top of page
Search

ni Mabel Vieron @Lifestyle | May 21, 2024



File photo

 

Ang pambu-bully ang kadalasang rason kung bakit nawawalan tayo ng gana sa ating buhay. Puwede natin itong maranasan sa internet, paaralan at trabaho.


Minsan ito rin ang dahilan kung bakit madami ang nagpapasya na mag-resign, kahit na sabihin pang mahal nila ang kanilang trabaho.


Kaya mga besh, huwag kayong papayag na mangyari ito sa atin, partikular sa inyong workplace. Upang maiwasan o malabanan ang ganitong senaryo, narito ang mga paraan upang matigil ang pambu-bully sa loob ng trabaho:

 

1.     CONFRONT YOUR COLLEAGUE. Bago ka gumawa ng mga hakbang, komprontahin mo muna ang sinumang nambu-bully sa iyo. Mabuting ipaalam mo sa kanya na nakakaapekto ito sa iyo. Puwedeng isipin ng katrabaho mo na nagpapatawa lamang siya pero, hindi niya napapansin na nagiging unprofessional na siya. Kung ire-report mo ang pambu-bully sa supervisor mo, make sure na sinubukan mo siyang kausapin tungkol dito.


2.     KEEP CAREFUL RECORDS. Bago ka magsampa ng reklamo, make sure na na-document mo ang lahat ng insidente ng pambu-bully sa iyo. Kabilang na rito ang araw at oras ng bawat insidente, gayundin, kung may witness dito. Make sure na mayroon kang kopya ng written o digital correspondence na mayroon ka kasama ang iyong katrabaho.


3.     REPORT INCIDENTS. Sa mga kumpanya rito sa atin, karaniwang inaayos ang ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa direct supervisor bago sa senior management o HR office.


4.     FILE A COMPLAINT. Kung ang bully ay ang supervisor mo, mabuting magtanong sa HR representative upang malaman kung paano maaayos ang sitwasyon. Make sure na may hawak kang dokumento o anumang magpapatunay na may nambu-bully sa iyo.


Kung desidido ka nang magsampa ng reklamo, magagamit mo ang mga dokumento bilang ebidensya. Gets?


5.     CONSULT AN ATTORNEY. Besh, kung hindi masosolusyunan sa loob ng kumpanya ang isyu kahit nagsampa ka ng kaso at nakipag-usap sa HR management, ang sunod na hakbang ay humingi ka ng legal advice. Para makasigurado, mabuting humanap ng abogado na nag-e-specialize sa employment law. Sa ganitong paraan, mas madali mong malalaman kung may discrimination laws na kailangan sa iyong sitwasyon.


Hindi masamang lumaban lalo na kung trabaho na natin ang naaapektuhan. Kung nabu-bully ka sa trabaho o kung may kakilala kayong nabu-bully, make sure na gagawin n’yo ang mga paraan na ito para lumaban, ha? Sa panahon ngayon, kapag nagpakita ka sa kanila ng kahinaan, mas lalo ka lang nilang pagtatawanan. Kaya mga Ka-BULGAR, ‘wag n’yong hayaan na maranasan n’yo ito. Oki?

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | May 28, 2021



ree

Ang magkaroon ng pagbabago sa positibong lifestyle ang magpapaibayo ng hitsura at nadarama sa araw-araw, dagdag pa na mas gaganda ang kalusugan at maiiwasan na maging sakitin. Ang mamantina ang malusog na timbang ng katawan, pagpili ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng tamang pahinga ay may malaking kontribusyon sa mas may kalidad na buhay, hahaba pa ang buhay at higit sa lahat maiiwasan na makapitan ng COVID-19.


1.UMINOM NG MULTIVITAMIN SUPPLEMENT. Kung nahihirapang ma-adjust para sa sapat na masustansiyang pagkain, tiyak na makatutulong ang dietary supplement. Ang mga dietary supplements ay tulad ng multivitamins lalo na kung ang kinakain ay wala pang 1,600 na kalorya sa isang araw. Kung ikaw ay vegan pero hirap sa anumang medical na kondisyon ay hirap ding sumagap ng tamang nutrisyon. Basahin munang mabuti ang label at pumili ng multivitamin na maraming nutrients at 100% na magdudulot ng araw-araw na pangangailangan. Iwasan ang supplements na may megadoses ng anumang nutrient. Ipasuri rin sa doktor kung anong multivitamin ang nararapat. Pero sa panahon ng pandemya, pinakamainam ang vit. C with zinc at vitamin D kung kulang sa pagpapaaraw at pagpapapawis.


