top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 29, 2024



Iskul Scoop

Hi, ka-Iskulmate! Ikaw ba ay isang college student na gustong mag-unwind sa gitna ng nakaka-stress na college life? Kung oo ang iyong sagot, sure akong may mga listahan ka na ng mga destinasyong gusto mong puntahan, mula sa mga breathtaking na beach hanggang sa mga sikat na tourist spots. Hindi ba?


Pero ang tanong, paano kung tight ang budget? Don’t worry, Iskulmate! May mga paraan pa rin naman para makapag-explore at makapag-enjoy kahit na saks lang ang money. Gets mo?



Pero ang tanong, paano kung tight ang budget? Don’t worry, Iskulmate! May mga paraan pa rin naman para makapag-explore at makapag-enjoy kahit na saks lang ang money. Gets mo?


Sa article na ito, ibabahagi namin ang mga budget-friendly travel tips na hindi lang makakatulong sa iyo sa pag-save ng pera kundi siguradong magdadala rin sa iyo sa mga unforgettable adventures. 


Kaya naman, handa ka na bang i-pack ang iyong mga gamit at simulan ang journey nang hindi nalulugmok sa utang? 


Tara na’t tuklasin ang mga paraan upang mag-travel ng masaya at abot-kaya! Let's go!


  1. RESEARCH BEFORE YOU PACK. Mag-research muna ng off-peak na panahon para sa napili mong destination. Minsan, sa off-season may mababang rates sa accommodation at transportation.

Maghanap ng student discounts – marami nito, lalo sa mga museums, at parks. Basta huwag lamang kalilimutan ang school ID at ‘wag mahiyang magtanong! Oki?


  1. D.I.Y. TRAVEL PLANNER. Planuhin ang itinerary pero iwasang gumamit ng masyadong mahal na tour packages. 

Mas makakatipid ka kung ikaw mismo ang magbu-book ng bus o anumang rides na gusto mo. Subukan mo rin mag-research sa Google Maps at mga travel blogs para sa libre at hidden gems. 

Pero wait lang, dahil may mga pre-order na rin ng tickets online, may bonus pa dahil may chance ka pang makakuha ng discounts! Oh ‘di ba? Malaki na rin ang matitipid mo ru’n ha?


  1. GROUP TRAVEL. Ang bawat barkada ay puwedeng mag-share ng expenses sa food, transpo, at accommodation. 

Isipin n’yo na lang na para lang iyang group project, pero mas masaya at walang recitation. Mga Iskulmates, tandaan na sharing is saving! Oki?

Subukan ang mga hostels o Airbnb na may mga options for shared rooms. Oh, ha! Makaka-less na kayo, sama-sama pa kayo sa iisang kuwarto. Hindi ba mas masaya iyon? 


  1. PACK LIGHT, TRAVEL RIGHT. Pack light lang, Iskulmate! Ang mahal ng bayad para sa extra luggage, lalo na kung balak n’yo mag-airplane. 


Saka, mas convenient mag-travel kung saks lang ang mga bitbitin n’yong gamit.

Pro-tip: Kung may mga free samples o maliit na packaging ng toiletries, iyan na ang dalhin mo.


  1. STREET FOOD + GROCERY FINDS = SULIT MEALS. Ang street food ay hindi lang masarap, budget-friendly pa! Huwag kayong mahiyang sumubok ng mga local street food, dahil kadalasan dito n’yo matitikman ang mga pagkaing hinahanap-hanap ng inyong kalamnan.

Kung medyo sensitive ang tiyan, grocery finds ang best choice. Mag-prepare din kayo ng baon from home para mas makatipid pa lalo!


  1. "DO IT FOR THE GRAM" – PERO LOW-COST LANG. Kung photos at memories ang hanap mo, hindi mo na kailangan pa ng mamahaling lugar. Piliin ang mga scenic spots na walang entrance fee o yung mga parks at mga art installations.


Tipid-hack: gamitin ang phone camera nang maayos! Hanapin ang natural lighting para sa mga Instagram-worthy na pictures.


  1. MAX OUT PUBLIC TRANSPORT AND FREE RIDES. Saan man mapadpad, gamitin ang local public transport, tulad ng tricycle, jeep, o bus. Hindi lang ito mas mura, mas mai-experience mo pa ang local vibe ng lugar.


Kung may free shuttle o kahit “pa-hitch” sa mga friendly locals, i-grab ang opportunity (pero siyempre, maging safe pa rin!).

At ayun na nga! Sa kabila ng lahat ng gastos at hassle ng pagiging college student, maaari pa rin tayong makapag-travel nang abot-kaya. 


