top of page
Search

ni Lolet Abania | July 13, 2022


ree


Ipinahayag ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi nila puwedeng pilitin ang mga colleges at universities na magsagawa na ng full implementation ng face-to-face classes.


“We cannot require all schools to do face-to-face because there are schools that have been doing distance learning and flexible learning even before the pandemic,” saad ni CHED chairperson Prospero De Vera III sa isang press conference ngayong Miyerkules.


Ito ang naging pahayag ni De Vera nang tanungin kung ang CHED ay magpapatupad ng mandatory resumption ng full in-person classes gaya ng inanunsiyo ng Department of Education (DepEd).


Ayon kay De Vera, ang CHED ay hindi katulad ng basic education program na halos may tinatawag na uniform curriculum.


Aniya pa, nasa desisyon na ito ng mga kolehiyo at unibersidad kung ipapatupad nila ang mandatory in-person classes.


“Some degree programs really need a lot of face to face especially skills-based programs, while other programs can be delivered by flexible learning so we are leaving it to the universities to decide what is the appropriate mix,” paliwanag pa ng opisyal.


Nitong Martes, sinabi ng DepEd na simula sa Nobyembre 2, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay kailangang magkaroon ng transition period ng hanggang 5 araw para sa in-person classes.


“No school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning except for those implementing Alternative Delivery Modes as provided in DO 21, s. 2019 (Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program) and DO 01, s. 2022 (Revised Policy Guidelines on Homeschooling Program),” pahayag ng DepEd.

 
 

ni Lolet Abania | July 13, 2022


ree


Umabot sa kabuuang 7,145 examinees o 64.77% ng 11,033 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), ang nakapasa sa National Police Commission’s (NAPOLCOM) Special Qualifying Eligibility Examination (NSQE) na ginanap noong Mayo 29.


Ayon sa Bangsamoro Information Office, ang resulta ng exam ay ini-release nitong Lunes, Hulyo 12, o dalawang buwan matapos isagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) ang exam sa mga lungsod ng Cotabato at Lamitan.


Isinagawa ang NSQE alinsunod sa Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL), kung saan nakasaad, “provides the former MILF and MNLF members appropriate eligibility for temporary appointment to the rank of patrolman/patrolwoman in the Philippine National Police (PNP).”


Nilinaw naman ng NAPOLCOM na ang pagpasa sa NSQE ay hindi awtomatikong garantiya ng recruitment sa PNP.


Inaasahan na ang mga exam passers ay sumailalim sa training at PNP recruitment process gaya ng body mass index (BMI), physical agility test (PAT), neurological exam, medical, dental exam, drug test, kumpletong background check at ang final board interview.


Maibibigay lamang ang permanent appointment sa pamamagitan ng itinakdang educational requirement ng isang baccalaureate degree, na kanilang kinuha sa loob ng 15 taon sa panahon na pumasok sa PNP, na nakasaad sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 8551.


Ayon kay BARMM Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun, labis ang kanilang pasasalamat na nagkaroon sila ng high passing rate para sa naturang qualifying exam.


“We are very happy because the sacrifice of our applicants has paid off. We understand that the validation process of the application is meticulous because we have to ensure that applicants are legitimate MILF and MNLF members,” pahayag ni Pendatun.


Sinabi rin ni Pendatun na ang Bangsamoro government ay patuloy na magbibigay ng assistance para mas mag-improve ang karanasan ng mga aplikante upang ma-admit sa PNP agencies.

 
 

ni Lolet Abania | July 13, 2022


ree


Isang lalaki ang nadakip ng mga awtoridad nang makuhanan ito ng ice pick, ilang patalim at sumpak sa loob ng EDSA Carousel bus, ngayong Miyerkules.


Batay sa ulat, isinumbong ng isang pasahero sa mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang isang lalaki na nasa loob mismo ng bus ang kahina-hinala umanong kilos nito.


Ang bus na kanilang sinasakyan ay nakahinto habang nag-aabang ng mga pasahero sa EDSA busway sa Monumento Station.


Nang akyatin ng mga operatiba ng I-ACT ang bus at i-check ang lalaki, nakitaan ito na may dalang ice pick.


Agad na hinuli ng mga tauhan ng I-ACT ang lalaki, habang nai-turnover na rin nila ito sa pulisya.


Bukod sa ice pick, nakuha rin mula sa lalaki ang ilang patalim, lighter at sumpak.


Wala namang naging pahayag ang suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page