2. Dagdagan ang araw-araw na pagkilos ng katawan. Ang sakit sa puso ay isa sa numero unong killer ng mga babae at lalaki, ayon iyan sa Physical Fitness and Health ng U.S. Ang mga taong hindi kumikilos, tatamad-tamad at walang pisikal na aktibidad araw-araw ay dobleng nagkakaroon ng pagbabara sa mga ugat kumpara sa mga aktibong tao. Kapag madalas pagpawisan at ma-burn ang mga taba sa katawan ay nadaragdagan ang calories ay nakokontrol nito ang pagbigat ng timbang at naiiwasan din ang pagtaas ng asukal sa katawan. Unti-unting nang dagdagan ang pisikal na aktibidad sa araw-araw na iskedyul. Halimbawa, imbes na sumakay sa elevator o escalator ay umakyat na lang ng hagdanan o kaya ay medyo sa malayong lugar igarahe ang sasakyan para makapaglakad nang mabilis araw-araw. Kapag maghapong nasa harap ng computer ay tumayo at maglakad-lakad nang mabilis sa gusali, paakyat-pababa nang mabilis at paglakad din ng napakabilis tuwing 10 minuto ng bawat oras sa opisina o nasa condo ka man. Sa bahay, maglinis ng mga kalat at magwalis sa bakuran at gumawa ng mga aktibidad na ikaw ay pagpapawisan.


3. Dagdagan ang pagkain ng mga sariwang prutas, gulay at cereals. Ang tipo na ito ng pagkain ay may hatid na bitamina at mineral. Ang ilang sariwang prutas at gulay, tulad ng mansanas o kahel ay mayaman sa fiber. Ang tamang dietary fiber ay mahalaga para mabawasan ang kolesterol sa katawan. Ang mga prutas, gulay, bungang kamote etc. ay mainam na carbohydrates na pinagkukunan ng lakas. Tandaan na kapag ganito kainit ang panahon dapat sapat ang potassium natin sa katawan dahil sa nakapanghihina rin ang dulot ng init kung tayo ay kumikilos.


4. Magsagawa ng katamtamang aerobic exercise ng madalas sa isang linggo. Kailangan natin ng 30 minuto ng cardio exercise. Ang halimbawa ng mabagal hanggang sa bahagyang aerobic exercise ay ang brisk walking, stationary cycling, water aerobics at low-impact aerobic classes. Ito ang nagpapatibay sa puso, nagbe-burn ng calories, gumaganda ang mood at maganda ang presyon ng dugo at blood sugar levels.


5. Bawasan ang pagkain ng matatabang karne. Ang mga saturated fats ay buhat sa baboy at iba pang kauring hayop at hindi ito makabubuti sa puso. Ang pagbabawas sa pagkain ng karne ay tulad ng hindi pagkain ng tabang bahagi at pagtanggal sa balat ng manok.

6. Uminom ng tamang tubig araw-araw. Ang tubig ay nakatutulong para malinis ang urinary tract at naalis ang toxins sa katawan.


7. Magtanong sa doctor tungkol sa cardiovascular stress test. Ang stress test ay para maiwasan ang anumang atake sa puso.


8. Kung may alinlangan ka kung paano magbago ng lifestyle ay magtanong sa health care experts kahit sa online lamang.


 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | May 16, 2021


ree

Ibang klase talaga kung kumanta ang Pinoy hindi lamang sa loob ng banyo, sa oras ng gawaing bahay o kahit naglilinis lang ng bakuran o nagtatanim sa bukid dahil taglay ng maraming Pinoy ang ginintuang boses.


Sabi nga ni international singing star Charice (Jake Zyrus na ngayon) sa panayam sa kanya ng American talk show host na si Ellen Degeneres na hindi raw siya ang pinakamagaling kumanta sa Pilipinas dahil kahit saang sulok daw magpunta ang mga dayuhan kahit saan daw corner ay napakaraming magaling kumanta na Pinoy, talo raw siya pagdating sa mga kompetisyon sa Pilipinas.


Sa naging popularidad na hatid nina Filipino-Mexican Jessica Sanchez, nang pumangalawa sa American Idol, maging ang pandemic rapper star na si EZ Mil ay sinasabing kapag dumadako na maging sa Europa ang mga Filipino ay kinakabahan na sila kapag sumalang na sa entablado ang Pinoy.


At sinuman sa ngayon sa Pinoy ang siyang nangangarap na muling makatuntong sa katanyagan sa larangan ng pag-awit, heto ang tips kung bakit may mga pinapalad at nagiging sikat na singer. At bilang Pinoy heto ang tips para maging next singing sensation tulad ni Moira.

