top of page
Search

ni Phamela Gabriela Manuel (OJT) @Life & Style | Feb. 22, 2025





Naghahanda ka na rin ba para sa paparating na Licensure Examination for Teachers (LET) ngayong 2025? 


Todo-review na rin ba ang ginawa mo, subalit pakiramdam mo ay kulang pa rin? Kung ‘yan ang isa sa mga pinoproblema mo, don't worry, dahil narito ako para tulungan kayo!   

  1. ALAMIN ANG STRENGTHS AT WEAKNESSES.  Puwede mong isulat sa isang papel kung saan ka nahihirapan at nadadalian – ito ay isang paraan upang ihanda ang iyong sarili, nang sa gayun ay madali n’yong malaman kung ano ang uunahin at pagpopokusan ng oras.

  2. ALAMIN ANG SARILING PAMAMARAAN NG RE-REVIEW. Maraming paraan ang pagrerebyu. Pero, hindi porke nagwo-work sa iba ang kanilang technique ay magwo-work na rin ito sa iyo. 


Kaya naman, alamin mo kung saang paraan ka komportable, nang sa gayun ay makapagpokus ka sa mga bagay na dapat mong bigyang pansin. 


  1. GUMAWA NG SCHEDULE. Kapag naitala n’yo na ang no. 1 at 2, puwede ka nang gumawa ng schedule. 


Karamihan sa atin ay bet ang pagre-review tuwing madaling araw, dahil sa ganitong mga oras ay wala nang gaanong distraction at tahimik pa ang lugar. ‘Di ba? 

Sa paggawa ng iskedyul, mahalaga na maitala kung ano ang babasahin kada araw. 

Subalit, hinay-hinay lang mga Ka-BULGAR, oki? Huwag ilaan ang buong araw sa pagbabasa. ‘Ika nga, One step at a time”. Gets?

  1. MATULOG AT MAGPAHINGA. Mahirap naman mag-review at magpokus kung kulang ka sa tulog. Importante na makapag-restart din ang inyong katawan, matapos ang mahabang pagbabasa. 


Ang sapat na tulog ay makakatulong upang magkaroon ng sapat na enerhiya at makapagpokus sa mga bagay na mas kinakailangan.


Napakahalaga mag-review, subalit ‘wag n’yo namang ubusin ang inyong araw at oras sa pagbabasa. Lalo na’t hindi naman lahat ng binabasa mo ay lalabas sa araw ng exam. 

Ang pagre-relax at pag-i-enjoy ay nakakatulong din upang mabasawan ang pressure na inyong nararamdaman. 


  1. IWASANG MAG-OVERTHINK. May mga araw na hindi mo talaga maiiwasan ang makaramdam ng stress o pag-o-overthink, lalo na kung nalalapit na ang araw ng exam. 


Subalit, kung puro negatibo ang inyong utak, sa tingin mo ba ay makakapagpokus ka pa? Hindi na, ‘di ba?


Kung sakaling nai-stress at nag-o-overthink ka na sa mga possible situation na nilu-look forward mo, magpahinga ka muna. Oki?


  1. GAMITIN ANG MGA ONLINE REVIEW MATERIALS. Sa panahon ngayon, maraming online resources at review centers na ang puwedeng makatulong sa inyong paghahanda. 

  2. MAGHANDA NG MAAYOS NA KAGAMITAN. Siguraduhing kumpleto ang iyong mga gamit sa araw ng exam: ballpen, valid ID, at anumang iba pang requirement ng PRC. Iwasan ang magdala ng mga gamit na hindi pinapayagan sa exam hall.

  3. HUWAG KALIMUTANG MAGDASAL.  Tandaan mo, may planong inilaan para sa atin ang Diyos. 


Kung makaramdam ka man ng pagod at kawalan ng gana at pag-asa, agad na lumapit sa Diyos, at humingi ng gabay.  


Ilan lamang ‘yan sa mga tips na dapat n’yong tandaan. 


