top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | June 28, 2024



Media Photo


Hello, Bulgarians! Ang sikat sa buong mundo na “Parada ng Lechon” na nagmula sa lumang kaugalian na pasasalamat ng mga pamilyang pinalad na makatanggap ng ilang makabuluhang pagpapala sa nagdaang taon ay nagpaparada ng lechon sa plaza ng bayan tuwing Hunyo 24 – ang Araw ng Kapistahan ni San Juan Bautista, kung saan sentro ang Simbahang Romano Katoliko, ang pinakamagandang pagpapakita ng pasasalamat at pagpupugay sa kanilang patron.


Ipinagdiwang kamakailan ang nasabing okasyon para sa ika-65 Parada ng Lechon, sa pangunguna ni young-talented at visionary Balayan, Batangas Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II, na kilala rin bilang “JR Fronda”. Maraming lechon ang ipinarada at nag-uumapaw ang pagkain, kasabay nito ang mga kantahan, palabas at foam party sa Town Plaza habang game na game ang lahat sa basaan kasama si Mayor JR Fronda.


Bukod sa masayang pagdiriwang, ang samahan ng mga club sa distrito ay nagpakilala ng mga karagdagang sangkap ng beer at mga live band kasama ang Noah Band, Soul Groove Band, Allmo$t at iba pang mga performer na nag-ambag ng kanilang talento at oras para sa mas matinding kasiyahan sa pagdaraos ng pista.


Ang mga lokal at dayuhang turista, maliliit at malalaking negosyo, pati na rin ang national at international media ay dumagsa sa Balayan, Batangas nitong Hunyo 24 upang saksihan at lumahok sa natatanging pagdiriwang ng pista sa bansa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida  | June 21, 2024



Bea Alozo - Dominic Roque

Proud ang mister ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey sa pagiging newest Bulgari ambassadress ng asawa niyang beauty queen. Ipinost ni Pia ang photos niya wearing Bulgari’s jewelry at sey ng husband niya, “Killing it (smile emoji) I’m so proud of you baby. Always delivering.”


Kaya lang, may isyu sa mga bashers ni Pia sa pagiging Bulgari ambassadress niya dahil house ambassadress lang daw ito at hindi global ambassadress kasama sina Anne Hathaway, Lalisa, Priyanka Chopra, at Zendaya. 


Buwelta ng mga fans ni Pia, kahit ano pa ang itawag sa kanya, Bulgari ambassadress pa rin siya.


May nagsabi pa pala na fake news ang pagkapili kay Pia na Bulgari ambassadress, pero nang makumpirma ang balita, biglang dinelete ng basher ni Pia ang kanyang post.


Kinantiyawan siya ngayon ng mga fans.


Nagkakantiyawan din ang mga fans nina Pia at Heart dahil matagal na raw ginagamit ni Heart ang Bulgari jewelry, pero hindi siya kinuhang brand ambassadress. As if naman nakabawas ito sa stature ni Heart.


Anyway, dahil sa bagong achievement na ito ni Pia Wurtzbach, nagbabardagulan na naman ang mga fans nila ni Heart Evangelista. Masayang basahin ang bardagulan ng mga fans na kung minsan, sumosobra na at pati personal na buhay ng dalawa ay nadadamay. Bakit hindi na lang maging masaya ang mga fans sa kanilang achievements?

               


May bago na namang ipapa-block screening ang mga fans ni Xian Lim but this time, hindi siya artista. Siya ang director ng Kuman Thong, ang horror movie na kinunan sa Thailand, ang tinatawag na “Land of the Scariest Asian Horror Films.”


Hindi pinabayaan si Xian ng kanyang mga fans sa showing ng movie niyang Playtime, nagpa-block screening sila at mas dodoblehin daw nila ang pagsuporta sa Kuman Thong dahil si Xian ang writer at director nito. 

Collab nina Xian at Iris Lee ang script ng movie at sana, hindi ito maging isyu sa ibang mga fans.


Ramdam na proud si Iris sa newest project ni Xian dahil ipinost niya sa kanyang Instagram (IG) ang parang script na nakasulat ang “Written by Xian Lim and Iris Lee” at “A film by Xian Lim.”


Anyway, nagpasalamat si Xian sa pa-block screening ng kanyang mga fans sa Playtime at may nakakatawa siyang pa-thank you. 


Sey ni Xian, “Thank you so much everyone! Maraming salamat for being with me throughout this journey. Your support means so much para sa ‘kin! Sana ‘wag po kayo magsawa sa pagsuporta sa ‘kin maski 15 years ko na kinakanta ang Eraserheads medley at pumapalakpak pa rin kayo.”


