top of page
Search

Ang pagkakaroon ng mahabang panahon kasama ang pamilya ang isa sa mga positibong dulot ng pansamantalang pananatili natin sa bahay.

Malaking bagay ngayon sa mga magulang partikular sa mga working parents na masubaybayan ang progreso ng kanilang anak. Ayon sa mga eksperto, karaniwang nakikita ang potensiyal ng tao habang bata pa lamang ito. Kaya bilang nakatatanda, dapat maging aware at observant tayo sa mga ikinikilos ng mga bagets.

Ngunit hindi lahat ng bata ay nakikitaan agad ng interest sa mga bagay-bagay, lalo na sa arts na siyang pangunahing konsepto upang mahubog ang potensiyal nito—may mga bata na kailangan ng tulong upang ma-discover ito.

Narito ang ilang paraan upang matulungan ang ating mga bagets na maging interesado sa arts:

1. Magbigay ng ideya. Maaaring magpatugtog ng masasaya o lively na musika. Hayaan silang sumabay sa pagkanta o pagsayaw. Maaari rin silang manood ng mga pambatang videos saka obserbahan kung meron sa mga ito ang makakukuha ng kanilang atensiyon bago simulan itong ipaliwanag sa kanila.

2. Samahan silang sumayaw. Kung sa palagay mo ay nag-e-enjoy o natutuwa siya sa pagsayaw, maaari siyang sabayan nang sa gayun ay hindi ito mailang o mahiya na gawin ito mag-isa. Puwede rin kayong manood ng mga choreograph dance sa T.V., social media at iba pa upang mas marami pa siyang matutunang sayaw.

3. Isama ang bata habang nagluluto. Oks din na magkaroon ng interest sa culinary arts ang mga bata kaya hayaan silang manood kapag tayo ay nagluluto—mula sa paghuhugas at paghihiwa ng mga sangkap hanggang sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. Maaari rin siyang turuan sa paraan ng pagluluto nang paulit-ulit o sumubok ng isang recipe kada linggo nang sa gayun ay lumawak pa ang ideya nito.

4. Gumamit ng mga alternatibo. Dahil sa panahon ngayon ay hindi pa puwedeng pumunta sa mga museum o family entertainment center, manood na lamang mga pambatang movies o informative videos. Makatutulong ito upang ma-curious o maengganyo sa mga bagay-bagay ang mga bata. Puwede rin i-try kung magugustuhan nila ang pagpe-paint, pagkukulay o pagdo-drawing.

Sa panahon ngayon na sobrang moderno na, maraming paraan upang matulungan natin ang mga bata na malaman ang interest nito. Tandaan na huwag silang pilitin sa mga bagay na tayong matanda talaga ang interesado, hayaan silang magdesisyon sa mga ito at ang tangi lamang nating gagawin ay gabayan sila.

 
 
  • Hugot Ka Bulgar
  • May 20, 2020

Eating melon is fun... not until melon na siyang iba.

May mga time talaga na wala tayong ka-chat at ‘yun ay every time.

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Ubas, the fruit of the Gods.”

Maraming prutas ang sinasabing fruit of the Gods, pero mga wala namang basehan at ang marami sa kanila ay likha lang ng mitolihiya.

Pero ang ubas, mismong si Lord Jesus ang nagkumpirma na ang sinumang kumain ng bunga ng ubas ay maliligtas.

Hindi naman kaila sa lahat na si Jesus is The Lord of the Lords, Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Kaya ang mga Gods ay kabilang din sa kumikilala kay Lord at alam din naman nila na si Jesus ang bunga ng ubas na nakakapagligtas.

Ang kaligtasan na sinasabi sa itaas ay salvation at puwedeng sabihin na kaligtasan sa mga sakit o karamdaman. Gayunman, kinikilala rin ng mga agham ng medisina ang kakayahan ng ubas laban sa maraming sakit o karamadamang nakakamatay.

Ibig sabihin, ubas may save your life medicinally. Tingnan natin:

  1. Lahat ng doktor ay nagsasabing ang ubas ay very good for the heart health at ang sakit sa puso ay ang numero-unong nasa listahan ng nakamamatay sa sakit.

  2. Ang cancer ay nakamamatay din, pero sa pagkain ng ubas ay nababawasan na ang panganib na magkaroon ng cancer.

  3. Alam ng lahat na ang high blood pressure ay nakamamatay pero sa pagkain ng ubas, bumababa ang level ng blood pressure.

  4. Lahat din ay nakaaalam na kapag mataas ang bilang ng cholesterol sa katawan, puwede kang mamatay at sa pagkain ng ubas, ang cholesterol ay nakokontrol.

  5. Kung hindi maagapan ang diabetes, puwede itong ikamatay, pero sa pagkain ng ubas, nare-regulate ng sugar sa katawan.

  6. Hindi man nakamamatay, pero ang paglabo ng paningin ay hindi mo gugustuhin. Sa ang pagkain ng ubas, maaaring mapaganda at mapalakas ang eye sight.

  7. Kaya rin ng ubas na palakasin ang bone mass.

  8. Nagbibigay din ang ubas ng proteksiyon laban sa mga mikrobyo.

  9. Napipigilan din ng ubas ang mabilis na pagtanda ng tao kaya ang katas ng ubas ay ikinukonsidera na elixir of youth, kumbaga, babata ka dahil sa katas ng ubas.

  10. Higit sa lahat, kayang talunin ng ubas ang depression, gaanuman ito kalala.

Gayunman, ang isang tasang ubas ay naglalaman ng mga sunusunod:

  • Calories: 104

  • Carbs: 27.3 grams

  • Protein: 1.1 grams

  • Fat: 0.2 grams

  • Fiber: 1.4 grams

  • Vitamin C: 27% of the Recommended Daily Intake (RDI)

  • Vitamin K: 28% of the RDI

  • 8Thiamine: 7% of the RDI

  • Riboflavin: 6% of the RDI

  • Vitamin B6: 6% of the RDI

  • Potassium: 8% of the RDI

  • Copper: 10% of the RDI

  • Manganese: 5% of the RDI

Isa sa nabanggit sa itaas ay ang kakayahan ng ubas na ibalik ang youthfulness, kumbaga, mapi-feel mo na babata ka dahil sa ubas. Puwede mo nang subukan ngayon, kumain ka ng ilang piraso ng ubas at magugulat ka dahil ang iyong pananamlay, kawalan ng gana, panghihina at pakiramdam na nag-iisa ay biglang maglalaho dahil kakaibang sigla ay iyong madarama.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page