Ang mga adventure at experiences ay hindi laging nakadepende sa laki ng budget; minsan, ang tunay na halaga ng paglalakbay ay nasa mga kuwentong baon natin pabalik. 


Always remember, hindi mo kailangang maging mayaman para maging isang explorer. 

Mag-plan, mag-share ng expenses, at cherish the moments—dahil ang pinakamagandang alaala ay madalas nangyayari sa mga simpleng sitwasyon.


Ngayon, isara ang laptop, iwanan muna ang stress sa school, at simulan ang iyong travel journey. 


Ibahagi n’yo rin ang inyong mga budget-friendly adventures at ipakita sa mundo na ang saya ng buhay college ay hindi lang nakatuon sa pag-aaral kundi pati na rin sa pag-i-explore! 


Kaya, ano pang hinihintay mo? Grab your bags, summon your travel buddies, at tara na—ang mundo ay naghihintay! Safe travels at happy exploring, Iskulmates! 


Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.

So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.





 
 

ni Cedrick R. Lasala @Life & Style | Oct. 26, 2024



Iskul Scoop

Isa ka ba sa mga taong naghahangad nang maayos at magandang kabaong kung sakali man ika'y mamamatay, o isa sa nag-i-invest para makaipon at makabili ng magarbong kabaong? 


Kung isa ka sa akin nabanggit, sabay-sabay nating kilalanin ang isang lolo, na mula sa Palanas, Masbate na gumawa ng kanyang sariling kabaong.


Sa panahon kung saan ang pagtingin ng mga tao sa kamatayan ay kadalasang may kalakip na takot, pighati at kalungkutan, may isang kuwentong taliwas sa karaniwan. 


Si Lolo Sayling, 92, ay mas piniling gumawa ng kanyang sariling kabaong. Hindi lamang ito isang kuwento ng pagpapakumbaba at kahandaan sa hinaharap, kundi pati na rin sa pagtanggap sa ‘di maiiwasang bahagi ng buhay.


Si Lolo Sayling ay kilala sa kanyang pagiging masipag na mabigyan ng handog ang sarili sa kabila ng kanyang edad, at ito ay ang isang simpleng kabaong.


Maraming residente sa lugar ang nagulat, natakot, at humanga kay Lolo Sayling dahil sa paggawa nito ng sarili niyang ataul na swak mismo sa kanyang sukat. 


Noong siya ay nasa kabataan pa lamang, nagkaroon siya ng ideya na magtanim ng isang puno na kung saan ay tiniyak niya sa kanyang sarili na kung siya man ay aabot sa katandaan, gagamitin niya ang kahoy na ito para makagawa ng isang kabaong.

Isang simpleng kabaong ang kanyang ginawa, walang engrandeng disenyo pero siksik naman ito sa pagmamahal at malalim na kahulugan. 


Hindi pinili ni Lolo Sayling ang marangyang kabaong dahil sa malaking gastos na maaaring kailanganing ilaan upang makabili nito. 


Kaya naman, mas pinili niya na gumawa na lamang ng sariling ataul na tanda ng pagpapakumbaba at pagtitiwala sa nasa itaas. Ito rin ay tanda ng kanyang mapayapang pagtingin sa buhay.


Nang mamatay ang kanyang asawa, aminado siya na malaki ang gastos na kanilang kinailangan upang maipaburol at maipalibing nang maayos ang kanyang asawa. 


Kaya naman, naisipan ni Lolo Sayling na imbes gumastos ng malaki ang kanyang maiiwang kamag-anak, gumawa na lamang ito ng isang kabaong upang makabawas sa gastusin na maaaring kaharapin ng maiiwan niyang kapamilya.  


Bukod dito, plantsado na rin ang susuotin niyang damit, na siyang sinuot niya noong ikinasal siya.


Ito ang damit ko nu’ng kinasal kami at ito rin 'yung isusuot ko kapag namatay na ako dahil maayos pa naman, kasya pa naman,”  kuwento ni Lolo Sayling.

Gayunman, nag-iwan na rin daw siya ng P1000 sa bulsa para maipambayad sa pari.


Nakahanda na rin umano ang lote sa sementeryo, kung saan siya ililibing. Ang gusto ni Lolo Sayling ay du’n din siya ilibing kung saan nakahimlay ang kanyang misis, mga kapatid at ina. 


Mukhang pinaghahandaan na talaga ni Lolo Sayling ang kanyang pagpanaw dahil maging ang kantang patutugtugin sa kanyang burol ay isinulat niya na rin. 

Sinulat ko para kantahin nila kung mamatay na ako kasi 'di naman ako makakanta dahil patay na kaya basahin na lang nila," dagdag pa nito. 


