ni Lucille Galon @Special | May 11, 2025
Ibinulgar ng aktres-comedienne na si Kiray Celis ang sagot sa matagal nang tanong ng marami kung bakit inabot ng ilang taon bago siya inalok ng kasal ng longtime partner niyang si Stephan Estopia.
Ito ay mapapanood sa interbyu ni Julius Babao para sa YouTube (YT) vlog.
“Isa talaga sa mga dahilan kung bakit natagalan si Stephan mag-propose, kasi sinabi ko sa kanya, ang minimum na singsing na tatanggapin ko, P1 million,” sey ni Kiray.
Hindi lang daw luho ang hinihingi niyang halaga—may malalim daw itong dahilan.
Ayon kay Kiray, “‘Pag nagyaya ka magpakasal, dapat prepared ka. Kasi kung sakaling mangailangan kami, puwede naming ibenta 'yung singsing. Hindi naman sa gusto kong ibenta, pero in case of emergency, parang insurance kumbaga.”
Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, inamin ng aktres na isa sa mga nagmulat sa kanya ay isang personal na problema.
Kuwento niya, “Nu’ng mawala ‘yung sister-in-law ko 2 years ago, du’n ko talaga na-realize ang bigat ng responsibilidad. Kakabili ko lang ng sasakyan nu'n, tapos ang mahal pala ng lupa at kabaong. Dapat talaga, handa ka sa lahat.”
Well, para sa kaalaman ng mga Marites, engaged na nga sina Kiray at Stephan, at handa na rin silang ikasal ngayong taon sa Maynila.
Ayon kay Kiray, nais niyang panatilihing personal o pribado ang selebrasyon.
Aniya, “Tinatanong ako ng wedding coordinator ko kung gusto ko ba ng star-studded na kasal. Siyempre, trending ka 'pag ganu'n. Pero mas pinili ko na lang na mga ka-close lang talaga namin ang imbitado—‘yung mga taong mahal namin at kilala kami.”
Na-finalize na rin daw niya ang listahan ng mga ninong, ninang at bridesmaids.
Sey niya, “Inuna ko pa nga ‘yun kaysa sa iba, kasi gusto ko sure na 'yung mga taong importante sa amin, nandu'n.”
At ang engagement ring? Ayon kay Kiray, 3-carat diamond ang ibinigay sa kanya ni Stephan na pasok sa kanyang requirement.
Bongga! Congratulations, Kiray!
NAG-TRENDING sa socmed (social media) ang komento ng aktres na si Alexa Ilacad sa pagpapapayat ni Mika Dela Cruz na makikita sa Instagram (IG).
Proud kasing ibinulgar ng aktres na si Mika sa kanyang socmed ang weight loss journey niya—mula sa 63 kilos, bumaba ito sa 48 kilos.
Grabe, total transformation talaga dahil malaki ang ipinayat niya na pinagkaguluhan din ng mga Marites.
Naging usap-usapan ito dahil ex-girlfriend ni Nash Aguas si Alexa. Si Nash ay mister na ngayon ni Mika. Nagpakasal sila last year.
Ito ang sey ni Alexa kay Mika, “SLAYYY!!! Great job!!”
Reply ni Mika, “Salamat, Alexa. Huhuhu! Proud of our journeys!”
True the fire nga, dahil mismong si Alexa na ang nag-confirm na nagkaayos na sila ni
Mika, matapos ang matagal na panahon ng hindi pagkikibuan.
Noong 2024 kasi, napansin ng mga fans na pina-follow na nila ang isa’t isa sa Instagram (IG). Instant kilig para sa kanilang supporters, na umaasang magbabalik ang pagkakaibigan nila.
















