top of page
Search

ni Lolet Abania | July 12, 2022


ree


Napili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Ito ang inanunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ngayong Martes.


“The President has nominated Ms. Ma. Antonia ‘Toni’ Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of the required documents,” ani Angeles sa isang statement.


Si Yulo-Loyzaga ay chairperson ng International Advisory Board ng Manila Observatory, kung saan kanyang ikinakampanya ang pagkakaroon ng mas siyentipikong pag-aaral kaugnay sa climate and disaster resilience.


Nagsilbi rin si Yulo-Loyzaga bilang executive director ng Manila Observatory at technical adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.

 
 
  • BULGAR
  • Jul 12, 2022

ni Lolet Abania | July 12, 2022


ree


Patay ang anim na indibidwal matapos na gumuho ang pader sa isang construction site sa Barangay Kaybagal Central, Tagaytay City, nitong Lunes ng gabi.


“As of 12:45 p.m., the last remaining body was already recovered. All accounted na po. Six confirmed dead as per [chief of police of Tagaytay City Police Station],” ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.


Sa naunang radio interview kay Tagaytay City Police chief Police Lieutenant Colonel Norman Rañon, sinabi nitong sa walong biktima, isa na lamang ang kanilang hinahanap.


“Walo kasi lahat ng biktima natin. Tatlo ang na-retrieve na -- dalawa doon ay stable pa ang condition, isa ang dead on arrival sa ospital,” pahayag ni Rañon.


“Sa lima pong natirang ito ay nakita na po namin ang apat na katawan. May isa pang hindi naa-account as of now,” dagdag ng opisyal.


Batay sa police report, bandang alas-6:20 ng gabi nitong Lunes gumuho ang kongkretong pader sa isang construction site.


Ayon pa sa pulisya, ang mga biktima ay nagpapahinga sa barracks ng 3-13 Construction nang biglang gumuho ang concrete fence at sementadong hollow blocks ng Hortaleza Farm dahil na rin sa malakas na pag-ulan at nadaganan sila nito.



 
 

ni Lolet Abania | July 12, 2022


ree


Nakapagtala ng nasa 79 karagdagang kaso ng Omicron subvariants BA.5, BA.2.12.1, at BA.4 ng COVID-19 na na-detect mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa DOH briefing ngayong Martes, ini-report ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga bagong kaso ay naitala mula Hulyo 7 hanggang 11, kung saan 60 cases ng BA.5, 17 cases ng BA.2.12.1, at 2 cases ng BA.4.


Sa bagong BA.5 infections, 58 indibidwal ay mula sa Western Visayas, at tig-isa mula sa Davao Region at Soccsksargen.


Ayon kay Vergeire, umabot na sa kabuuang bilang na 293 ang BA.5 cases na na-detect sa bansa.


Sinabi ng DOH na 43 sa naturang bagong BA.5 cases ay itinuturing na nakarekober na, 14 ang sumasailalim pa sa isolation, habang ang kondisyon ng natitirang tatlo ay bineberipika pa.


Isa sa mga kaso ay nakitaan ng mild symptoms habang ang tinatawag na disease severity ng 59 pasyente ay inaalam pa.


Isa sa mga indibidwal ay unvaccinated, habang ang vaccination status ng ibang kaso ay bineberipika pa.


Ang kanilang exposure sa virus at mga travel histories ay hindi pa mabatid.


Sinabi naman ni Vergeire, 6 sa 17 bagong BA.2.12.1 cases ay mula sa Western Visayas, 10 mula sa Davao Region, habang ang isa ay returning overseas Filipino (ROF).


Sa ngayon ani kalihim, may kabuuang 87 kaso ng BA.2.12.1 ang na-detect sa bansa.

Kinokonsidera ang 15 sa mga ito na nakarekober na habang ang 2 iba pa ay nananatili sa isolation.


Dalawa sa mga pasyente ay nakitaan ng mild symptoms, isa ay nakaranas ng severe symptoms, isa ay asymptomatic, habang ang kondisyon ng natitirang 13 ay bineberipika pa.

Ang kanilang exposure sa virus at travel histories ay inaalam pa rin.

Tig-isang kaso naman mula sa Davao Region at Soccsksargen, ang nagpositibo sa test para sa Omicron BA.4 subvariant ng COVID-19.


Dahil dito, umabot na sa kabuuang bilang na 12 ang BA.4 cases sa bansa, base sa latest genome sequencing run.


Ayon pa kay Vergeire, parehong kaso ay nakitaan ng mild symptoms habang itinuturing ang mga ito na nakarekober sa sakit.


Isa sa kanila ay fully vaccinated habang ang isa naman ay unvaccinated.


Ang kanilang exposure sa virus at travel histories ay hindi pa mabatid.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page