top of page
Search

ni Lolet Abania | January 24, 2021




Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo ng pitong volcanic earthquakes mula sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.


Naglalabas din ang bulkan ng puting usok na may dalang mga plumes na dumadaloy pababa bago umagos pahilagang bahagi nito.


Ayon sa PHIVOLCS, ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan ay may average na 676 tonnes kada araw simula pa noong Disyembre 29, 2020.


Patuloy ang paalala ng ahensiya sa publiko na nananatiling nasa Alert Level 1 ang buong lugar sa Bulkang Mayon.


Gayundin, pinapayuhan ng PHIVOLCS ang lahat na iwasang pumasok sa 6-kilometrong radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan dahil sa panganib ng rockfalls, landslides, pagguho, ash puffs at steam-driven o phreatic eruptions na posibleng mangyari anumang oras.

 
 

ni Lolet Abania | January 24, 2021




Mariing tinutulan ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, Far Eastern University, at University of Santo Tomas ang pahayag ng isang anti-insurgency official na ang mga unibersidad ay recruiting grounds para sa mga rebelde at komunista.


Sa isang joint statement ngayong Linggo, ayon sa mga nasabing unibersidad, ang akusasyon na ginawa ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade, Jr. ay walang kaukulan o suportadong pruweba.


“We therefore object to General Parlade’s statement and emphasize that our institutions neither promote nor condone recruitment activities of the New People's Army (NPA) and, indeed, of any movement that aims to violently overthrow the government,” nagkakaisang pahayag ng mga naturang unibersidad.


“This charge, though, is really 'getting old' -- a rehash of the public accusation the general made in 2018 -- irresponsibly since they were cast without proof,” dagdag nila.

Matatandaang kahapon ay pinangalanan ni Parlade ang 18 top universities at colleges sa bansa, kabilang na ang apat na paaralan, na pugad umano ng communist recruitment.


Iginiit ng mga unibersidad na pinahahalagahan nila ang itinuturing ng mga Pilipino na tinaguriang ‘Constitutional rights of speech, thought, assembly, and organization’.


“As universities with high aspirations for our country, we seek to direct our students to engage in acts that contribute to the strengthening of social cohesion, defend the country's democratic institutions, and promote nation-building,” sabi nila.


“And as institutions of higher learning that are stewards of the youth, repositories and producers of knowledge, and builders of communities, we must retain independence and autonomy from the State and other social institutions,” dagdag nilang pahayag.

Ipinunto pa ng pamunuan ng mga nasabing paaralan na ipinatutupad nila ang sagradong pagtitiwala na ang pangunahing responsibilidad ay maitaguyod ang nararapat na kaalaman at pangalagaan ang karapatan ng mga kabataang nag-aaral sa kanilang institusyon.


“We are committed to this mission and have always held ourselves accountable to our primary constituents, the learners, and by extension, their parents,” anila pa.


Ang joint statement ay pinirmahan nina ADMU President Fr. Roberto C. Yap SJ; DLSU President Br. Raymundo B. Suplido FSC; FEU President Dr. Michael M. Alba; and UST Vice-rector Fr. Isaias D. Tiongco OP.

 
 

ni Lolet Abania | January 24, 2021




Magtatalaga si Mayor Franklin Odsey ng Bontoc, Mountain Province ng mga contact tracers dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases sa kanilang munisipalidad.


Sinabi ni Odsey sa isang interview, nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 341 kaso ng COVID-19 na mayroong 90 nakarekober at 249 active cases.


“It is progressing and increasing kaya darating ang additional contact tracers sent by DOH-CAR ngayong araw. Magko-conduct ng community testing yata ang purpose nila,” sabi ni Odsey.


Ayon naman kay Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) director Dr. Ruby Constantino, may 12 UK variant ng COVID-19 cases na na-detect sa Bontoc.


Gayunman, tiniyak ni Odsey na ang mga pasyenteng ito ay naaalagaan at patuloy na mino-monitor.


Ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Mountain Province ay dahil sa nabalewala ng mga residente ng lugar ang panganib ng nakamamatay na sakit, ayon kay Constantino.


“Kaya nagkaroon ng surge ng kaso ng COVID-19 sa Mountain Province dahil sa naging kampante ang ilan at hindi nakasunod sa health protocols,” ani Constantino sa hiwalay na interview.


Sa ngayon, isinailalim na sa lockdown ang ilang barangay sa Bontoc.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page