Ang LET 2025 ay isang hakbang patungo sa inyong pangarap na maging isang guro. Sa pamamagitan ng tamang paghahanda, tiyaga at disiplina, tiyak na makakamtan n’yo rin ang inyong layunin. 


Kaya para sa mga magte-take ng exam, take it easy lang. Nawa ay gabayan kayo ng Diyos sa darating na LET 2025. Muli, ‘wag mawalan ng tiwala. Oks? Good luck sa inyong pagsusulit!


 
 

ni Cristine Marish Rivera (OJT) @Lifestyle | Feb. 14, 2025



Photo: Chiz at Heart - IG


“Now I know what love should be,” ito ang mga katagang sinabi ni Heart Evangelista kay Chiz Escudero sa kanilang renewal of vows last year. Pero, ano nga ba ang love? What love should look and feel like? May definite answer ba rito? Tingin ko, isa ang love story nina Heart at Chiz sa mga kasagutan sa tanong na ito.


Paano nga ba nahanap ni Heart at Chiz ang isa’t isa? Alam niyo bang inamin ni Heart na 2007 pa lang crush na niya si Chiz? Ito ay nang mapanood niya si Chiz na magsalita sa isang event sa La Union. Napa- “Hallelujah” na lang daw siya sa galing ni Chiz.


So what’s stopping her during that time? May boyfriend pa siya ng time na ‘yun. Mahilig talagang mag-story time ‘tong si Heart. Ikinuwento niya na noong 2009, una nilang napansin ang isa’t isa sa airport. Nakita niya ito sa smoking section pero akala niya “snob” and little did she know, napansin din siya ni Chiz at pinost pa sa Twitter.


What if sa travel din natin mahanap ang the one? Matapos ang tatlong taon, inamin ni Heart na lumabas sila twice ni Chiz, ilang linggo after ng breakup ni Heart kay Daniel, at buwan matapos ang annulment ni Chiz.


Ilang buwan makalipas, noong October 2012, opisyal na sinabi ng dalawa na sila ay “exclusively dating” at naging tulay si Miriam Defensor-Santiago na mutual friend nila. We all have that one friend na nagrereto, aminin!



Unang sinubok ng tadhana ang relasyon nila noong 2013, ito ay dahil hindi raw gusto ng parents ni Heart si Chiz para sa kanya na umabot pa sa TV dahil sa ginawang press conference ng bawat panig. Hindi rin nagtagal, napagdesisyunang mag-propose ni Chiz kay Heart noong 2014, sa ancestral home nito sa Sorsogon.


Sana all kayang ipaglaban sa parents! February 15, 2015, araw pagkatapos ng kaarawan ni Heart, ikinasal sila sa Balesin. It’s a double celebration, I guess? Tatlong taon again ang nakalipas, sinubok ang katatagan ng kanilang pagsasama. Nagkaroon ng miscarriage si Heart sa dapat ay kambal nilang anak noong 2018. Ngunit, nanatiling positibo ang aktres na babalik muli ang anak pagdating ng panahon.


Fast forward to September 2022, may mga sign na hiwalay ang dalawa. Tinanggal ni Heart ang “Escudero” sa display name nito sa Instagram at hindi bumati ng birthday ni Chiz na never nitong ginawa. Tinuldukan naman ni Heart ang speculations sa pag-post niya ng family picture bago matapos ang taon at ipinahayag sa isang panayam na “everyone goes through problems.”


Tama nga naman, matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, mahalaga na kasama pa rin nila ang isa’t isa. ‘Pipiliin ka sa araw-araw’ ang peg. Love it! Muling nag-renew ng wedding vows ang dalawa para sa kanilang 9th anniversary.


“Getting married again the second time around — we’re even now — it seems like it’s actually my first, and I do truly believe it’s actually my first time because I knew what love was before, but now I know what love should be,” ito ang naging bahagi ng vows ni Heart na talagang sumasalamin sa pinagdaanan nilang mag-asawa sa loob ng siyam na taon.