Sa July 3 na ang showing ng Kuman Thong na poster at trailer pa lang, nakakatakot na. Kasama sa cast ang sikat na Thai actor na si Max Nattapol at darating daw ito ng bansa to attend the premiere night na gaganapin before the showing of the said film. Sasamahan niya si Cindy Miranda at ang child star na si Althea Ruedas.


Excited na ang mga fans ni Xian sa premiere night dahil makikita raw nila si Iris na siguradong nandu’n dahil bukod sa co-writer siya ni Xian, siya rin ang creative consultant ng movie for Viva Films.



kitchen ng bagong bahay ni Carla Abellana, may pasilip siya sa parte na ‘yun ng kanyang bahay at sa caption na “Quiet afternoon in my kitchen,” ramdam na she’s at peace.


Maganda na, malinis pa ang kitchen ng bahay ng aktres at siguradong pati buong bahay.

Waiting ang mga fans sa pa-house tour ni Carla dahil nga kitchen pa lang ang ipinasilip. 

Ang kanyang fur babies lang yata ang kasama ng aktres sa bahay, bukod sa kanyang househelps at dinadalaw lang siya ng mom niya at iba niyang relatives.


Motivation ni Carla ang bagong bahay, kaya ganado siyang magtrabaho dahil alam na ang uuwian niya ay isang maganda at pinaghirapan niyang maipatayong bahay.


Samantala, sa July 1 na nga ang premiere ng Widows’ War na pinagbibidahan nina Carla at Bea Alonzo kasama si Jean Garcia. Kahapon,June 20, nasa Lipa City, Batangas sina Carla, Rita Daniela, Juancho Trivino, at Benjamin Alves to promote the series. Si Zig Dulay ang director nito.


Balik tayo kay Carla, may mga bagong items sa kanyang carlaangeline_closet na for sale na karamihan ay brand new. Kabilang ang brand new Prada Re-Edition 2000 Black Crystal Bag na for sale for P99,000.               

 
 

ni Sis. Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | June 21, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig

Dear Sister Isabel,


Hindi ko sukat akalain na magkakaproblema rin pala ako, at sa tingin ko ay kayo lamang ang makakapagbigay ng payo sa akin upang gumaan kahit papaano ang kalooban ko. 


Nabibilang ako sa mahirap na angkan. Ulila na ako sa ama kaya hirap na hirap ang ina kong itaguyod kaming apat na magkakapatid. 


Panganay ako sa amin, at gusto ko sanang mangibang-bansa para lumuwag-luwag naman ang buhay namin, ngunit ayaw naman ng nanay ko. Maghanap na lang umano ako ng magandang trabaho rito sa Pilipinas. Highschool lang ang natapos ko, kaya wala akong makitang magandang trabaho na may malaking suweldo rito.


Kaya naman nag-apply akong Domestic Helper sa Saudi. Mabilis ang mga pangyayari, at natanggap agad ako. Ang problema ay ayaw pumayag ng aking ina, kahit ready na ang visa at anumang oras ay puwede na akong i-book ng ticket ng magiging employer ko. 


Ano ang gagawin ko? Sister Isabel, dapat ko bang ituloy ang pagtatrabaho sa abroad kahit na tutol ang nanay ko? 


Nagpapasalamat,

Linda ng Taguig



Sa iyo, Linda,


Hindi mo maiaalis sa nanay mo na pigilan kang mag-abroad lalo na kung sa Saudi ka magtatrabaho, pero kung legal naman ang pag-alis mo, kumpleto ang dokumento mo, at nakakasiguro kang mabait ang magiging employer mo ay tumuloy ka. 


Kausapin mo nang malumanay ang nanay mo at ipaliwanag nang mabuti na mabait ang magiging employer mo. Sapat na iyon para makaahon kayo sa kahirapan. Sabihin mo rin na legal lahat ang dokumento mo, kaya walang problema kung matutuloy ka sa abroad. 


Sa palagay ko, makukuha mo rin sa magandang salita ang nanay mo. Mauunawaan niya na para naman sa kabutihan n’yo ang gagawin mo, at para ‘di na rin siya mahirapang kumayod nang husto para sa inyong magkakapatid. 


Ikaw na ang umako, at magsumikap upang umasenso kayo sa buhay. Natitiyak kong papayag na ang nanay mo kung maipapaliwanag mo nang maayos ang side mo. 


Hangad ko na nawa mahango mo na sa hirap ang pamilya n’yo. Pagpalain ka nawa ng Diyos sa tatahakin mong landas tungo sa pag-unlad. Iligtas ka nawa sa lahat ng panganib at kapahamakan, at sana matupad mo nawa ang lahat ng iyong pangarap.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo





File Photo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page