- BULGAR
- May 15, 2022
ni Mharose Almirañez | May 15, 2022

Kumusta?
Maliban sa “Hi” at “Hello”, isa ang pangangamusta sa pangkaraniwang introduction sa tuwing mayroong gustong makipag-communicate sa ‘tin. Sa totoo lang, hindi naman lahat ng nangangamusta ay totoong concern sa ‘tin, sapagkat ang iba ay nangangamusta lamang para mangutang o kaya’y magpa-fall.
Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero sana ay aware ka sa totoong motibo ng mga taong nangangamusta sa ‘yo. Lumang istayl na kasi ‘yung “It started with a ‘Hi’, or ‘Hello’,” dahil ang ending, “Inutangan ka na, iniwan ka pa!”
So paano nga ba ipa-fact check ang iba’t ibang intensyon ng mga taong nangangamusta sa ‘tin? Ayaw na kitang mag-overthink, kaya narito ang mga response na dapat gawin kapag may nangamusta sa ‘yo:
1. MAGING STRAIGHTFORWARD. Prangkahin mo na siya at sabihing, “Magkano ang kailangan mo?” o “May balak ka bang mag-stay?” Assuming and intimidating man pakinggan, pero mas mainam na ‘yun kesa magpaliguy-ligoy pa kayo at ma-misinterpret n’yo pa ang isa’t isa.
2. ‘WAG MAG-ASSUME. Ito na nga ‘yung sinasabi ko na hindi porke kinumusta ka niya ay iisipin mong interested na siya sa ‘yo. Beshie, mag-fact check ka muna bago mag-assume dahil baka naman bored lang siya at naghahanap ng makakausap at nagkataon lang na ikaw ‘yung unang nagreply sa dami ng kinumusta niya.
3. TAGALAN ANG REPLY. Kung sa chat siya nangamusta, huwag mo munang i-seen at reply-an ang chat niya. Hayaan mo lang siyang matabunan sa inbox mo dahil kung talagang importante ang purpose ng pangangamusta niya, magme-message ulit siya sa ‘yo.
4. MAGING HONEST. Ipagpalagay nating mangungutang talaga kaya siya biglang nangamusta, ang dapat mo maging tugon d’yan ay, “Sorry, naka-budget na kasi ‘yung pera ko.” Ngunit kung kailangang-kailangan talaga niya ng pera at medyo nakakaluwag ka naman, eh ‘di pautangin mo na. At least, hindi na humaba ‘yung conversation n’yo sa pagpapaliguy-ligoy.
Nakakalungkot isipin na naaalala lang tayo ng ibang tao kapag may kailangan sila sa atin. Hindi naman required na makausap sila araw-araw, pero gasino man lang ‘yung maramdaman natin ang presence nila paminsan-minsan, without hidden agenda, ‘di ba?