Walang definite answer kung ano nga ba ang love pero isang mahabang paglalakbay ang kapalit to know what love should be and what matters the most is that you have the love that conquers all along the journey. Taray! Ika-10 anibersaryo na rin nila sa February 15 at siguradong handa pa rin silang harapin nang magkasama ang ilang taong darating.

 
 

ni Cristine Marish Rivera (OJT) @Lifestyle | Feb. 14, 2025



Artwork: Dominic Santos (OJT)


Oh yes, Araw ng mga Puso! May pang fit check ka na ba?


Pero teka, remind lang kita ah, hindi lang pang romantic relationships ang celebration today, it’s all about love in general -- romantic, platonic, at higit sa lahat, pagmamahal sa sarili.


Para sa marami, perfect time rin ang okasyon na mag-dress-up, maging pang-romantic date, ‘galentines’ date, o para ma-feel lang ang “heart’s day,” and take note, hindi mo kailangang gumastos nang malaki para sa okasyon at maging stylish. I got you!


Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang ukay-ukay at kaliwa’t kanang mga thrift store sa bansa. Bukod sa sobrang mura nito ay malaki rin ang chance na wala kang kapareha kumpara sa mga nabibili online at physical stores. Higit pa rito, lumalabas ang creativity ng isang mang-uukay sa pag-mix and match ng mga damit.


And hindi natatapos dito ang ukay craze, since fashion is a dynamic industry, dito na papasok ang thrift-flipping.


Ito ay pagbibigay-buhay sa ukay o pre-loved na mga damit upang gawing bago, modern, at pasok sa ating personalities. Para itong pag-a-alter pero mas creative.


Umpisahan natin sa damit na gagamitin pang thrift-flip. Ang number 1 rule, hindi kailangang gumastos ng mahal.


Maghanap ka sa closet mo o sa thrift stores ng mga damit like dresses, pants, o kahit simpleng shirt na puwedeng i-upcycle using Valentine’s motifs tulad ng heart patches o laces. Karaniwang ginagamit na kulay din ang red at pink dahil it gives off “love vibes.”


Next step, isipin mo kung anong gusto mong gawin sa damit na pasok sa personality at style mo. ‘Yan ang art of thrift-flipping, pero don’t worry, walang pressure dito. May easy ways pa rin kung paano ka magsisimula.



Puwedeng ang old pants ay maging denim skirt then lagyan ng heart patches o tayo ang mag-paint dito. Ang cardigan na simple naman puwedeng tanggalin ang ‘basic-looking’ na butones at palitan ng cutesy little red hearts. O ang simple dress, gawin nating two-piece coordinates. Sa footwear, puwede nating lagyan ng details ang heels at sandals o kaya ay palitan ng fancy shoe laces ang boring na sintas sa mga sapatos n’yo.


Sa mga lalaki naman, I got you as well! No one should be left behind.


Maaaring lagyan ng small heart logo ang simple white basic tee at i-crop ito gaya ng nauuso ngayon. Ang pants puwedeng gawing shorts at i-paint lang with fun colors and cool designs. Hindi rin okey na makalimutan ang common na ginagawa ng mga lalaki sa shoes for thrift-flipping. Mula sa luma at old style na mga sapatos, puwede ring pintahan ng cute at colorful designs ito.


Fashion is limitless. Tayo ang magdedesisyon kung paano natin gustong i-express ang mga sarili through clothing.


Tulad ng love, ang thrift-flipping ay pagbibigay ng second chance sa mga lumang damit at pagpapahalaga rito. Ang perfect outfit ay hindi ang pinakamahal, kundi ang pinakamagandang nagrerepresinta ng kung ano ka bilang tao.


Bilang nagmamahal ngayong Heart’s Day, hindi mo kailangan ng expensive outfit.


No more unrequited love this Valentine’s, just love for thrift-flipping.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page