1. Dapat hindi kayo mawawalan ng karaoke o Sing-along machine sa bahay. Dito magsisimulang humawak ng mikropono at sumunod sa awit ang mga paslit. Totoo ngang dahil na rin sa laganap ang videoke sa bawat tahanan ng Pinoy ay talagang nahubog ang maraming kabataan na mahirati sa pag-awit at maging mahusay na singer.


2. Talagang ine-enroll ang mga bata sa voice lessons. Maraming magulang ang gumagasta para sa kanilang paslit na ma-enroll sa music classes at kumukuha pa ng mga personal na voice instructor. Pero sa totoo lang, maraming diva at sumisikat na concert singer ang nanggaling lang sa mahirap na pamilya at tanging mga kalabaw at alagang kambing lang ang nakapakikinig ng kanilang mga boses sa probinsiya, pero plakado ang timplada ng boses at minahal ng masa. Sila ang mga singer na kahit walang formal lesson ay madali nilang nakukuha ang panlasa ng Pinoy sa tema ng boses na kanilang ibinibigay. Komo maraming mayaman ang gustong matutunang umawit ang kanilang mga anak at gumanda ang boses para sumikat ay kumukuha sila ng voice instructor para maturuan ang bata ng mga breathing technique, tamang paraan kung paano bubuksan ang bibig, lugar ng dila habang kumakanta, tamang pagbigkas ng mga salita, tamang pagbasa ng nota at estilo ng pagkanta. Sila rin ang magsasabi kung ano ang talagang kaya at hindi ng bata sa pag-awit maging ang teknik kung paano ang magandang estilo ng pag-awit.


3. Hinihikayat ang mga bata na magpraktis sa lahat ng oras. Ang pag-awit ay simple pero sa mga gustong karerin talaga ang pag-awit ay isang mahirap na trabaho. Kung seryoso ang bata na maging isang tagumpay na singer kailangan siyang hikayatin na magpraktis ng regular.


4. Binabawalan ang mga bata na uminom ng malamig na tubig at sobrang init na inumin. Painumin lamang ang bata ng maligamgam o tamang-tama lamang ang timpla ng inumin. Tiyakin na maiwasan din ng bata ang pag-inom ng kape at pagkain ng maraming asukal para hindi masira ang kanyang boses. Ang tubig ay pinagkamainam niyang inumin. Kailangan niyang ingatan ang kanyang kalusugan.


5. Tinitiyak ding hindi magpupuyat sa pagtulog ang bata. Ang kakulangan sa pagtulog ay mahirap sa bata na umawit kinaumagahan. Laging hikayatin ang bata na matulog ang maaga at nasa oras. Ang walong oras na diretsong kumpletong tulog ay inirerekomenda.


6. Ang mga bata ay dapat isinasali sa mga talent shows o singing competitions. Maging sa iskul man o piyesta sa lugar, anumang singing events sa barangay o anumang patimpalak ng pag-awit , para maranasan ng bata kung paano humarap at lumakas ang loob sa pagtuntong niya sa ibabaw ng entablado at maraming nanonood sa kanya. Ang karanasang ito ang makatutulong sa bata para maiwasan niyang nerbiyusin at matakot sa ibabaw ng stage. Pero bawal pa ngayon ang ganyang event, kaya gagamit na lang muna siya ng singing apps.


7. Dinadala ang bata sa mga singing auditions. Oras na handa na ang bata, isalang na siya sa isang auditions. Bigyan siya ng lakas ng loob para maibigay niya ang kanyang galing at husay sa pag-awit.


8. Ang mga excited na magulang ay nagde-demo tape ng mga performance ng bata at saka ito ipinadadala sa mga talent agencies o recording studios. At dahil nagbabakasakali na baka may mga makapansin sa kakayahan ng kanyang anak. Sa totoo lang, araw-araw ay maraming agents at scouts ang nariyan lang sa tabi-tabi at naghahanap ng susunod na big star. Kaya tiyak mamamayagpag na susunod ang inyong anak sa pag-awit.


9. Ang Pinoy kasi ay marunong magbigay ng lakas ng loob at kumpiyansa kanilang mga anak. Laging positibo ang Pinoy sa lahat ng oras. At dahil ugali na ng Pinoy ang magmahal sa anak at mangalaga kaya talagang suportado ang bata. Suporta lang talaga ang kailangan ng bata para maabot niya ang kanyang pangarap.


10. Nahihikayat kasi ang bata na magkaroon ng unique na estilo sa pag-awit, bukod kasi sa pagiging mahusay kumanta, ang mga talent scouts ay naghahanap ng may kakaibang singing style na bata para maging kapansin-pansin agad sa masa. Mainam din ito kapag nakakapag-compose ng awitin ang bata.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page