Para kay lolo Sayling, ang kabaong na kanyang ginawa ay hindi simbolo ng pagtatapos, kundi simula ng kabuuan ng isang mahaba at makulay na paglalakbay. 


Sa bawat pako na nakakabit sa kanyang kabaong, handa pa rin siyang harapin ang mga susunod na kabanata ng kanyang buhay.


Ang kuwento ni Lolo Sayling ay isa lamang sa maraming kuwento na nagbibigay ng inspirasyon at kakaibang pananaw sa buhay at kamatayan. Ang kanyang kabaong na siya mismo ang gumawa ay patunay na ang paghahanda para sa hinaharap ay hindi palaging may kasamang takot at pangamba. Minsan, ito ay puno ng tapang at karunungan na nanggagaling sa masaya at makulay na karanasan.


Hanggang ngayon, buhay na buhay pa si Lolo Sayling, at patuloy na nagiging inspirasyon sa kanyang pamilya at komunidad. 


Ang kuwento ni Lolo Sayling ay isang paalala na sa harap ng kamatayan, makakahanap pa rin tayo ng kapayapaan sa pagtanggap at pagmamahal sa buhay. 


Ano sa tingin n’yo mga Ka-BULGAR? Dapat nga ba natin i-normalize ang ganitong klaseng diskarte ni Lolo Sayling upang makaiwas sa maaaring gastusin na kakaharapin ng ating mga kamag-anak? Lingid sa ating kaalaman, talaga namang napakamahal na ng gastusin ngayon. Kaya hindi kataka-taka na marami sa atin ang mas pinipiling magkaroon ng sariling Funeral Services kahit ito ay hulugan. 


Ang kahandaan sa kamatayan ay hindi nasusukat sa marangyang kabaong o simpleng kabaong, kundi sa pagkakaroon ng kapayapaan sa loob at magandang natutunan habang tayo ay nabubuhay pa. Gets?




 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 14, 2024




Masyado nang maraming kaganapan ngayon. Ngunit, gaano nga ba tayo kahanda sa mga susunod na mga pangyayari? Ilang buwan na lang din ay matatapos na ang taong 2024. Mga besh, ready na rin ba kayo sa mga bagong pagsubok at mga nakaka-stress na ganap sa buhay?Aware akong minsan napanghihinaan na rin kayo ng lakas ng loob na lumaban, at minsan ‘di n’yo na rin malaman ang inyong gagawin. Huwag kayong mag-alala, dahil narito ako para magbigay ng ilang survival tips para patuloy na lumaban ngayon. Halina’t alamin na natin ito! 


  1. NEVER EXPECT ANYTHING FROM ANYONE. Bago matapos ang taong 2024, tulungan natin ang ating sarili na maging independent. Napakahirap gawin, pero importanteng matutunan natin ito. Sa paglipas ng panahon, sure akong parami nang parami ang mga bagay na dadalhin natin, at hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga taong nand’yan para sumalo sa atin.

  2. BLOCK OUT ALL THE NOISE. Mas magiging madali at magaan ang buhay natin kung iiwasan nating ma-involve sa drama ng mga taong nakapaligid sa atin. ‘Yun bang feeling na paulit-ulit na lang.

  3. FOCUS ON YOUR GOALS. Kung gusto nating maka-survive, magpokus tayo sa mga pangarap natin. Kung may bagay man na dapat pagtuunan ng oras at panahon, ito ay ang pag-abot sa mga gusto natin. Oks?

  4. DON'T LET FAILURE STOP YOU. Lahat ay dumadaan dito at nasa atin kung paano natin ito haharapin. Siyempre, dapat du’n tayo sa positibo. ‘Ika nga, “Kung nadapa tayo, bangon agad!” Kung pababayaan nating malugmok ang ating sarili, ano sa tingin n’yo ang mangyayari sa atin? ‘Di ba, wala? Kaya mga Ka-BULGAR. Maging wais tayo sa pagdedesisyon. Gets?

  5. AVOID ALLOW NEGATIVITY. Bawal ang nega! Kaya kung papatulan natin ang kanegahan ng ibang tao, aba parang wala na rin tayo nu’ng pinagkaiba sa kanila. Huwag n’yo nang i-level pa ang sarili n’yo sa mga ganu’ng klaseng tao. Oki?  


Kaya pakatatandaan, ang struggle ay parte talaga ng buhay, pero may magagawa pa tayo para maging mas makabuluhan ang mga oras natin habang ‘di pa ito natatapos. Oo, hindi ito madali, pero for sure, kaya natin ‘yan. Tayo pa ba? 



 
 
RECOMMENDED
bottom of page