gayundin, hinimok ng nasabing alliance ang pamunuan ng unibersidad na magbigay ng grade na “P” o pass para sa lahat ng naka-enroll na undergraduate at graduate students ng kasalukuyang semester.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page